JEROME's POV.
Pagkagising ni loren, nagulat sya. O.O
"Hoy bat ka nandito huh?!" sabi niya
"Kung hindi siguro dahil sakin kanina kapa ugok jan! Tapos sisigawan mo lang ako -_- Tch"
"Ows? Bat mo naman ako tinulungan?! Hinahanap kana ng hon mo nyan tch"
"Nagpaalam nako sakanya. (ehem kahit hinde haha) .Kaibigan naman kita e." sabi ko
"Kaibigan?! Wala akong kaibigang manloloko! Ayaw na kitang makita kaya umalis kana okay? Ayaw mong lumabas o ako mismo ang magpapalabas sayo dito?!" sabi niya
So ganun? Kahit thankyou wala man? Tapos papalayasin pa nya ako? Awts. Di na makatarungan yun ah.
"Mag thankyou ka muna tapos aalis nako"
"Heh! Thankyou mo mukha mo! Wala naman akong sinabing tulungan moko! Tsaka gusto akong masolo ng boyfriend ko kaya.. alis! alis jan!" pinag sisisigaw niya
Napabuntong hininga nalang ako at lumabas na sa hospital.
Ang sakit sakit talaga. Sobra. Bakit nangyayari samin to shit lang! </3
--
LOREN's POV.
Umalis na si jerome. At pagkaraan ng isang oras umuwi narin si Justine. Bestfriend ko lang talaga yun. Pinagseselos lang namin si Jerome. Si mama lang yung nagbabantay sakin ngayon. Umuwi narin sina thel at mark.
Nakakaboring naman dito sa hospital tch. Nanood muna ako ng tv para naman hindi ako mainip. Baka bukas daw makakalabas narin ako sa hospital.
Ang totoo talaga, gustong gusto ko ng yakapin si jerome kanina dahil sakanya naligtas ako. Pero hindi pwede e. Hindi pwede. Kailangan kong pigilan. Niloko nyako kaya iiwasan ko na sya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
JUSTINE's POV.
Pauwe nako sa bahay. Nagpaalam na ako kay bestfriend ko. Kasalukuyan akong nagdadrive ng may makita akong babaeng nakaupo sa gilid ng daan. Dali dali naman akong bumaba at pinuntahan yung babae.
"Miss, bat nag iisa ka?" tanong ko
Nakatungo parin siya at hindi umiimik. Kaya kinulbit ko siya at napatingin naman sakin.
Oo siya yun. Kilala ko 'to. Siya to.. Bat kaya sya nandito?
"Hm. Bat ka nandito? Gabi na ah. Baka kung ano pang mangyari sayo!" sabi ko
Tapos agad naman syang tumayo at niyakap nyako. Umiiyak sya habang nakayakap ng mahigpit sakin. Nagulat naman ako dahil niyakap pa nya ako. Baka magalit si jerome. Yeah, si nicole kasi ang babaeng ito.
Niyakap ko nalang sya pabalik. Nakakahiya naman kung itataboy ko siya. Tapos hinimas ko yung likod nya habang umiiyak sya.
"Tahan na nicole, napano ka ba?" tanong ko
"Hm. Bat walang nagmamahal sakin? :(" sabi niya.
"Anong wala? Marami kaya no. Wag mo nga sabihin yan. Tahan na nicole please" sabi ko
"Tara hatid na kita sainyo nicole"
"Ayaw ko munang umuwi. Ipasyal mo muna ako para maalis ang lungkot ko" sabi niya
"Sige tara sakay kana sa kotse ko" sabi ko
Binuksan ko ang pinto ng kotse at pumasok na sya. Habang nagdadrive ako, walang umiimik. Tahimik lang kami.
"Bat hindi mo pala kasama si jerome?" pagbasag ko ng katahimikan
"Ah. ewan. Actually di ko na sya mahal e. Gusto ko lang gumanti sakanya kasi pinagpalit na nya ako agad" sabi niya
Huh? Pinagpalit? Hm.
"Di ka ba nakokonsensya dahil nasira ang relasyon nila ng dahil sayo?" tanong ko
"Hm. Nakokonsensya na nga e. Nakikita ko na silang nahihirapan. Pero hindi pa ako titigil. Konting tiis pa"
"Ay ganun. Akala ko tuloy niloko ni jerome ang bestfriend ko. Hayyy" napabuntong hininga nalang ako
Tapos wala na ulit umimik.
---
VOTE AND COMMENT GUYS.
-LJNiiAbra
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Marry Me My True Love (Completed)
Novela Juvenil@LjNiiAbra: Sana po magustuhan nyo ang MMMTL :)