At pagkatapos ng matagal na pakikipagtalo sa mga bakla ay na-kumbinsi rin siya ng mga itong sundin ang gusto ni Anthony.
"Vaklah, baka maka-bingwit ka ng fafa doon. Kaya wag ka ng sumimangot diyan at pumapangit ang aking obra." Complained ni Arnie na siyang nag-volunter na ayusan siya gamit ang mga mamahaling make-up na pinaka-tago-tago ni Dodie sa tokador nito.
"Oo nga naman, Cash." Singit ni Eva. "Kung hindi mo mabingwit si fafa Anthony, eh baka siya ang maging daan para makahanap kana ng bagong pag-ibig."
Napabuntong-hininga si Cash sa kakulitan ng mga kaibigan. "Oo na, eto na nga pupunta na diba." Napapailing na turan niya para matapos na ang mga ito sa pagda-doll up sa kanya at nang maka-alis na siya.
Kaya naman suot ang mga pinadala ni Anthony, minus the jewelry, hindi niya kayang suotin ang mamahalang bagay na iyon, ay nagpunta na siya sa bahay ng mga Martinez.
At ang pisting binatang iyon pinaghintay pa siya. Alas sais pasado na. Sa kawalan ng magagawa ay tumayo si Cash mula sa mamahalaing sofa at tinitigan ang painting ng mag-asawang Martinez. Kamukha ni Anthony ang ama nito except sa matang namana sa ina.
Lumipat ang mga mata sa litratong naka-display sa baba ng painting. Isa-isang sinuri ang mga iyon hanggang sa matapat siya sa larawan ni Anthony. Iginala niya ang paningin at nang matantong walang ibang tao sa paligid ay inabot niya ito upang masilayang mabuti.
Those wide cheeks, heavy brow and strong jaw of a cheater, attached to the sweet warmth of trustworthy dark eyes. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang pasadahan ng kamay niya ang mapupulang labi ng nasa larawan. "So perfectly handsome." Bulong niya. Tulad ng mga napapanood niya sa mga pelikula. Ni sa hinagap ay hindi niya akalaing makakaharap niya ang isang tulad nito. A real prince charming. Kung pwede lang siyang mangarap.
Kung noon sana. Noong bata pa siya at hindi pa niya alam ang realidad.
Ibinalik niya ang hawak at tumingalang muli sa katabing painting ng mag-asawa, ang painting ng magkakapatid. Nakaupo sa isang silya ang bunso na si Angela. Jealousy filled her heart. Napakaswerte nito. Sa likod ng upuan ay nakatayo ang panganay na si Aaron. Nakasandal naman sa magkabilang panig sina Andrew at Anthony. Samantalang nasa lapag si Arthur. They are all smiling and happiness reflects their eyes.
Napakagaling ng pintor na gumawa at kuhang-kuha niya ang mga ito. Their important features, at higit sa lahat ay ang feelings na nakapaloob sa mga mata ng mga ito.
Ang magkakapatid na Martinez na walang itulak-kabigin. Pare-parehong good catch in many different ways. And they had one similarity, marahil ay trademark ng mga ito na talagang nangingibabaw. Their eyes. Dark eyes na kasing-dilim ng uwak. Bahagya siyang umatras upang makita ang kabuuan ng mga larawan. A perfect family. At iyan ang wala siya bukod sa kayamanang tinatamasa ng mga ito.
Hindi niya namalayang napayakap siya sa sarili dahil bigla siyang nakaramdam ng ginaw. Buong buhay niya'y hindi niya kinwestyon ang katotohanang iyon. No matter how good her mamu to her, o kahit ng mga ibang baklang kumupkop sa kanya, hindi pa rin maalis ang katotohanang wala siyang sariling pamilya. And that's separate her from the rest of them. Ang pinaka-dahilan kung bakit tiannggal niya sa isip ang mangarap ng isang fairytale love story. Dahil sa totoong buhay, importante ang family background ng isang tao. Iyun ang inaasahan at kinatatkutan niyang tanong ng pamilya ng mapapangasawa niya balang-araw. Hindi naman kasi lahat ay makakaintindi ang kalagayn ng taong kumopkop sa kanya at ng community na kinabibilangan niya.
Hindi namalayan ni Cash na kusang tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata niya. Dali-dali niyang pinunasan iyon ng makarinig ng busina mula sa garahe. Humugot siya ng malalim na hininga at kinalma ang sarili. Sana ay hindi nabura ang make-up niya.
BINABASA MO ANG
Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap mo
Romance"Nevertheles, her eyes automatically close when she felt his warm lips claim hers in a very gentle and soft way." Sa murang edad ay namulat sa realidad ng buhay si Cash. Lumaki sa pangangalaga ng mga bakla at walang ideya kung sino ang mga totoong m...