Chapter IX: Are you flirting with me?

5.1K 86 16
                                    

  "Republic act no. 9262, an act defining violence against women and children, providing for protective measures for victims prescribing penalties therefore and for other purposes. Pwedeng-pwede kang kasuhan kapag itinuloy mo ang balak mo." Maotoridad na intro ni Anthony na akala mo'y nasa korte habang palapit sa kanila. His eyes full of danger.

Nakahinga ng maluwag si Cash nang makita ang binata. Agad siya nitong nilapitan at itinago sa likuran nito.

"At sino ka naman?" Maangas na tanong ni Eric na hindi man lang natinag kahit na mas matangkad at mas malaki ang katawan ng kaharap.

"Pwede rin ang Republic Act No. 7610 in which children refers to person below eighteen years of age or those one unable to fully take care or protect themselves from abuse, neglect, cruelty exploitation or discrimination because of a physical or mental disability or condition. In short child abuse yun at kitang-kita ng lahat ang ginawa mo sa bata." Pagpapatuloy ni Anthony na hindi na sana gustong makialam sa gulo kahit naawa rin sa bata. Ngunit nang makita niyang tangkang sasaktan ng lalaki si Cassandra ay hindi nito napigilan ang sarili. Kahit kaylan talaga ay napaka-careless ng babae. "At kung anuman iyong ibinulong mo kay Cassandra, pwedeng ipasok ang Revised penal code Articke 282. Any person who shall threaten another with the infliction upon the person, honor amounting to a crime, thats grave threat...."

"Andami mong satsat. Bakit ka ba nangingialam pare, labas ka dito."

"Kasama man ako o hindi, may karapatan akong mangialam dahil idinamay na ng kasama ko ang sarili niya."

Ngumisi ito. "Ah, dumating na pala ang superman ni Miss pakialamera."

"Hindi siya ang superman ko, abogado ko siya." Sumilip si Cash mula sa likod ni Anthony. At effective naman ang naisip niya dahil kitang-kita niya ang biglang pagputla ng mukha ng lalaki.

Pati na rin ang babaeng kasama na kanina lang ay walang pakialam."E-Eric, tama na yan h-halika na." Awat nito lalo na nang magsigawan ang mga tao.

"Sige attorney kasuhan niyo na ang mayabang na yan."

"Oo nga at ng magtanda pati bata pinapatulan."sigaw ng isa pa.

Nagtagis ang bagang ni Eric. " Ito ba pinagmamalaki niyo."anito sa mga tao." Pwee, hindi porket sinabi niyang abogado siya ay maniniwala na ako. Gago" at agad inundayan ng suntok si Anthony na tinamaan sa kaliwang panga at napasadsad.

Napatili si Cash na kitang-kita ang pagdapo ng isang malakas na suntok sa mukha ni Anthony. Agad niyang dinaluhan ang binata."Anthony, ayos ka lang ba?" puno ang pag-aalalang tanong niya.

Si Anthony ay marahas na pinunasa ang bibig. Hindi nito inasahan na susuntok agad ang kaharap.

Napasinghap si Cash nang mapansing dumudugo ang labi ng binata. Nataranta siya kung paano ito aawatin. Napasunod siya rito.

"Tumabi ka muna Cash."sabay hawi ni Anthony sa kanya at humanda sa gagawing pakikipagbakbakan.

"Don't tell me papatulan mo pa siya, Anthony naman." Pinanlakihan niya ito ng mata.

He raised his eyebrow. "You think hindi ko kayang lumaban? Really, Cassandra?"

"Ano, wala ka pala. hanggang salita ka lang." Kantiyaw ng lalaki.

"Eric, tama na." Awat parin ng kasintahan nitong hinawakan sa balikat ang lalaki.

Ngunit sa gulat nilang lahat ay tinabig nito ang babae dahilan upang sumadsad din ito sa tabi.

Tangkang lalapit si Athony ngunit humarang siya. Nakita ni Cash ang tuluyang pagdilim ng mukha nito. Pero hindi niya inalintana ang nagbabadyang galit sa mukha ng binata. Malaki man ang katawan nito'y halatang sanay naman sa basagulo ang kalaban. Baka mapasubo ito.

Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon