Marry me my true love <3

3K 38 3
                                    

Lahat tayo, gusto natin maranasan ang LOVE..

Darating ang araw, bigla nalang titibok ang puso mo at sasabihing mahal mo na pala siya,

Sabi nga nila, bulag daw ang pag-ibig..

Hindi mo alam, nasa tabi mo lang pala ang makakasama mo habang buhay..

Ang taong magpapatibok ng puso mo.

CHAPTER 1.

"5:45am na!" Agad akong bumangon sa kama ko at Pumunta sa banyo. Excited ako pumasok sa school e. Hahaha

Pagtapos kong maligo, nagbihis nako at lumabas na. Sabay kaming pumapasok sa school ni Kuya lance. Gamit namin yung kotse nya.

6:30 kami umalis sa bahay.

6:45am nakarating narin kami sa school.

Syempre pag papasok nakami sa gate ni kuya, hindi kami nagpapahalatang magkasabay. Alam naman nilang magkapatid kame, pero dahil nga frat man siya, baka kung ano pang isipin nila.

7am na. Nasa loob nako ng room. Medyo maingay dahil nagdadaldalan mga classmates ko. May nagpapakilala, may nagtatanong kung anong pangalan nila, etc. ako naman, tahimik lang.

May napansin ako sa mga kaklase ko.

"Sh*t ang gwapo niya! At tahimik lang din siya" bulong ko sa sarili ko.

"Okay class! Please introduce yourself infront" sabi ng teacher namin.

At isa isa na nga silang nagpakilala sa harap. At ng ako na ang tinuro ni Sir Gomez, dali dali akong tumayo at sobrang kinakabahan.

"Hi classmates. I-m Lo-ren Joyce De Guz-man. 14years old. Ahmm.. " Nahihiyang sinabi ko.

Medyo nagtataka mga kaklasi ko dahil napuputol mga sinasabi ko. At pag upo ko, sabi ng mga seat mates ko, "Hi loren" "Hello joyce!" :) May mga nakipag shake hands din sakin.

At ang susunod na tinuro ni Sir Gomez ay yung lalaking nakaupo malapit sakin. Dalawang upuan lang ang pagitan.

Tumayo siya at pumunta sa harapan. Grabe, ang hot niya at ang angas niyang maglakad!!

"Hello classmates. Im Jerome Joshua Padilla. 15years old."- then he smiled and winked at the girls infront of him.

Nagsisisigaw naman ang mga babaing yun. Ang iingay nila peste! -,-

Ng bumalik na sya sa upuan niya, tinignan nyako.. ng malagkit na tingin. Para bang malulusaw nako..

Pagtapos namin magpakilala lahat, agad naman natapos yung subject na geometry dahil wala pa kaming lessons. Isang subject nalang ay Lunch na!!

Sa subject na mapeh, ngayon ko lang kinausap yung 3yrs ko ng bestfriend simula 1styr. Dahil sa mapeh, seatmate ko siya.

"Uy sis! Ang saya naman kase magkaklase parin tayo no? Hahaha -ako

"Oonga sis e. Balita ko marami daw nagtransfer ngayon sa OU? Halos mga fafa daw! Haha" -thel

Madami nga daw nag transfer ngayon sa OU. Dahil nabawas na yung bayad sa tuition at Nag improve pa ang mga buildings. Sabi sakin ni kuya.

15mins nalang at lunch na.

--------*

Nakaupo kami ngayon sa canteen. Magkaharap kame. Nagkkwentuhan lang kame habang kumakaen.

Nakita namin sa kabilang table sina Jerome Joshua Padilla at may isang kasama rin siyang isang fafa!! Ang ggwapo naman nila.

Nung tinignan ko ulit si Christhel, parang napansin ko, nag bblush sya habang nakatingin sa table nina jerome. Hahaha! Bakit kaya? Hmm.

"Sis! Ang gwapo nung kasama ni Jerome no?"- Sabi niya habang kumikilig.

"Ahh o-o nga no haha" - ako

"Shit. Na love at first sight ata ako sakanya"- thel

"Haha! Ayieeee"- sabi ko ng malakas

"Oyy! sssssshhhh! Wag kang maingay sis! ano ka ba -,- Wag mo naman akong ibuking"-thel-_-

"Hahahaha okay thel sorry naman" -ako

Tapos, may isa pang lumapit sa table nina Jerome. Nung papalapit na sya, sabi nung kasama ni Jerome, "Uy Mike! Anong section mo?" sabi nya.

Ah sya pala si mike, medyo gwapo din.

Sumagot naman si Mike. "Section Zinc ako mark! Tangena! Nagpabaya kasi ako last pasukan e"

Tapos pinag aalog ako ni Christhel.

"Waaaah! Waaahhh! Mark pala pangalan nya!!!"-thel

"Aray naman sis! Landi mo talaga haha" -ako

"Ang gwapo kasi talaga niya! Alam mo naman mahilig ako sa fafa e. Ikaw kase choosy ka! tsk" -thel

"Oo na! Ako ng choosy! Atleast maganda parin!" -ako

"Wag ka ngang assuming jan! Mas maganda ako! :P- thel

"Aba at!"

"Ako yung maganda!"- thel

"Ako!" -ako

"Ako!"- thel

"Ak--! -napatigil nalang kami nung napansin naming nakatingin na pala yung mga tao sa canteen, syempre yung matagal na tinitigan namin, ay sina Jerome. Nakakahiya naman.

Marry Me My True Love (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin