Chapter VII: Charade

5K 89 5
                                    

  Sa bungad palang ng venue ay agad may sumalubong sa kanilang lalaki. Binati nito si Anthony at ipinakilala naman siya ng huli na tipid lang niyang nginitian bago siya inakay ng binata papasok sa loob.

Buong buhay ni Cash ay ngayon lang siya nakakita ng grupo ng mga taong nagpapaligsahan ang ganda ng mga kasuotan sa iisang okasyon maliban sa napapanood niya sa television. At isiping engagement party lamang iyon. Halos malula siya sa mga bisitang dumalo. Cameras were flashing everywhere. Pakiramdam niya ay para siyang dumalo sa pamosong Star Magic Ball.

Men were in their semi-formal overcoats tulad ng suot ni Anthony, others are in their designer label sports jacket. Ang mga babae sa tingin niya'y puro kilala sa lipunan- ay nagpapaligsahan sa ganda ang mga kasuotan at mga alahas.

Lihim siyang napangiwi. Kung sakaling hinayaan lang siya ni Anthony na bihisan ang sarili ay magmumukha siyang estudyanteng dumalo sa js prom sa gitna ng mga ito.

Cassandra's ocean blue dress and her sparkling jewels had their fair share of admiring glances. Narinig pa niya ang pagsinghap ng isang bisitang babae nang matitigan ang diamond niya. At bahagya niyang naulinigan ang sinabi nito na walang sinuman sa mga naging girlfriends ni Anthony ang nagkaroon ng pagkakataong isuot ang alahas na iyon.

Pagkuwa'y isang matrona ang narinig niyang muling nagkomento. Na ang suot niya'y pag-aari mismo ni Aurora Martinez na isinuot nito noong kasal nito at ng kabiyak na minana pa mula sa ninuno nito. Sapat iyon upang lalo siyang kabahan. Dinama niya iyon upang siguruhing nakasuot pa rin ang alahas sa kanya. She hoped the jewels were insured.

She was really tensed. Nang sabihin ni Anthony habang nasa daan sila na sa isang engagement party sila pupunta ay bahagya siyang kumalma, She never realized that it would actually turned out to be this grand. Parang gusto tuloy niyang mag-back out at umalis mula sa mga nanunuring mata ng ibang bisita.

Mula sa roaming waiter ay kumuha ng dalawang kristal na may lamang champagne si Anthony at inabot sa kanya ang isa.

She murmured her thanks. Dinala sa bibig ang champagne at dire-diretsong ininom hangang mangalahati. Bahagya siyang kumalma.

Anthony shook his head. "It's one of the best pero hindi iniinom ang champagne na tulad sa isang softdrinks Cassandra."

Pinamulahan siya ng mukha. "I'm sorry." Nagyuko siya ng ulo.

Hinawakan ni Anthony ang baba niya upang itaas ang mukha niya. "Are you allright?"

Biglang tumahip ang dibdib niya nang makasalubong ang mga mata nito. Concern ba iyong nababasa niya sa mukha nito? Marahan siyang tumango at tipid na ngumiti.

"There you are, pare. You are so late, hindi mo na tuloy inabutan ang very corny na message ko. "

Awtomatikong nailayo ni Cash ang sarili sa binata na kapansin-pansin ang sandaling pagkalito sa mukha. Tuluyang inagaw ng magka-parehang palapit ang atensyon nila ni Anthony.

Hanggang tenga ang ngiti ng lalaki nang huminto ang mga ito sa harap nila. Sa tabi nito'y masasabi niyang isa sa pinakamagandang babaeng nakita niya sa tanang buhay niya. Nakasuot ito ng ternong silk pantsuit na kulay tan. At simpleng earings set na sa hinuhuya niya'y nagkakahalaga ng milyon.

"Pare, condolence sayo." Seryosong bati ni Anthony na kinamayan ang lalaki. Mukha namang hindi na-offend ang dalawa at sa halip ay tumawa pa nga. "Hindi ko akalaing darating ang araw na magpapatali ka."

"Can't help it bro, baka maunahan pa eh."

Then two pairs of curious eyes focused on Cash.

"Hanggang ngayon Rea hindi ko maintindihan kung paanong naging mapalad itong si Robert sa pagkakatagpo sayo gayong napakaraming atraso niyan." He teased.

Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon