Chapter 14

47.5K 1K 110
                                    

Katol

"Saan na ang susunod na pupuntahan natin?" Tanong ni Montellor.

Nag-isip ako. Walang pasabi kong hinila uli yung kamay niya at dinala siya doon sa palaruan na maraming lobo.

"I know this!" Atas niya sabay turo doon. Parang siyang bata. Megad! Ngayon nga lang yata talaga siya nakaranas ng fiesta. Unti-unti na akong nakukumbinsi. Syempre, di ako naniniwala kanina, meron bang taong ganun diba?

Tumaas ang kilay ko. "Diba sabi ko wala munang english ngayon. Alisin mo muna yung masungit na Cole dyan sa katawan mo." Tumawa ako.

"Fine." Napakagat siya sa labi. "Oo na." Pagtatama niya.

Bigla akong napamura sa utak ko. Hindi ba niya alam na nakakapanghina ng tuhod ang ginawa niyang pagkagat sa labi?

Tumingin ako sa paligid. Nag-uumpisa na naman siyang pagfiestahan ng tingin. Lalo na ng mga babaeng teenagers.

Naguguluhan man sa nararamdaman ko ay umakto nalang akong normal ang lahat.

"Kuya. Tatlong pamato po!" Tinuro ko yung pamputok dun sa lobo na hawak nung nagbabantay.

"Bente pesos."

"Ako na ang magbabayad." Iniabot niya ang pera niya nang eksaktong ilalabas ko ang wallet ko.

Nagkibit-balikat ako at ibinalik sa bulsa ko yung aking wallet.

"Anong gusto mo?"

Nilingon ko si Cole. "G-gusto ko?"

Umikot ang mata niya. "Tinatanong ko kung anong gusto mong tamaan ko?! Stupid."

Inirapan ko siya. Nilingon ko yung nagbabantay. "Kuya. Anong pinakamalaki niyong premyo?"

Itinuro niya yung kulay asul na teddy bear na halos kalahati rin ng tangkad ko ang laki.  "Yung malaking teddy bear. Basta mapaputok niyo yung maliit at itim na lobo na nakasiksik dun sa gitna."

"Easy." Narinig kong sabi nitong katabi ko.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Easy daw. Kapag yan di mo natamaan, ililibre mo ako ng lunch." Ngumisi ako.

Humarap siya sakin at para bang hinahamon ako ng tingin. "Paano pag natamaan ko?"

"Oh di ibibigay mo sakin yung teddy bear." Ngumisi ako.

Umiling siya. "Walang sense yang deal mo. Lahat pabor sayo." Aniya at tumitig na sa target.

Hindi ko mapigilan ang hindi matawa.

Pinanood ko lang siya habang sinisipat iyong target. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dati puro inis lang ang nararamdaman ko pag nakikita ko ang ungas na to. Pero ngayon, aminado akong nakikita ko na siya bilang isang lalaki.

Nasulyapan ko ang gilid namin. Hindi lang pala ako ang nanonood sa kanya. Mas madami na ito kaysa kanina. Hindi rin naman ako magtataka dahil mapipilitan ka talagang lumingon sa kanya. Siya ang lalaking magnet. Nag-a-attract ng tingin.

"Gotcha!" Narinig kong sigaw ni Montellor pagkatapos  ng isang malakas na putok ng lobo.

"Natamaan mo!" Tuwang-tuwa kong nahawakan ang kamay niya. Natigil na lamang ako nung mapansin kong pinagtitinginan kami.

The Doctor's Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon