"You can take everything I have. You can break everything I am. Like i'm made of glass. Like I'm made of paper. Go on and try to tear me down. I will be rising from the ground like a skyscraper....."
Cash sings to her heart content while driving her old-new kia rio 1.2 special lx mto. Old dahil second hand na iyon na ilang buwan na rin niyang hinuhulugan sa kapitbahay at kaibigang si Caloy. Pagmamay-ari umano ng amo nito ang sasakyan at gusto lang daw idispatya. At new dahil bagong pintura iyon.
Nagsihiyawan naman ang mga baklang kasama niya sa loob ng sasakyan. They were heading to the nearest disco bar.
Sa wakas ay naaya din siyang sumama ng mga ito. Hindi kasi siya mahilig sa mga ganoong lugar. And what a pre-school teacher like her would do in that kind of place.
But tonight would be an exemption.
She's Cassandra Ordonez but she prefer to be called Cash. It means "Ok or allright" sa gay community na kinabibilangan niya.
"Aaay, bitter ocampo ang drama ni Bakla." hindi napigilang komento ng matalik na kaibigang si Arnie na siyang nakaupo sa passenger seat. Sa likuran ay si Jeffie at Eva. And yes, the three of them are gays.
Nai-kwento na niya sa mga ito ang dahilan ng pagsisentimyento. Nag break kasi sila ng long-time boyfriend na si Franc. They've been together for almost four years now. Their relationship had been to many trials and difficulties, but they tend to survive it.
Kahit minsan masyado itong babaero at naniniwala sa pre-marital sex, na siya namang kabaligtaran niya, ay hindi naging dahilan iyun upang hindi sila magka-sundo. Madalas nga lang nilang pinagtatalunan iyun pero sa bandang huliy napapahinuhod niya ang binata. At nito ngang mga nakaraang buwan ay hindi na nila napagdidiskusyunan ang tungkol sa bagay na iyon na sobrang ikinatuwa niya.
Until this afternoon, nahuli niya itong nakikipag make-out at sa kinamalas-malasan ay sa greatest rival pa niya na si Lou. Kaya pala niya laging nahuhuling nakatingin sa kanya ito na nang-uuyam. At ang balahura niyang ex-boyfriend ay siya pa ang sinumbatan kesyo daw masyado siyang pakipot. Sabi pa nito ay mag-isa niyang pabulukin ang virginity niya.
"Huh, feeling ka, akala mo ikaw lang ang lalaki sa mundo! Magsama kayong dalawa ni Lou!" Mariin niyang tinapakan ang silinyador at lalong bumilis ang takbo ng sasakyan. But who cares, nasa open highway naman sila at kaunti na ang mga nagdaraang sasakyan.
Pumapasok sa nakabukas na bintana ang malakas na hangin. Bahagyang guminhawa ang pakiramdam niya.
Gusto pa niyang matawa sa suot. Actually she was really fun of wearing colorful clothes especially the light one. Pero kakaiba nag trip niya ngayon dahil nagmukha siyang magandang bakla with matching long false eye lashes, hard make-up and a pink wig. It was her friend's idea para kahit daw magwala siya ngayong gabi sa bar ay walang makakakilala sa kanya. Dahil kung mangyayari iyon ay siguradong sibak siya sa trabaho.
"Ikaw na teh, ikaw na ang mabilis mag drive. Ayy" malakas na tili ni Jeffie na pinasundan ng dalawa pang kasama.
Bahagyang binagalan ni Cash ang patakbo nang mabasa ang bahagyang panic sa mukha ng mga kasama. Ngunit dahil madaming gumugulo sa isip, hindi niya agad napansin ang isang sasakyang bigla nalang sumulpot mula sa isang eskinita.
On instinct ay agad niyang natapakan ng mariin ang break at sinubukang umiwas but she knew it was too late. Ang tanging naramdaman ni Cash ay ang pag-uga ng buong pagkatao niya dahil sa impact.
Wala ni isa man sa kanila ang nagtangkang kumilos sa kinauupuan dahil sa bilis ng pangyayari.
Tumaas-baba ang dibdib ni Cash habang mahigpit ang hawak sa manibela .
BINABASA MO ANG
Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap mo
Romance"Nevertheles, her eyes automatically close when she felt his warm lips claim hers in a very gentle and soft way." Sa murang edad ay namulat sa realidad ng buhay si Cash. Lumaki sa pangangalaga ng mga bakla at walang ideya kung sino ang mga totoong m...