LOREN's POV.
Malapit na yung christmas! 3days nalang.
Nandito ako sa bahay nila ngayon. Kasama namin ang mga family namin. Balak kasi ng family ko at ang family ni Jerome na i surprise ang daddy ko sa christmas. Kasi sa christmas na siya uuwi e.
"Kids! Ihanda nyo na lahat ang mga gift natin kay Edward" sabi ni mama
"Yes mommy. Excited nako sa pag uwi nya hehehe" sabi ko
And then blah blah blah.
Napagdesisyunan ng family ko na, sa bahay namin. Dun namin i celebrate ang christmas. Bumili na nga si mama ng christmas tree eh. Ang laki sobra hahaha!
Excited nako. Kasi sa mismong christmas, ipapakilala ko na si Jerome kay papa. <3
--
December 24. 11:07pm.
Nandito na si papa sa bahay! Ang saya saya! Ang daming surpresa.
Yung gift ko sakanya ay, parang portfolio sya. Tungkol yun sa family namin. Ang dami nga naming picture ni papa dun e. Bata pa ako dun. Niyakap nyako dahil nagustuhan nya yung gift ko. Naiyak nga ako e ang saya saya!
Pero unti unti akong lumulungkot dahil wala parin si Jerome. Nandito na family niya. Pero siya wala parin. May gift din ako sakanya. Sana may gift din siya sakin.
Di nalang ako nag isip ng mga negative thoughts. Di naman nakakatulong yun e.
Ang ginawa ko nalang ay, pinilit kong maging masaya dahil nandito na si papa. Miss na miss ko na sya e. Kaya nakiparty nalang din ako kahit wala si babe ko..
12am na. At wala parin siya. Di namalayan ng mga family ko na nagkulong ako sa kwarto ko.
Actually umiiyak nga ako ngayon e. Dadating pa kaya siya? :(
Ilang minuto lang lumabas ako. Tinignan ko yung mga mararaming magagandang mga bituin.
Parang kahapon lang nangyari yung pinaka masayang araw na nangyari sakin..
Yung kasama ko syang nakatitig sa mga bituing ito..
Parang kailan lang, yakap yakap nyako habang tinitignan ang mga ito..
Ang sakit.. kasi ngayon ako nalang mag isa..
Kami pa pero di na sya nagparamdam..
Ngayong pasko pa.. Hayy.
Umiiyak parin ako. Di ko lang kasi matanggap e
Ilang beses ko na syang tinawagan at tinext. Naka off phone nya.
---
JEROME's POV
December 24. 5pm
Papunta ako ngayon sa mall. Ibibili ko kasing damit si Loren. Yun yung gift ko sakanya. Miss ko na nga sya e. Kasi last ko syang nakasama nung dec21. Yun yung araw na nagbabalak surpresahin si tito edward sa pagdating nya.
Nag taxi lang ako ngayon. Ewan ko trip ko lang haha. Nakaka sawa din kasi kung puro sariling kotse.
Pagbaba ko sa harap ng mall, may bumangga saking limang lalake. Ang lalaki ng katawan.
Parang sinadya nila ang pagbangga sakin.
"Hoy! Anong problema mo huh?! Bat mo kami binangga?! Nananadya kaba?!" sabi nung nasa harap ko. Parang sya yung leader ng mga lalaki
Malalaking tao sila. Di ko sila kakayanin. Pati nga siguro kaming mga HW hindi namin sila lalabanan e.
"Ahh hayy.. sorry po sorry po talaga" Nag sorry nalang ako kahit sila naman talaga yung nanadya na bumangga sakin. Para matigil na tong away dahil bibili pa akong damit para sa girlfriend ko..
"Walang sorry sorry huh! Tara sumama ka samin!" sabi nila.
"Huh?! wag po parang awa nyo na!" sabi ko. tatakbo na sana ako ng mahawakan nila ang braso ko
"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka samin!" tapos binuhat nila ako at isinakay sa van nila.
"Pakawalan nyoko ano ba!!" sabi ko. Nilagyan nila kasi ako ng Blind fold at tinali ang mga kamay at paa ko.
"Tumahimik ka nga jan! Wag kang maingay!" sabi nung katabi ko
"Sabi ng pakawalan nyoko e!! Kahit naka blind fold ako ang papangit nyo parin! Hahahaha" pang aasar ko sakanila
At aww. Nagalit ata sila kaya nila ako pinagsusuntok at nawalan nako ng malay..
Pagkagising ko, naka blind fold parin ako at nakatali parin. At nakatali ako sa upuan! At parang wala nakami sa sasakyan.
"Ang gagaling nyo naman pala e. Heto sweldo nyo" Sabi nung isang familiar na boses ng babae.
---
Sino kaya yun? Hm! Abangan sa susunod na chapter! :)
Guys! paki vote po :)
-LJNiiAbra
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Marry Me My True Love (Completed)
Novela Juvenil@LjNiiAbra: Sana po magustuhan nyo ang MMMTL :)