Chapter VIII: Serious talk

3.6K 79 12
                                    


  Medyo malayo na rin ang nalalakad ni Cash nang makaramdam ng pagka-ginaw. Nang tumingin sa paligid ay bahagya siyang nakaramdam ng takot. The street is deserted. Nayakap niya ang sarili. Sometimes, she always have this feeling of being left behind kapag napag-iisa siya. At binabalot siya ng labis na kalungkutan.

Binasag ng tunog ng cellphone ang katahimikan ng paligid. Numero lang nakarehistro doon. She was hesitant at first pero sinagot parin niya at baka importante.

"Cash?" maarteng boses ang nasa kabilang linya.

"S-Sino to?" Alanganing sagot niya at huminto sa paglalakad.

"Si Ariella to, Cash. Gusto ko lang makibalita, you know it's been few days."

Oo nga pala, muntik na niyang malimutan ang pabor nito. Tinignan niya ang relong pambisig, pasado ala-una na. Bakit ito napatawag ng ganoong oras? Gayunman ay wala sa mood na ikinwento ang mga nangyari ngayong gabi. At pati na ang presensya ni Lizzy kanina.

"Wala ka bang nakikitang matandang nakakausap niya. Mga five feet six inches, medyo napapanot na, maputi at may balbas?"

Inalala niya kung may nakita nga siya na tulad ng description nito. "Parang wala naman."

"How about yesterday? or the other day? o kaya kaninang hapon?"

Muli siyang nag-isip. Normal lang ang boses nito kaya hindi nagdalawang -isip ni Cash na sagutin ang mga tanong nito. "Parang wala naman."

"Ah okay." may bahid ng disappoinment ang tinig ng babae sa pagtataka ni Cash. " Number ko ito Cash, just incase na may makita kang kausap si Anthony na ganuon sa description ko ay tawagan mo ako agad ha."

Napakunot-noo siya nang maputol ang linya. Ni hindi man lang siya hinintay na makapag-paalam ng nasa kabilang linya. Come to think of it, parag kakaiba ang inaakto ni Ariella. Binanggit niya ang pagkikita ni Lizzy at Anthony pero parang wala itong pakialam at sa halip ay iba ang concern nito.

At wala ka ring pakialam sabi ng utak.

"Oo na wala na kung wala." Parang baliw na kausap sa sarili at muling nagpatuloy sa paglakad ng walang direksyon. Nahiling niyang sana ay may mapadaang taxi.

Maya-maya, mula kung saan ay biglang nag-park ang sasakyan sa tabi. Bumaba ang bintana at tumambad ang pinakahuling taong gusto niyang makita. "Cassandra!" Dumagundong ang boses ng binata sa loob ng sasakyan.

Hindi niya ito pinansin at sa halip ay tumalilis ng daan upang hindi makasunod ang sasakyan nito. Walang nagawa ang binata kundi bumaba at sundan siya.

"Cassandra!" Tawag nito ulit sa kanya ngunit kunwa'y walang naririnig ang dalaga. Hinawakan siya nito sa braso nang maabutan

"Why did you leave the.." hindi nito natapos ang sasabihin at natuon ang mata sa leeg niya.

"Oh, your precious diamonds. Kaya mo ba ako sinundan kasi akala mo pag-iinteresan ko ang mga alahas mo?" Galit na binuksan niya ang bag at inalabas doon ang mga alahas at inilagay sa palad nito. "Ayan siguro hindi mo na ko susundan!" At pairap na tinalikuran ito.

"Wait..." habol nito.

Tumigil siya at humarap rito. "Ano pa?? Ah, itong bag mo?" Kinuha niya roon ang cellphone at wallet saka padabog na ibinato sa dibdib nito. "Isama mo na rin ito." At tinanggal ang sapatos saka ibinigay sa naguguluhang binata. "Sorry, spare the dress ibabalik ko nalang ito bukas." At muling tinulikuran ang binata na sobrang nagulat sa outburst niya.

"Cassandra, wait..?" Maotoridad na tawag nito.

Huminto siya at mariing pumikit. "What!" singhal niya.

Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon