KYRIE'S pov
"hhaaaaayyyysss salamaaattt!! nakatikim din ng day off" ako habang nag uunat.
Simula kasi nung magtrabaho ako sa hospital e hindi ako tumikim ng pahinga, dahil nga bago pa lang ako kaya medyo nagpapa impress muna ako. Pero syempre ngayong naka one month na ako e pahi pahinga rin pag may time.
Di muna ako tumayo kundi kinuha ko yung cp ko at nagbababasa ng mga text. May bagong no. nanaman nag text. Idedelete ko na sana kaso medyo pamilyar yung number.
sender: 094622nog2nog
8:45am
san ka ngayon?
____________________________
reply ko:
hu u?
___________________________
sender: 094622nog2nog
hugo toh! binura mo number ko?
____________________________
reply ko
Aaayyy ikaw pala? ehehehe... di ko nasave number mo par!
_____________________________
sender: 094622nog2nog
ang tagal tagal na natin magkatext dito sa number na toh, hanggang ngayon hindi mo pa rin sinisave number ko? pambihira!
_____________________________
reply ko
ahaahaha sorry naman... wala time magkalikot ng cp e. hehe
______________________________
sender: 094622nog2nog
Pambihira ka talaga! teka.. birthday pala ni trick ngayon. Dating gawi.
__________________________________
"takte! birthday pala ni trick ngayon!" ako na napapalo pa sa nuo ko.
Buti nag check ako ng text ngayon. Madalas kasi delete all e.. Di pa naman nakasave number nya. hehehe
reply ko:
Sakto day off ko... sige kitakits mamaya
_________________________
sender: 094622nog2nog
ok....
_________________________
Makikita ko nanaman sila... Namis ko rin ang mga loko na yun ha...
Sana kumpleto mamaya.
After SBEYSBDYDOSBAKSB hours
Andito ako ngayon sa mall at naghahanap ng ipangreregalo kay trick.
Kaso habang naglalakad ako ay kanina ko pa napapansin na may sumusunod sakin. Pero hindi ko talaga mahuli kung sino e.. Basta parang meron talaga e. Pero baka nga lang guni guni ko lang.
Pumasok muna ako ng bookstore para tumingin ng mga bagong labas ng libro.
Ang dami ko sana gustong bilhin para basahin kasi mukhang magaganda ang mga kwento, yun nga lang.. wala ako extra time. haayyss...
Habang nagtitingin ako ng libro napapansin kong may panay silip sa gilid ko.
Inisip ko baka naman hindi ako sinisilip nya kaso, ako lang ang nandito sa section ng mga libro na toh e. Pumunta naman ako sa pwesto ng pinagsilipan sakin, wala naman..
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...