<3 10

48 3 0
                                    

ERIS pov

Habang nasa byahe e halata ko kay mamaw na malalim ang iniisip. Mukha siyang malungkot na pilit lang itinatago ang nararamdaman nya.

Nakakailang ang ambiance sa loob ng sasakyan kasi kahit isa samin hindi makapagsalita.

Tumingin ako sa relos ko 10:00pm na pala, 15 mins. na rin kami nasa byahe. Medyo malayo pa kami at mukhang aabutin pa kami ng matagal sa byahe dahil trapik, umuulan pa.

"hhmmm buksan ko yung player mo ha?" tumango lang siya.

Naboboring na kasi ako atleast pag may tugtog malibang libang man lang. Mukha kasing wala talaga siya sa mood makipag usap ngayon e.

Kaso after magsalita ng dj sa radyo, nawindang ako sa pinatugtog ng radyo.

Sayo akoy walang ligtas

Iniisip ko yung title, maganda to e.

Di makawala sa isip ko woohh

Sayo baliw ang utak ko

Buong sistema ko, sayo hoooohhh

Tama! Pilit by hilera ang kanta na yan.

Pinipilit kong magpakasaya

favorite ko yan e.

Pinipilit kong patawanin ka

Gusto ko sana sabayan kaso paglingon ko kay mamaw ...

Pinipilit kong magpakaiba...

Di na maipinta ang itsura. Nakatingala lang ang ulo nyo habang nakapikit. Pinipigilan nya ba umiyak o inaantok lang siya?

"ehe... ehehehe lipat ko ha?" di sya umimik.. Binaling lang nya ang tingin nya sa harap dahil medyo umabante yung nasa harap ng sasakyan namin.

Yun nga lang.. Sa haba ng commercial nung nilipatan kong radio station eto naman ang tugtog...

Minsan di ko maiwasang isipin ka

Lalo na sa tuwing nag iisa

Napangiwi tuloy ako kasi makasaksak puso rin yang kanta na yan e...

Ano na kayang balita sa iyo

"ayun buntis na!" biglang sabi nya kaya napalingon ako sa kanya.

Naiisip mo rin kaya ako

Napangiti siya ng nakakaloko habang nakatingin pa rin sa harapan ng kotse.

Simula ng ikaw ay mawala

Wala ng dahilan para lumuha

Di ko alam kung ililipat ko pa ba o hindi na, kasi parang naeenjoy nya yung kanta na ewan

Damdaming pilit ko na tinatago

Hinahanap ka pa rin ng aking puso

Ngayon nangingiti nanaman siya

Parang kulang nga...

Kapag ikay wala...

Ililipat ko na sana baka kasi ayaw nya kaso..

Kinagulat ko nung sabayan nya yung chorus

At hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana akoy iyong mahalin

Boses nya ba yun? Parang ang ganda ata...

Hihiling kahit dumilim

Then he came....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon