At Executive Room
Kinakabahan ako dahil pang mayaman ang room na toh kaya sigurado mayaman naka admit dito.
Relax relax tao din yan Eris tao din yan tulad mo kaya wala ka dapat ikakaba. Pero wag lang syang mag eenglish dahil medyo mapurol tayo dyan... -_-
Pagbukas ko ng pinto, ayos tulog siya. Walang english conversation mangyayari samin makukuhaan ko siya ng vital signs ng matiwasay.
Tinitigan ko muna sya. Teka parang namumukaan ko toh aa? San ko nga ba sya nakita?! Di ko matandaan basta namumukaan ko siya.
Hinawakan ko na yung braso para i-bp sya kaso...
"anong sa tingin mo ginagawa mo?"
"aayy butiki" gulat kong nasabi..
"sinong butiki? sa gwapo kong to tatawagin mo kong butiki?"
"ehe... hindi sir..expression ko lang po yun.. sensya na." sabi ko pero tinaasan lang ako ng kilay
"kukuhaan ko lng po muna kay--" di ko natapos sasabihin ko dahil tinabig nya yung kamay ko
"ayoko... get out!"
"eh?"
"I SAID GET OUT!!" nabigla ako sa sigaw nya sabay napaatras.
Biglang bumukas yung pinto at may bumungad na magandang babae na pasugod sa pasyente ko.
"To--... uurhggg... Sanjie!! anong kagaguhan nanaman toh?" sigaw nung babae na nakapamewang pa pero di siya pinansin nung lalaki
"nakikita mo ba sarili mo ngayon? baka akala mo nakakatuwa kang tignan ng ganyan!"
"e di wag mong tignan! tss!!" pagpipilosopo ng lalaki.
"aray.. aray.. ate wag aray masakit ate.!!" pinaghahampas sya ng bag ng ate nya.
"kung sakit lang ng katawan hanap mo dapat tinawag mo na lang ako at bubugbugin kita hindi yung magpapabundol ka pa sa tricycle!!!" ano daw? tricycle? nabundol? hhuuuuhh???
"hindi ako nabundol ate.. iniwasan ko lang siya dahil haharang harang sa daraanan ko.. Takte! bakit naman kasi humarang pa siya madadamay pa siya sa pagpapakamatay ko"
"kaya binunggo mo na lang sa puno?"
"oo ganun na nga! konsensya ko pa kung bakit sya mamamatay. Ako lang dapat mamamatay! Bakit ba kasi ang daming umeepal sa pagpapakamatay ko? leche!!"
"tanga ka talaga!! sige ako na lng papatay sayo leche ka !!" hinawakan nya sa leeg yung kapatid nya at sinakal sya.
"ate di ako makahinga ate...."
"di ba gusto mo na mamatay? sige ako na papatay sayo peste kaaaa!!"
Nakita ko nang nahihirapan na yung pasyente kaya dali dali ako lumapit sa kanila at pinigilan yung babae
"mam tama na po, nahihirapan na po siya" bumitaw naman siya at tumingin sakin. Yung lalaki naman nakahawak sa leeg nya at naghahabol ng hininga
Huminga ng malalim yung ate nya saka nag ayos ng sarili sabay lapit ulet sa kapatid nya.
"Isinuko ko ang sarili ko para bigyan ka ng freedom ni dad. Pinaglaban kita kay dad para sa kaligayahan mo dahil ayokong magaya ka sakin na puro will lang nila ang masusunod. Malaya ka ngayon dahil sa ginawa ko para sayo kaya sana wag mo itapon lahat ng isinakripisyo ko para sayo." yung babae with her cold voice
Umiwas lang ng tingin yung lalaki na tipong pinapakita nya na wala siyang pakialam.
"Hindi ko itinapon ang sarili kong kaligayahan para lang magrebelde ka ng ganyan at magpakamatay ka!! Alam mo kung ano ang isinakripisyo ko para sayo wag mo naman sanang sayangin!" patuloy ng ate nya sabay tumalikod na siya at bubuksan na yung pinto
"ikaw na muna bahala sa kanya" sabi nya sakin sabay lumabas ng pinto
Nagkaroon ng katahimikan sa buong kwarto, hindi ko na nga alam ano ang gagawin ko parang nagfreeze ang katawang lupa ko sa nasaksihan kong eksena.
