JEROME's POV
Sunday morning umuwi na silang tatlo.
Pupunta pala nyan ako mamaya kayna loren.
Hindi po si loren yung pupuntahan ko, kundi si Lance. May meeting kse ang HW.
12pm yung meeting namin kaya nag relax muna ako sa bahay. Nood ng tv, kumaen, nag gadgets at mrami pang iba.
Hindi ko namalayan yung oras, 11am na pala. Di nako nag lunch busog nakasi ako. Kaya dali dali nakong naligo at nagbihis.
Sinilip ko sa bintana si loren. Magkatapat lang kasi yung bintana namin.
Nakita ko sya. Nakabukas kasi yung bintana nya.
"Pfft.. Hahahahahaha" di ko na mapigilan tumawa sa nakita ko. Hahahaha
Sumasayaw kasi sya ng gentleman. Di nya bagay ang baduy sakanya hahahaha.
Ano ba nanaman trip netong babaing to XD
*lakad
*lakad
Tapos nag door bell nako.
Si tita nelia ang nagbukas ng pinto.
"Nasaan po si Lance?" tanong ko
"Ah. Ayun nasa loob. Pasok kana kanina pa sya naghihintay sa loob"
"Sige po salamat"
-----
Nasa sala nakami ngayon ng mga Hot Warriors.
Hindi lang kami basta bastang frat na nakikipag away, nang gugulo or what ever.
Yung pinag mi-meetingan namin ngayon ay may gagawin kami sa school. Magandang gawa na makakatulong sa OU.
Ilang oras lang, nakita ko si Loren bumaba sa hagdan. At mukhang napapa indak parin siya habang bumababa.
Pagkakita nya sakin, tinitigan nya lang ako ng ilang segundo at umiwas na ulit ng tingin.
"Pffffffft. BWAHAHAHAHAHAHAHA" Di ko na napigilan ang pagtawa. Napalakas pa ata yung tawa ko.
"O napano ka? Bat ka tumatawa? -,-" sabi ni loren
"A-ah wa-la.. hahahaha"
"Ano nga yun babe?"
"wala wala nevermind"
Pagkatapos nun, dumiretcho siya sa kusina at kumuha ng chocolate milk sa refrigerator.
--*
"O ba-ket? a-araay uy anong ginagawa mo ba-kit baa!!" pano, hinigit nyako papunta sa taas
"Basta sumunod kana lang!" sabi ni loren
"Tss. Re-rape moko no?!"
"Aba! kapal mo naman eeewwww" sabi nya sabay bitaw sa kamay ko. nandito nakame sa kwarto nya
"May pa eeeew eewww kapa jan huh?! So, nakakadiri nako?! ganun?!" galit na galit na sabi ko
"Oo! baket angal ka?" sabi nya
Hay nako. Pasalamat kang babai ka mahal ki-! ay wala wala. Ano kayang sasabihin ko? -,-
------
LOREN's POV
Pagkatapos nung sinabi kong "Oo! baket angal ka?" di na sya sumagot.
Tahimik nalang kaming nakaupo sa kama ko.
Tila, pareho kaming malalim ang iniisip. Di mapakali, di alam ang sasabihin at gagawin.
Kaya ko siya hinigit papunta dito ay dahil, wala lang, gusto kong masolo yung babe ko.
Bigla syang nagsalita..
"Babe date tayo bukas please?" sabi nya
"Anong nakaen mo?" natatawang sagot ko
"Marami e. Sige na kase babe"
"Osige. Saan at anong oras?"
"Di kasi ako makakapasok bukas, kaya dadaan nalang ako sa harap ng school. Susunduin kita gamit ang kotse ko hintayin mo nalang ako dun ng 3pm huh"
"Okay. saan kaba pupunta bat hindi ka papasok?"
"Mag aatend lang kaming kasal ni mama. Alam ko naman, ayaw na ayaw mong pabayaan yung grades mo kaya hindi na kita kinulit"
"Haha. Oo tama ka. Osige see you tomorrow."
"Okay see you babe"
"Layas na. Dali"
"Oo na oo na. Sayo bahay to e. Yabang"
"Hahaha. Oh sorry na. *Mwaah" kiniss ko sya sa cheeks at sabay sabing, "Oh chupiiii! alis kana"
"Ayie ang sweet mo naman. Katapos mokong i kiss papalayasin moko huh."
"Ganyan talaga"
---
*Nasa harap nako ng gate. Hinihintay siya.
*Dialling Jerome kuripot
*ring ring ring ring ring
Shit. Bat di nya sinasagot. Bat sabi nya 3pm kami magkikita! 3:30 na huh! Haysst. Malapit ng umulan.
I'll text and call him. But still no response.
Kanina nagriring naman yung cp nya. Bat ngayon hindi na. Yihhh kainis naman yung kuripot nayun
Time check: 4:03pm -,-
Umiitim na yung mga ulap dahil malapit ng umulan.
Ano ba yan. Miss ko na sya e. Kailangan matuloy tong date namin.
Hala! Yan tuloy nalowbat narin ako. Hay nakoo! Pag minamalas ka nga talaga oh! -_____-
Awww, umuulan na. Nabasa nako. Di ko pa naman nadala yung payong ko. Ang init kse kanina e. Akala ko di naman uulan. Hay tanga tanga talaga ako,,
4:34pm na at wala parin sya..
Naglakad ako palabas papunta sa playground. May malapit na playground kasi sa harap ng school namin.
Naka upo lang ako sa swing habang basang basa na.
5:30pm na at tuloy tuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan..
Nilalamig nako at masakit na pakiramdam ko. Malabo narin ang nakikita ko dahil basang basa din mga mata ko na parang umiiyak ako.
Ilang oras nakong naghihintay. :((
tinext ko ulit sya "Babe darating kapa ba?"
Di parin nagrereply.
Sa di kalayuan, may nakita akong papalapit sakin ngunit diko sya makita hanggang sa mawalan nako ng malay..
-----------
a/n: Goodnight guys. ito muna para sa chapter 9. Inaantok nakasi ako e. Iloveyouall guys<3
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Marry Me My True Love (Completed)
Fiksi Remaja@LjNiiAbra: Sana po magustuhan nyo ang MMMTL :)