"Yes!"galit na sagot ni Cash sa cellphone pagkapasok sa sariling kwarto.
"Cash?"
Natilihan siya at nabitin ang paglapag ng bag sa mesa. Muntik na niyang makalimutan ang tamang manner sa pagsagot ng cellphone. Hindi parin kasi nawawala ang pagka-inis niya kay Anthony. Wala parin ito sa mansyon nang kunin niya ang gamit at hanggang sa matapos siya sa paglilinis sa kwarto nito. Pilit niyang iniignora ang kudlit sa puso niya knowing na pinabayaan siya nito.
"Cash?" muling untag ng nasa kabilang linya.
"S-sorry Ariella."
"It's okay. Alam ko namang pabigla-bigla akong tumatawag."
Nahimigan niya ang pagdaramdam sa boses ng dalaga. Bahagyang nakaramdam ng guilt si Cash. Hindi lang dahil sa pagsagot ng pabalang kundi pati na rin nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila ni Anthony.
Hindi niya napigilan taasan ng balahibo sa batok as she remembered Anthony's passionate kisses na hindi lang sumamba sa kanyang mga labi kundi sa hanggang sa punong-tenga at leeg. And his warm touches, oh, she cant help but flinch. Kahit mga alaala nalang ang mga iyun ngayon ay hindi parin mamatay ang apoy na nilikha ng binata sa katawan. And just by thought of it ay tila lalo iyung sinisilaban. Gosh, she hated and wanted him at the same time.
"Cash?" Alanganing untag ng nasa kabilang linya. At ang init na nararamdama'y tila binuhusan ng malamig na tubig.
Somehow she felt guilty dahil dapat ay binabantayan niya si Anthony para rito at hindi ang pagpantasyahan ang binata.
"I just want to get an update." Mahinhin nitong sabi.
Lalong bumigat ang dibdib niya. Feeling niya ay kontrabida siya sa isang libro. "Ah a-ang totoo niyan kasi Ariella hindi ko naman nababantayan si Anthony kasi half-day lang ako naglilinis sa bahay nila pagkatapos ng klase ko. Tapus gabi naman dumarating si Anthony kapag uuwi na ako. Ang alam ko lang ay busy siya ngayon kasi may malaking kaso siyang hawak." Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Partly, totoo naman ang sinasabi niya pero kahit magka-ganoon ay mahaba padin naman ang oras na nagkikita sila ni Anthony.
Enough time to flirt with him, kantiyaw ng sariling isip
Hindi umimik ang nasa kabilang linya. She felt sorry for her pero wala naman talaga siyang napapansing kakaiba sa ikinikilos ni Anthony. At wala rin namang babaeng pumupunta doon. Alangan namang isumbong niya ang sarili. Sabihin ang ginawang pag-eenjoy sa paghalik sa kanya ng binata.
No, hindi na niya kailangang malaman iyon dahil the moment na matapos ang usapan nila ni Anthony ay mawawala na rin siya sa buhay nito.
Bigla siyang nalungkot sa kaisipang iyon. At ang guilt na nararamdaman para kay Ariella ay napalitan ng kahugkagan. Isipin palang na hindi na niya makikita si Anthony ay naghahatid ng labis na kalungkutan sa kanya. She will surely miss him. Sa totoo lang kaya siya naiinis ay nag-eexpect siya ng tawag mula rito. Kahit sorry lang.
"Ganun ba. Kung ganun siguro dapat na akong sumuko ano." biglang tumamlay ang boses nito.
"H-hindi mo na ba siya mahal?" Alanganing tanong ni Cash. Hindi alam kung para kanino ang tanong. Para sa pabor na hiningi nito o para sa nararamdaman niya?
Narinig niya ang malamyos na tawa nito ngunit hindi nakaligtas sa tenga ang kalungkutan doon. "I think I should give up now. Siguro dapat ko ng kunin yung gamit ko na nasa kanya parin"
At naalala niya ang sinasabi nitong envelope. Nakita niya iyon mismo sa drawer ng binata noong minsang naglinis siya.
"A-are you giving up? "
BINABASA MO ANG
Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap mo
Romance"Nevertheles, her eyes automatically close when she felt his warm lips claim hers in a very gentle and soft way." Sa murang edad ay namulat sa realidad ng buhay si Cash. Lumaki sa pangangalaga ng mga bakla at walang ideya kung sino ang mga totoong m...