JUSTINE's POV.
Galing ako sa internet shop. Ng matalo kami sa dota, naisipan kong pumunta sa bar.
Pagpasok ko, nakita ko yung isang familiar na lalaki na may ka akbay na babae.
Hindi ako pweding magkamali. Yun yung asungot na boyfriend ng bestfriend ko..
Agad ko silang pinicturan. Pagkatapos nun nilapitan ko sila..
*boogsh!
Pagkasuntok ko sakanya napahiga siya dahil lasing sya.. at dahan dahang tumayo.
"Hoy anong problema mo huh?! gago kaba?!"
*boogsh!
Sinuntok ko ulit siya dahil galit na galit nako!
"what's the fucking are you doing huh?!"
*boogsh sinuntok nyarin ako.
"Sinaktan mo bestfriend ko!
Yun nalang ang sinabi ko at tumakbo na palabas ng bar..
At yun nga, dun ko na tinext si loren.. Pinag iisipan ko nga kung tetext ko pa sya pero ito ang napag desisyonan ko. Ayokong magmukhang tanga nalang si loren ng ganun sa gagong lalaking yun! No way!
E ako nga never ko pang sinaktan si loren e! Tapos siya papaiyakin nya lang ang taong minahal ko?!
Yup. Gusto ko si loren. Gustong gusto ko siya..
Wala akong balak sirain ang relasyon nila. Wala akong balak agawin si loren sakanya.
Ang akin lang, ayaw kong nakikitang umiiyak si loren. Gusto ko palagi syang masaya. Kung saan sya masaya dun din ako magiging masaya.. Kahit hindi nya ako type, po-protektahan ko parin ang bestfriend ko.
---
JEROME's POV.
Umuwi nako sa bahay katapos ng pangyayaring yun.
Ang dami kong sugat sa mukha dahil sa lalaking yun! Gago ba sya! Anong problema nya?!
Teka.. yung huling sinabi nya..
"Sinaktan mo bestfriend ko!"
Anong ibig nyang sabihin? Sinong bestfriend na sinasabi nya?
Teka.. siya nga pala yung nakasama namin sa mcdo ni loren. Oo nga! sya yung bestfriend nya!
Hm. Bat naman nya nasabi yun? e di ko naman gf yung ka akbay ko kanina e. Lasing lang ako kaya ko nagawa yun. sorry talaga.
Text ko muna si loren. May extra pa akong cellphone e..
"Hi Babe. Maayos naba pakiramdam mo?"
Di sya nagrereply. Call ko muna.
*Dialling..
*ring ring ring ring
Di nya sinasagot gago ba to!
Teka, may nagreply na! Aw, bakit kaya kinakabahan ako?
1message receive from: Loren Joyce
"Break natayo"
Pagkabasa ko jan, parang biglang nabiyak ang puso ko.
Bat ako nasaktan? Bat ang sakit? Diba pinaglalaruan ko lang naman siya? Ang dami naman babae jan na nagkakagusto sakin bat ang sakit sakit?!
Sana.. sana hindi ko nalang binuksan yung text nyang yun.
Nagreply ako. "Why?"
Tapos di na sya nagreply.
Nalaman nya ba yung nangyari kanina sa bar? Siguro nagsumbong yung bestfriend nyang yun! Tangina naman oh!
---
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Marry Me My True Love (Completed)
Tienerfictie@LjNiiAbra: Sana po magustuhan nyo ang MMMTL :)