Chapter III: He's so arrogant!

3.6K 88 13
                                    

"Who are you at sino ang nagpapasok sayo?" Magkasalubong ang kilay ni Anthony at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng nabungarang babae. Pagkuwa'y nilingon ang pinanggalingan nito. Mayroon siyang hindi inaasahang bisita sa oras na iyon at wala siyang panahon para guluhin ng isang babae, kahit na sabihing kasing ganda pa ng nasa harapan. Lingo ngayon, and he always considered it as his rest day, maliban nalang kung emergency. At hindi lang sa trabaho applicable iyun, kundi maging sa mga babae. Sakto kasing laging wala ang mga kapatid sa ganuong araw kaya nakaka-pagpahinga talaga siya ng mabuti.

Muli niyang tinitigan ang nasa harap. The girl was tall compare to ordinary Filipina, and has a slender body. Hindi niya tipo ang mga babaeng payat. He's more on big ass and boobs. Pero kung hindi niya type ang katawan ng nasa harapan ay bumawi naman ito sa mukha. Hindi ito yung tipo na pang beauty queen. But there is something in her lovely face that can make you instantly feel hard. Particularly her sultry sng pinkish lips. Parang may nag-uudyok sa kanyang lapitan ito at ikulong ang labi nito with his own. Delectable and very sensual.

"Tititigan mo nalang ba ako? I thought you want to discuss something" Mataray na untag ni Cash sa pananahimik ng lalaki. At kung hindi gusto ni Cash ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, sh*t. Yes sh*t, dahil siya ay nag eenjoy titigan ang malapad na dibdib ng binata na malaya niyang nasisilayan. The man is not only yummy, he was a real hot. Hindi lang pala nito kahawig sa mukha si Ashton at pati katawan ay kuhang-kuha nito.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina, who are you?" bumalik ang pag-kakakunot ni Anthony. Hindi nagustuhan ang hayagang pagsuyod ng tingin ng dalaga sa katawan. A normal lady will close their eyes, o di kaya ay iiwas ang mata kapag naka-kita ng halos hubad na katawan ng lalaki. But damn this women for surveying him. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng pagka-ilang si Anthony.

"Hello? are you expecting another visitor aside from me? I'm Cash Ordonez." pagpapakilala niya.

Lalong lumalim ang gatla sa noo ng binata. "You are a girl?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Of course, I'm a girl, ano ba sa tingin mo?" Mukhang wala sa sarili ang kausap niya. "And I'm here to discuss with you about what happened last week." Dugtong niya nang hindi ito umimik.

Nag-alis ng bara sa lalamunan ang kaharap. "Please have a seat Miss Ordonez." at itinuro ang upuan sa tapat ng kinauupuan nito. Sumunod naman siya. "Pinag aralan ko na ang tungkol sa nangyari noong nakaraang linggo at kung susumahin nating mabuti ay maaari kitang kasuhan ng reckless driving. Pero may paraan pa para hindi kita kasuhan." Anitong nakatingin ng diretso sa mata niya.

"Ano?" kinakabahan siya.

"You're going to pay the damage on my car." Walang pasakalyeng sabi nito.

"What!!!" Dahil sa sinabi nito ay tumuwid ng upo si Cash. Aaaminin niyang may kasalanan nga siya sa nangyari pero hindi naman puwedeng akuhin niya lahat ng sisi. Sumusobra naman yata ito.

"T-Teka lang, bakit kailangang bayaran kita. Mister, kung hindi mo lang alam ay malaki din ang pinsalang tinamo ng kotse ko, pareho lang tayong biktima, hindi ba pwedeng quits nalang tayo?"

"Miss, kung ikukumpara mo ang kotse mo sa kotse ko ay malaki ang kaibahan ng dalawa..."

Nagpanting ang tenga niya. Aba't inapi pa nito ang sasakyan niya. "Huh! porke ba maganda ang kotse mo at pangit naman ang kotse ko ay ako na ang magbabayad. Sumusobra ka naman yata. Hindi dahil abogado ka ay masisindak na ako sayo." Umikot ang mata niya sa galit. Hindi alintanang malaking tao ang makakabangga niya kung sakali.

"I didn't say any of those." Mahinahong sabi nito. "Ang sa akin lang, ako ang naperwisyo dito. Because of what had happened that night, my girlfriend broke up with me. Hindi ko din magamit ang kotse ko dahil sa kapabayaan mo. In case that you don't know, your car left a big dent on the right side of my car. Kung gusto mong makita ay dadalhin kita sa garahe. Hindi ko pa siya naipagagawa, because I've been busy these past few days."

Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon