Chapter XIII: He held me so tightly

7.1K 178 19
                                    

  "There you have it," masiglang intro ng host which is also a gay as he delivered his speech. "And now, let us witness our beautiful contestants as they introduces themselves." Umalis ito at pumailanlang ang isang intro music. Isa-isang nagpakilala ang mga kalahok. Nang si Arnie na ang magpapakilala ay nagsihiyawan silang magkakaibigan.

"Wooh!! Bestfriend ko yan" sigaw ni Cash nang maglakad ang kaibigan sa pinakaharap ng stage. Bumaling siya kay Anthony. "He's my bestfriend." maluwang na ngiting sabi niya rito.

He laughed. Yung tawa na gumawa ng linya sa sulok ng mga mata nito. "He is?"

Napalunok si Cash habang nakatitig rito. And then she flushed. Naramdaman niya ang pangangapal ng pisngi. Nahiling na sana ay hindi isipin ni Anthony na feeling close siya rito.

"Mabuti pa ang baklang mukhang babae kaysa naman tawaging babaeng mukhang bakla. Isang magandang gabi sa inyong lahat. Bumabati sa inyong harapan ang babaeng nagpatibok sa puso ng nag-iisang Luis Manzano, walang iba kundi si Angel Locsin." Arnie said with confidence. Sigawan uli ang mga tao.

Sa buong durasyon ng patimpalak ay napuno ang buong basketball court ng kantiyawan. Bawat isa ay may kanya-kanyang manok. She was enjoying the night.

Then she suddenly become uneasy. Yung pakiramdam na parang may nakatitig sa kanya mula kung saan. Ganun ang naramdam ni Cash kaya niya iginala ang paningin sa paligid. She was stunned when she met a familiar pair of curious eyes. Nakatingin si Franc sa kanya ten seats away from them. Sa tabi nito ay ang natutuwang si Lou. Yes, ang babaeng dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng kasintahan.

Baka you mean "dating" kasintahan sabi ng utak niya. Whatever!

Sumimangot siya, pero nang mapagmasadan maigi si Franc ay nagsalubong ang kilay niya. Bakit mukhang problemado ata ito? Malaki din ang ibinagsak ng katawan mula nang huli niya itong nakita. Ant that was like only weeks ago. Masyado ba nitong ininda ang naging paghihiwalayan nila? Imposible. Siya na rin ang sumagot sa sariling katanungan, dahil kung gusto talaga siya nitong balikan, sana sinuyo na siya nito. Not that he wanted him back. Pero sana nagka-guts naman ito na kausapin siya for a closure.

Matagal silang nagkatitigan ng binata kaya basang basa niya sa mata nito ang kalungkutan. At may parte ng pagkatao niya ang gustong mahabag dito. May pinagsamahan rin naman sila ng binata kahit papano.

Mukhang napansin ni Lou ang pananahimik ng katabi kaya sinundan ang tinitignan ni Franc. Naningkit ang mata nang makita siya. Pilit kinuha ang atensyon ng binata and to her shock kissed him on the lips in front of everyone else. Well, what else should she expects. Lou was known to be a promicious woman kaya siguradong wala itong pakialam kung may makakita man sa ginawa.

Pinakiramdaman niya ang sariling damdamin. Bukod sa pagka-inis sa dalawa dahil sa nasaling na pride ay wala na siyang ibang maramdaman. Siguro nga ay hindi malalim ang naging emotional investment niya para kay Franc. But she still felt sad on the result of her selfishness.

"What's the matter? Bakit bigla kang natahimik?" untag ni Anthony.

Umiling siya at tipid na ngumiti. Muling nilingon ang kinaroroonan ni Franc. Hindi na ito nakatingin sa kanya. Kung may nararamdaman man siya nang mga oras na iyon bukod sa galit para rito, yun ay pagka-inggit. Naiinggit siya dahil nakahanap na si Franc ng panibagong relasyon samantalang siya ay nag-iisa pa rin.

Palihim niyang sinulyapan si Anthony. He was laughing, at tila may mainit na bagay na humaplos sa dibdib niya sa nakikitang enjoynment sa mukha nito despite his issues with gays. Biglang may tanong na lumitaw sa isip ni Cash. Can he actually likes her? May chance ba na tignan din siya nito as a woman deserving of his love?

Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon