"I-I told you I can manage. O-Okay na ako dito." Hindi mapakali si Cash habang nasa passenger seat ng sasakyan ni Anthony. Kanina pang pag-alis sa bahay ng mga Martinez pa parang sinisilaban ang pwet niya sa kaba.
Nag-volunteer ang binata na ihatid siya sa ampunan kung saan siya kinuha ni Dodie, dahil mag-aattend siya ng yearly anniversary. At napakalaking coincidence na ang pamilya ni Anthony ay isang malaking sponsor sa El Cielo.
"Will you stay put Cassandra. Ang gulo mo. Bakit ba kanina kapa aligaga dyan," sita ni Anthony sa nakikitang pagka-balisa ng dalaga.
Pinagsalikop ni Cash kamay at ipinatong sa lap. She took a deep breath and looked at him. "A-Anthony, I have something to tell you."
"What?"
"Kasi..." parang may bara sa lalamunan niya na pumipigil sa kanyang makapag-salita. Kinakabahan siyang baka bigla na namang lumabas ang dark side nito kapag nakita si Dodie.
Pero kung hindi mo sasabihin ngayon baka mas lalong magkandaloko-loko. Baka mamaya doon pa magbuga ng apoy yan warning ng sariling isip.
"Come on. Spill it out." he encouraged.
"Will you promise na hindi ka magagalit?"
Tumango ito.
"Ahmm, I know your having issues with gays." she stopped in mid-sentence. Tinantiya ang mood ng katabi at kitang-kita ni Cash ang biglang pagbabago ng reaksyon sa gwapong mukha nito. From light mood ay unti-unting dumilim ang mukha.
"You said some of them are your friends." Kaswal na wika nito at nanatiling nakatutok ang mata sa harap.
"They are not simply my friends Anthony. They are my... my family" she corrected. Ang lakas ng tambol ng dibdib niya.
"Family?"
Isang tango ang pinakawalan niya. "M-Mamu is a gay." Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Na-kwento na niya kanina ang dahilan kung bakit siya pupunta sa El Cielo. Ang pag-adopt sa kanya ni Mamu, but she didn't tell him her foster dad's true identity.
"We're here." Tanging tugon ni Anthony. Bubuksan na sana nito ang pinto sa gawi nito nang pigilan ni Cash.
"N-Nandito si Mamu. P-Please be nice to him, Anthony." She begged.
Bumuntung-hininga ang binata. "I can't promise anything, Cassandra. But I'll try my best."
Matagal niya itong tinitgan bago siya bumitaw. "Thank you." Ngumiti siya pero hindi parin napalis ang pagkaka-kunot ng noo.
Pagdating sa loob ay agad siyang nag-mano kay Dodie na naka-recover na mula sa pagkakaospital at ipinakilala ito kay Anthony. Civil at pormal naman ang huli pero halata ang pagkailang.
"Ate Cassandra!" Sabay-sabay na sigaw ng ilang batang nagtatakbo palapit kay Cash. Agad gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga. Naupo siya upang salubungin ng yakap ang mga ito.
"Ate na-miss ka nila. Ang tagal mo kasing hindi nakadalaw, palagi ka nga nilang hinahanap sa akin." Ani Lily na trese anyos na. Ito ang pinakamatanda sa grupong iyon at isa sa pinaka-malapit kay Cash.
Napakamot siya sa ulo. "Oo nga eh, busy kasi si ate. Hayaan niyo promise ko palagi na ako ulit dadalaw rito. "
"P_Plamis ate." Halos maiyak-iyak pa ang tatlong taong gulang na si Bimbo.
Lumambot ang puso ni Cash sa gesture na iyon ng bata kaya agad niya itong niyakap. "Promise." itinaas pa niya ang isang kamay. At nagsiyakapan din ang iba pa. Halos magkakasabay pa ang mga ito sa pagsabing ' i miss you ate.'
BINABASA MO ANG
Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap mo
Romance"Nevertheles, her eyes automatically close when she felt his warm lips claim hers in a very gentle and soft way." Sa murang edad ay namulat sa realidad ng buhay si Cash. Lumaki sa pangangalaga ng mga bakla at walang ideya kung sino ang mga totoong m...