I Love You
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Ms. Valerie, kapansin-pansin ang biglang pagbabago sa mood ni Cole.
Hindi na ito kasing sigla kanina.
Katatapos lamang ng event at kasalukuyan niya akong ipinagbubukas ng pinto sa kanyang kotse.
Ngumiti ako bago umakyat. Mabilisan niya iyong isinara at umikot para pumasok sa may driver's seat.
Agad niyang pinaandar ang kotse ng walang salita. Tanging ang kantang mula sa stereo ng kotse ang pumapailanlang sa aming dalawa.
Inabot iyon ng ilang minuto. Huminga ako ng malalim at pinatay ang stereo.
Lumingon siya sa akin ngunit agad din niyang ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Cole." Tawag ko sabay haplos sa braso nito. Pansin ko ang tensyonado nitong kalamnan. "May problema ba?"
Ngumiti siya pero alam kong pinilit lamang niya iyon. "Nothing babe. Maybe I am just starting to feel my tiredness."
Umiling ako. Nagsisinungaling siya.
"Cole. Pahinto muna sa tabi." Malumanay kong utos.
Nahihiwagaan siyang lumingon pero di-kalaunay inihinto din ang sasakyan. Ang kaligtasan parin namin ang una sa isip ko kahit na alam kong may gumagambala sa isip nito.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Cole. Yung totoo?"
Kumunot ang noo niya.
"It's nothing Cath. Tired, that's all. Let me continue driving, can I?"
Tumango ako sa malamig na pagbanggit niya ng pangalan ko. Inalis rin nito ang kamay mula sa hawak ko. Diretso na uli ang tingin nito sa daan habang gamay na pinapatakbo ang sasakyan.
"Cath. Could you please check if I brought my keycard with me. It's in the compartment in front of you."
"Dito?" Tanong ko.
Tumango siya. Ramdam parin ang lamig sa aming dalawa. Hindi ko alam kung dahil ito sa aircon ng sasakyan.
Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang keycard na kasing laki lang din ng isang ordinaryong ID.
Montellor Condominiums.
Iyon ang nakatatak sa harap nito. Sa mga Montellor na naman ba ito? Parang mas lalo akong nanliliit habang padami ng padami ang nalalaman ko.
"Alexander's family owned that. Not ours." Aniya, na para bang makakatulong iyon sa panliliit ko ng tingin sa sarili. Pero hindi.
Hindi nga nagtagal ay inihinto niya ang sasakyan sa harap ng isang maganda at matayog na building. Moderno ang disenyo nito.
Muli niya akong pinagbuksan ng pinto at magkahawak ang kamay na pumasok sa condo building.
"Good evening Mr. Montellor." Bungad sa amin ng receptionist. Bumaba ang tingin niya sa kamay naming dalawa. Ngumiti rin ito sa akin. "Good evening maam."
Ngumiti ako at babati sana pabalik ngunit hinila na ako ni Cole. Inungutan ko nalang ang likuran nito.
Pumasok kami sa elevator at pinindot nito ang numerong 26.
"Cole. Baka may gusto kang sabihin—"
"Let's get to my unit first, please." Walang lingon niyang putol sa sinasabi ko.
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang tumitig sa malamig na pinto ng elevator.
Walang umiimik sa aming dalawa. Kahit na hawak parin ni Cole ang kamay ko, hindi ko na ramdam ang presensya nito.
BINABASA MO ANG
The Doctor's Love (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Si Calvin Cole Montellor. Isang doctor, raised-in-the-city type of guy, gwapo, matipuno, inglisero pero sopistikado at suplado. After acquiring his MD, he needs to have his post-graduate internship in a far and remote commu...