JEROME's POV~Papunta kami ngayon ni nicole sa mcdo. Ito kasi yung pinaka malapit na kainan dito sa labas ng school. Halfday lang kami ngayon.
Nung papasok nakami, nakita kong nagkkwentuhan sina Loren, thel, mark at justine ata yung pangalan nung isa.
Napatingin lahat sila sa amin nung papasok nakami.
Tapos parang ang sama ng aura ni loren. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon.
Kase tatawa siya tapos biglang lulungkot. Tapos parang ang lalim ng iniisip tapos mag i smile. Then, biglang magiging galit yung itchura niya. Anu ba yan! Mix mix yung emotion niya -,-
Alam na alam ko na fake smile lang yung mga smile niya. Alam ko fake laugh lang yung mga tawa niya. Pero alam kong totoo ang lungkot at galit niya. Ramdam na ramdam ko yun kahit hindi niya sabihin sakin.
"Baby let's go?" gulat na gulat talaga ako jan nung sinabi niya kay justine niyan.
Syempre nabiyak ata puso ko dun </3
Mahal na mahal ko siya at walang nagbago dun. Iniwan ko siya dahil mahal ko siya. Ayaw kong mapahamak siya. Ganun ko siya kamahal. Kung alam mo lang sana babe </3 kaso hindi e! Kaya tayo nasasaktan ngayon..
Kakabreak lang namin may boyfriend na siya agad?! Pano na ako?! Hayy sinaktan ko kasi siya e. Pero para din sakanya to e! Tch.
Tapos sabi ni justine may date pa sila." Aww ang sakit sakit nun..
Ano ba 'to! Lalo pa niya akong pinapahirapan e.
Iniiwasan ko na nga sya para din sa kapakanan niya! Tapos pinapaselos pa niya lalo ako.
Buti nga napipigilan ko e! Kasi baka pag di ko napigilan yun baka masira ang lahat ng napag desiyunan ko. Ang mga natiis kong sakit. Actually di ko naman talaga lahat natiis e. Sobrang sakit. Pinipigilan ko lang dahil mahal ko siya! Higit pa sa buhay ko!
Gustong gusto kong angkinin siya sa lalaking yun!
Gustong gusto kong buhusan ng asido yung bf nyang yun!
Gustong gusto kong halikan si loren sa harap ng lalaking yun!
Gustong gusto kong patayin yung lalaking yun!
Gustong gusto kong gawin lahat yan! Kaso putangina hindi pwede! Baka ikamatay ko pa pag may nangyaring masama kay loren! Shit.
Kaya ang ginawa ko nalang ay ang magpigil.. ang maghintay.. kung may pagkakataon pa na magbalikan kami..
Lalo niyang sinasaktan ang puso ko! Di kasi niya alam ang ginagawa ko e.
"Tara na hon wala nakong ganang kumain" sabi ko nalang kay nicole at wala narin naman sina thel at mark e.
Hinatid ko na syang pauwi. At nagkulong nalang ako sa kwarto ko.
---
LOREN's POV.
"Buti naisipan kong kalkalin yung mga libro ni kuya! Hahaha. College na sya. Teka.. tignan ko yung math book niya. Haha! Heto nakita ko na yung mga pag aaralin natin best" sabi ko
"Oo nga no best! Nice one ang galing mo talaga apirrrr!" sabi ni justine at nag apir kami.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Pinag aaralan namin yung nga inassign sa amin. Pareho kasi kaming pumasok sa math club. Dahil college na si kuya, naisipan kong tignan yung mga libro nyang pang college para di nakami mahirapan..
Ang saya ko kasi kasama ko itong boy bestfriend ko! Kasi siya yung nagpapasaya sakin at hinding hindi nyako pinabayaan..
Nang biglang may nagpatunog ng malakas na malakas na kanta sa kabilang bahay!
And guess what?! Sa bahay mismo ni jerome!
Sumugod ako sa bahay nila!
-------
JEROME's POV.
Nakahiga ako sa kwarto ng naisipan kong tumingin sa bintana.
"Huh?!!!! Bat.. bat nandun yung gagong lalaking yun sa kwarto ni loren?! Bat magkasama sila huh?!!!!"
Hm. Parang ang busy nila huh?! Masubukan ko ngang guluhin sila
Nagpatugtog ako ng wiggle. Yung kanta ni Jason Derulo. Hahaha. Ginamit ko yung malaking speaker ko sa bahay. Tignan ko lang kung hindi sila maiistorbo nun wahaha.
May pumasok sa kwarto ko. Di ko pala na lock yung pintuan -,-
Pinatay ko muna yung music.
"O anong ginagawa mo dito? -,-" sabi ko kay loren.
"NANG AASAR KABA HUH?! BAKIT KA NAGPATUGTOG KANG GANUN KALAKAS?! NAIISTORBO KAMI SA PAG AARAL E!" sigaw nya
"E gusto ko e. Pakialam mo ba!" sabi ko
"E gago ka pala e!" huling sinabi niya tapos umalis na sya hahaha
Hahaha gusto ko maasar sila! Di ako titigil hanggat hindi lumalayas yung lalaking yun haha
---
Paki VOTE PO THANKYOU :)
-LJNIIABRA
![](https://img.wattpad.com/cover/19316649-288-k385711.jpg)
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Marry Me My True Love (Completed)
Novela Juvenil@LjNiiAbra: Sana po magustuhan nyo ang MMMTL :)