"ikaw? ano pa ginagawa mo dyan? baka gusto mo na rin lumabas?" sigaw ng pasyente ko kaya na siyang ikinagulat ko kaya naman taranta akong lumabas ng kwarto.
Nurse Station
"musta ?" si kuya jessie na may nakakalokong ngiti
"tss.. tao ba yun? di ba tao lang inaadmit dito? e mamaw yun e!!"
Nagtawanan lahat ng kasama ko sa nurse station.
"tao yun iha... may psychological disorder lang" si Nurse Aya nagtawanan ulet sila.
"pero kahit ganun siya gwapo yun ha" si Nurse Leslie
"nakailang suicide attempt na ba nagawa nun? hahahaha" si kuya Jess
"hmmm.. I think 5 times na sya naaadmit dito." si Joy
"grabe naman?! ibig sabihin 5 beses na rin siya nagtangkang magpakamatay?" ako, tumango lang naman silang lahat
"nung una naglaslas sya kaso agad siya nakita at tinakbo dito kaya naagapan" si Joy
"pangalawa nag overdose siya ng a-ascorbic a-acid" si Jessie na napahawak pa sa tyan nya kakatawa
"tindi!! sa dami ng gamot ascorbic pa yung tinira?" ako
"oo.. hahahahaha kaya di rin sya namatay hahaahaha" si Jess na naluluha na kakatawa
"yung pangatlo na admit sya dahil nagka dengue sya" si Aya
"di naman suicide yun ha?"
"oo... pero ayaw nya rin magtake ng gamot kaya ginawa namin pinatulog na lang namin siya ng pinatulog tapos ininjek sa dextrose nya yung gamot kaya ayun.. pati pagkain nya de tubo na rin, kaya failed pa rin pagpapakamatay nya hahahahaha" si Jessie
"pang apat tumalon sya sa 2nd floor... nyahahahahaaahahaha" si Joy na namimilipit na kakatawa sama mo pa si Jessie
"tss.. tatalon na lang 2nd floor pa?" natatawa na rin ako
"oo dahil takot daw sya sa matataas kaya ni try nya sa 2nd floor lang para hindi masyado nakakalula.. hahahahaha"
"di nga? hahahahaha" ayaw ko sana maniwala pero nagsitanguan silang lahat
"bale pang lima na nya yan ngayon... ano naman daw ginawa nya?" si Aya
"nasa sasakyan daw sya at magpapakahulog sa bangin kaso humarang daw yung tricycle kaya iniwasan nya kaya ayun sa puno sya bumangga" nagtawanan nanaman sila. Si Jessie at joy napapahawak na sa tyan at namimilipit na. Si Leslie naman pinaghahampas si Jessie, si Aya pinupukpok yung ballpen sa table nya at ako naman natatawa sa mga itsura nila kaso.
"si head nurse" mabilis na tumakbo sa cr si Jessie, si Leslie naman tumalikod na kunwari may hinahanap ganun din si Aya. Si Joy humawak ng ncp kunwari may tinitignan kaya ako ang humarap kay head nurse.
"Eris ikaw ang i'aasign sa pasyente sa executive room. Ayaw daw kasi ng pasyente ng kung sino sino ang pumapasok. Ikaw na lang ang iaasign ko sa kanya para medyo bago ang makita nya. Kilala na kasi ng pasyente yung mga kasama mo, gusto nya kasi bagong mukha naman daw" nabubungisngis na tawa ni head nurse
"kaw na bahala sa kanya ha? hhmm siguro 2 weeks lang siya macconfine..dipende pag naghilom na yung nasimentong paa nya at pati mga sugat nya. Kelangan din nya ng therapy kaya ikaw ang mag aasist sa kanya"
"yes mam"
Pag alis ng head nurse saka nagsilapitan mga kasama ko.
"gudlak!!" sila Joy at Aya
"kaya mo yan! haahaha" si Jessie na biglang sumulpot
"kung di mo na kaya ako na lang i'sub mo.. hehe" si Leslie
Napa sigh na lang ako.
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...