Chapter V: She became his maid

3.4K 68 8
                                    

Nang sumunod na araw ay nagtatalo parin ang isip ni Cash habang patungo sa mansion ng mga Martinez. Hindi parin kasi matanggap ng mataas niyang pride na magiging katulong siya, lalo ng mayamang tulad ni Anthony. Somehow, she was hoping that one day, she will meet a man exactly like him who will sweep her off her feet.

Agad niyang pinalis ang sentemyento sa isip nang makapasok siya sa loob ng gate. Matagal na niyang ginive-up ang fairytale fantasy niya.

Inabutan niya si Anthony sa sala na mukhang paalis na. Hindi niya napigilang pasadahan ang kabuuan nito. Nakasuot ang lalaki ng suite na lalong nagpalutang sa dominanteng aura nito. Hindi lang ito basta gwapo at matangkad, he was also intimidating. Tough looking sa kabila ng naka-executive suite.

Walang reaksyon muling ibinalik ang mata sa mukha ni Anthony. "Pumapayag na ako. Basta kung ano yung usapan natin, ganoon na iyon, wala ng madadagdag pa. In three weeks I will be your maid." Gustong umikot ng mata niya as she spoke the words. Tatlong lingo. Magiging katulong siya ni Anthony sa loob ng dalawampu at isang araw. Iisipin nalang niyang makakatulong siya sa love story ng dalawa bukod sa benifits na makukuha niya.

"You made the right decision." Ngumiti ito habang inaayos ang suot na tie. "And one thing Ms. Ordonez, do you have another name aside from the one you gave me?"

"Why?Is there something wrong with my name?" takang tanong niya. Yung iba nga gustong-gustong banggitin ang pangalan niya. Cash. Hindi ito sumagot, but instead wait for his question to be answered. So dominating! Sigaw ng isip pero pinasundan naman niya ng sagot. "It's Cassandra. Pero kung hindi ikakasama ng loob mo. Please call me Cash. Most people prefer to call me by that name."

He nodded at dinampot ang naka-patong na attache case sa minister Bentley sofa na ikinalaki ng mga mata ni Cash kanina. "Then it's a done deal. You can start tomorrow. You can find your way out, I have a trial today, I'm in a hurry."

"Wait." Pigil niya rito. "I have my class tomorrow." Pag-bibigay alam niya.

"You're still studying?" gulat na tanong ni Anthony na napakunot-noo. No wonder the girl looks young.

"Ahm no, I'm a pre-school teacher." Nahihiyang sabi niya. "You can laugh, hindi ako mao-offend." Pilit siyang ngumiti. Sanay na siya sa mga taong tumatawa kapag sinasabi niya ang trabaho. Dahil siguro malayo sa personality niya ang maging teacher, lalo na ng mga bata.

"Then come here after your class. Siguro naman ay half-day ka lang." Tumango si Cash bilang sagot. "Ibibilin ko nalang kay Val na papasukin ka pagdating mo bukas, coz I might not be here."

"S-Seryoso ka hindi ka talaga tatawa?" at sinuri ang gwapong mukha ng binata.

"There is nothing funny about it." Lalong nangunot ang noo nito at nang maalalang nagmamadali ito ay napa-mura sa sarili. "I really have to go. See you around." Tumalikod na si Anthony at nagtungo sa pinto.

"Thank you" habol ni Cash bago tuluyang lumapat ang pinto pasara. Naiwan siyang nangingiti bago bigyan ng huling sulyap ang elegante at nakamamanghang receiving area ng mansion bago tumulak paalis.

Tulad ng napag-usapan, pagkatapos ng klase ay dumiretso na siya sa bahay ng mga Martinez. Agad niyang inumpisahan ang maglinis .All she have to do is to clean Anthony's room and cook his meal. Saka na siya aalis dahil magtutuloy pa siya sa ospital pagka-galing niya doon. Wala na itong magagawa kung nakaalis na siya dahil hindi nito alam kung saan siya nakatira.

"Masinop daw sa gamit ha?" Nakataas ang kilay na iginala ni Cash ang paningin sa loob ng kwarto ni Anthony. Sinimulan niyang pulutin isa-isa ang nagkalat na damit ng binata. Basta nalang ba ito naghuhubad at iniiwanan ang pinagbihisan. Pati sa loob ng banyo ay nagkalat ang mga tuwalya. Ibinabad niya muna ang toilet bowl at bath tub sa hindi niya kilalang cleaning product na bigay ni Val. May English instruction naman sa lalagyan kaya hindi siya nangiming gamitin saka sinimulang tanggalin ang kurtina at sapin ng kama.

Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon