Calvin Cole Montellor
Third Person's POV
"Congratulations Cole!"
Pagpasok ni Cole sa mansion nila ay siya ring pagsigaw ng mga bisita na naroon sa loob. Katatapos lang ng graduation niya at heto, nagprepare ng isang surprise party ang family nito.
"Congrats big bro!" Lumapit sa kanya si Stacy. Nakababata nitong kapatid.
Tanging isang maliit na ngiti lang naman ang naisukli nito sa kapatid niya at sa mga bisita nilang narito.
"Com'on Kuya Cole! Iyan lang ba ang maibibigay mo ngayon? Its time to smile brightly!" Singhal ng kapatid niya.
"You know that I don't do that." Aniya sa kapatid. Close silang dalawa kaya ganon nalang ang pilit ni Stacy kahit na alam niyang hindi nga iyon ginagawa ng kuya niya.
"KJ." Pagsuko nito bago lumingon sa mga pinsan nilang nagdagsaan para i-congrats din si Cole.
"Congrats bro!" Ani Saint. Naki-fist bump si Cole kanila Kit, Paris, Saint at Alexander. Sila ang mga pinsan niyang lalaki.
"I don't know that you're here in the Philippines, Saint." Komento ni Cole.
Kumawag ang kilay ni Saint. "I just arrived this morning. Hinabol ko talaga ang celebration mo." Kumindat ito. A move of a typical playboy.
Umikot ang mata ni Cole. He was used to his cousins' boastfulness.
"Hey Kuya Cole. Congrats!" Lumapit rin sa kanila si Fiona. Pinsan rin nila.
"Thanks." Ani Cole. Sa di-malamang dahilan ay nagtawanan ang kapatid at mga pinsan niya. Except for Alexander, because of the same exact reason.
"Alam mo, kung hindi lang kita pinsan, aakalain kong magkapatid kayo nitong si Alexander. Mga pinaglihi sa sama ng loob." Komento ni Kit.
"Tama. Tama." Ayuda naman ni Paris.
Inismiran siya ni Cole. Nakuha pa nitong ikutan ng mata sina Kit at Paris. "You know what. Why don't you congrats me instead of bullying me? Wala man lang ba kayong mga regalo?" Nasabi na lamang ni Cole kahit na hindi naman na niya kailangan pa ng kahit na anong regalo. Their family can be categorized as one of the elites when it comes to wealth.
Calvin Cole Montellor. A certified frowner, doctor, mayaman, raised-in-the-city type of guy, matipuno, gwapo pero sopostikado at suplado. Siya iyong tipo ng lalaki na iikot ang ulo mo ng kahit na ilang degrees para lang makita mo siya. Well, iyon naman talaga ang aasahan mo sa mga magpipinsang Montellor. Nasapo na yata nila ang lahat ng kagwapohang biyaya ng Diyos.
"Owww. Wag ka ng magtampo baby Cole!" Lumingkis na parang babae si Kit sa leeg niya kaya ganon na lamang ang reaksyon nito.
"What the hell Kit! You're so flirty!" Singhal niya habang pilit na inaalis ang madikit na kamay ni Kit na nakakapit sa leeg niya.
Nagtawanan ang mga bisita nila na pinapanood lamang silang magpipinsan.
"Excuse me Montellors." Nabaling ang atensyon nilang magpipinsan sa mommy ni Cole. "Is it ok if I'll excuse Cole for the meantime?"
"Sure Tita Teresa." Sabay-sabay na tango ng mga pinsan niya.
"Congrats hijo." Biglang bati ng babaeng katabi ng mommy niya. Kaibigan ito ng kanyang mommy kaya familiar na ito kay Cole.
"Thank you tita." Ani Cole bago ngumiti ng kaunti.
"Congrats din Teresa and Lorenzo. Cole is really following your footsteps." Komento nito.
BINABASA MO ANG
The Doctor's Love (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Si Calvin Cole Montellor. Isang doctor, raised-in-the-city type of guy, gwapo, matipuno, inglisero pero sopistikado at suplado. After acquiring his MD, he needs to have his post-graduate internship in a far and remote commu...