Guys. Inuulit ko po, Sina Thelmark muna huh? :) Para malaman nyo kung pano naging sila.
MARK's POV.
Ito yung araw na natulog kaming apat kina Jerome.
Sabay nakaming umuwi ni Christhel. Hahatid ko na siya sakanila baka kasi kung ano pang mangyari dito konsensya ko pa! Haha.
"Ahm mark.. Bakit mo pa ako ihahatid? Kahit wag na.. hehehe" sabi nya
Akala naman nya papayag akong hindi siya ihatid no! Di ko naman siya papabayaan e. Seryoso ako sa kanya.
"Diba sabi ko sayo liligawan na kita? Wala ba akong karapatan ihatid ka?" tanong ko.
Halata naman ang pagkagulat niya..
"Ay di naman sa ganun. Pagod kana kasi e. Baka nakakaabala lang ako" sabi niya
"Nakaka abala? Never kang naging nakaka abala sakin. Kaya please payagan mo nakong ihatid ka?" sabi ko
"Oo na sige na wag ka nang sad." sabi niya.
Paghatid ko sakanya nagpaalam nako tapos sumakay na agad ako sa kotse ko.
May naisip akong plano para mapasagot ko siya. Hahaha
--
Lunch na namin ngayon. Sabi ko kayna Loren at Jerome na hindi muna kami sasabay mag lunch sakanila dahil gusto ko masolo ko sya. Akala nga nila kami na e. Pero hindi pa.
"Mark, cr lang ako huh?" sabi niya
"Osige bilisan mo. Oorder narin ako ng kakainin natin" sabi ko
Nag order nako ng mga pagkain namin. Syempre ako lahat nang gastos.
15mins nakong naghihintay dito bat ang tagal niya? Hayyy...
Ang tagal talaga. Di ko na mapigilan. Pupuntahan ko na sya dun. Kinakabahan nako e.
At ng nakapunta nako sa malapit sa cr, ang daming tao! Lalo tuloy akong kinabahan.
"Tabe! tabi nga kayo!!" sabi ko
Napatigil nalang ako sa nakita ko.. Nagpanic ako..
Nakita ko siyang nakahiga sa lupa. at dumudugo yung ilong nya. At nung hinawakan ko siya, fuck! Inaapoy siya ng lagnat! Nag panic nako!!
Agad ko siyang binuhat at dinala sa clinic.
Hay grabe!! Ano ba kasing nangyari dito.
Hindi na tuloy kame naka pasok sa susunod na subject. Ayos lang yun. mabantayan ko lang siya.
--
CHRISTHEL's POV.
Hindi alam ni Mark na nilalagnat ako.
Nagpaalam akong mag ccr ako. Pero ang totoo, iinom lang ako ng gamot.
Iinom ako kahit di pa ako kumain.. Baka maaalis naman tong lagnat ko kahit walang laman ang tiyan ko e.
Ng papunta ako sa cr, naisipan kong mag shortcut nalang. May shortcut kasi dito. Papasok ako sa mga may naglalaro ng mga sports. Mas magiging malapit na nun yung cr.
Ang tamlay tamlay ko.. masakit pakiramdam ko. Tapos ang dami pang studyante dito. Kaya nakatungo ako habang naglalakad.
Ng may sumigaw na, "Uy babae tabe!!--"
Tapos napatingin ako sa bola na paparating sa direksyon ko at natamaan yung ilong ko at nahiga nalang ako sa sobrang sakit tapos nilalagnat pa ako.. Di ko namalayan nawalan na pala ako ng malay.
"Nasan ako?" pagkagising ko nakita ko si mark na hawak hawak yung kamay ko tapos natutulog.
Pinag aalog ko sya para magising sya.
At bigla naman syang bumangon.
"Hey thel ayos ka lang ba huh?! Alalang alala ako sayo! Tinakot mokong babae ka huh! Ano ba kasing nangyari?! At bat ang taas ng lagnat mo?" tanong nya tapos parang naiiyak na.
"Chill! Okay? Chill lang." tapos kinwento ko na lahat sakanya yung nangyari.
"Dapat kase kumain ka muna bago ka uminom ng gamot e! Bakit kase ayaw mong ipaalam sakin na nilalagnat ka?!" tanong nya
"Ka-kase ayaw kong naaabala kita e.." sabi ko
"Ayan kana nanaman e! Wala nga sakin yun e. Mahal kita e!" sabi niya
Nagulat naman ako. Syempre kinilig ako dun. Ayieee. Sasagutin ko na ba sya? Deserving naman siya diba?
"Hm. Mas mahal kita boyfriend ko.. :)" sabi ko at sobrang nagulat sya
"What?! Ulitin mo nga yung sinabi mo?!" sabi niya
"Sabi ko mas mahal kita boyfriend ko :)" tapos binuhat nyako
"Yeheeey! Kame na ni christhel!!! Thankyou so much lord salamat salamat" sabi niya
"Hay nako. Ang OA mo. tara na pasok natayo"
"Sige Bhey!" sabi niya.. o.O
What? Bhey daw? Haha.
O.O - ako
"Simula ngayon, bhey na yung callsign natin okay?" sabi niya
"o-ow sure bhey hehehe"
--
So gets nyo na? Sa next chapter sina Jerome and Loren na ulit! Haha
Paki VOTE guys! Thankyou :)
-LJNiiAbra
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Marry Me My True Love (Completed)
Teen Fiction@LjNiiAbra: Sana po magustuhan nyo ang MMMTL :)