It was already past seven ayun sa wall clock pero hindi pa rin tapos si Cash sa pagluluto. Anthony asked her to cook for tonight's dinner instead of cleaning his room. Para sa babaeng bisita nito siguro. Umasim ang mukha niya nang maalala ang tungkol sa babae. Kanina pa ang dalawa sa kwarto ng binata pero hindi pa rin bumababa ang mga ito.
Bigyan ko kaya ng maraming sili itong pagkain nila, ewan ko lang kung hindi magtitili ang malanding babaeng iyon sa anghang naisip niya. Umaalimpuyos ang galit sa dibdib ng dalaga. Tulad ng ulan sa labas ng bahay.
"Woahh! who is this hot chick in the kitchen." Arthur exclaimed as he entered and walked towards her. "Mukhang masarap yan ah." komento nito at inilapit ang mukha sa niluluto upang lalong masamyo ang aroma. "Pahingi naman ako niyan." Tangkang kukunin ang sandok mula sa kanya nang pigilan niya.
"Oooops wait! First ipinaluto ito ng kuya mo para sa bisita niya. Pangalawa, talagang masarap akong magluto at pangatlo, correction hindi ako chick. Okay?"inismiran niya ito at pilit na pinalayo mula sa niluluto.
"Si kuya Anthony may bisita? Sino? Kaya pala himalang andito ka pa, gabi na ah." Muling komento nitong naupo sa kalapit silya sabay tingin sa wristwatch.
"Talaga namang ginagabi ako dito, hindi mo lang napapansin dahil madalang kang umuwi sa bahay niyo." Nakataas ang isang kilay na komento niya. "Saka sa tanong mo kung sino ang bisita ng kuya mo, girlfriend siguro niya kasi kanina pa sila sa taas at mukhang nag-eenjoy silang dalawa sa isa't-isa." Medyo may halong pagka-sarcastic ang tinig niya. Naiinis parin kasi talaga siya. Gusto palang mag-landian ng dalawa, hindi nalang nag-take out. Inabutan tuloy siya ng malakas na ulan
"Ahh, kaya pala parang merong isa dito na wala sa mood. Nangangamoy jelly ace tuloy sa kusina namin." patay-malisyang pasaring nito.
"Nagseselos? Sino?"sabay tingin sa paligid ng walang makitang ibang tao sa paligid maliban sa kanilang dalawa ay itinuro ang sarili. "Ako? Of course not!"mariing tanggi.
"Come on Cash, hindi masamang umamin pag nakakaramdam ng jealousy ang isang tao." Tukso ni Arthur who's half-amused by Cash reaction's. Bumadya sa mukha ng dalaga ang bahagyang kalituhan.
"Sinong nagseselos?"
Sabay silang napalingon sa pinto ng kusina. It was Anthony who was again half-naked. Halos okupahin nito ang buong pintuan ng kusina dahil sa laki nitong lalaki.
"Nandiyan ka pala kuya. Our friend here Cash, is feeling a little jealous and she was denying it." Patuloy na panunukso ni Arthur na gustong matawa sa nakikitang pamumula ng pisngi ng dalaga.
"What's that Cassandra?" si Anthony na hindi pinansin ang sinabi ng kapatid.
Nakahinga ng maluwag si Cash nang hindi mag-usisa pa ang binata. She gave Arthur a warning look na hindi nito alintana. Sa halip ay kinindatan lang siya nito. Nabaling tuloy ang inis ng dalaga kay Anthony. "Malamang ulam alangan naman na damit" pamimilosopa niya dito.
Tumiim ang bagang nito. "I asked you properly kaya dapat mo akong sagutin ng maayos"
"Sinagot naman kita ng maayos ah." depensa ni Cash.
"Well, hindi ko gusto ang paraan ng pagsagot mo sa akin." Halos mag-isang linya ang kilay ng binata sa pagkaka-dikit.
Bahagyang natigilan si Cash but she managed to maintain her composure. Huh, sino ito para gamitan siya ng ganoong tono. "Well, you don't have to raise your voice at me. Kung hindi mo gusto ang paraan ng pagsagot ko sayo, puwes huwag mo akong tatanungin!" pagtataray niya rito. Lalo namang nagdilim ang mukha ng binata.
Arthur who was watching them was very amused.
Sa bandang huli'y ay naglabas ng malalim na buntong-hininga si Anthony. At sa mababang tinig ay nagsalita. "Let's stop this, I'm very tired and hungry. Kung tapos ka ng magluto ay ipaghain mo na kami. And you can join us too." Malamig na utos ng binata at lumabas ng kusina.
![](https://img.wattpad.com/cover/152965665-288-k870443.jpg)
BINABASA MO ANG
Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap mo
Romansa"Nevertheles, her eyes automatically close when she felt his warm lips claim hers in a very gentle and soft way." Sa murang edad ay namulat sa realidad ng buhay si Cash. Lumaki sa pangangalaga ng mga bakla at walang ideya kung sino ang mga totoong m...