Mr. Multi-Sided Frowner
Katatapos kong maligo at kasalukuyan akong nagpapalit ng damit sa kwarto nang bigla akong makarinig ng ingay mula sa sala.
Kumunot ang noo ko. Dumating ba si mama?
Inisip ko kung anong araw ngayon. Linggo. Eh madalas byernes o sabado kung mag day-off si mama kanila Mrs. Tan. Naiba yata ngayon?
Tinapos ko ang pagbibihis at agad na dinaluhan ang kung anumang ingay sa sala.
Pagkarating ko sa sala ay napaatras ako.
Bakit may bata dito? At sino ang batang to? Paano siya nakapasok?
Nang mapansin niya ako ay tumingin siya sa akin.
Maputi, matangos ang ilong, mapungay ang mata. Pero may pagka-blangko ang ekspresyon. Lalaking pogi ang batang ito.
Naningkit ang aking mata. Isang tao lang ang naaalala ko habang tinitingnan ko siya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Baka kasi magulat. Baka umiyak yan tapos di ko na mapatahan.
"Hello." Bati ko. Kanino kayang anak to? Baka mamaya pagbintangan pa akong kidnaper.
Busy siya sa pagkain ng hawak niyang mamahaling tsokolate pero nakuha nitong ngumiti ng maliit.
Napailing ako. Bakit si Montellor ang nasa isip ko habang tinititigan ko tong bata to?
"Anong pangalan mo?" Tanong ko uli. Dahan-dahan at malumanay.
Pero di gaya kanina, hindi na niya ako sinagot. Aba! Snob din pala ang bata.
O baka naman hindi nakakaintindi ng tagalog? Eh kutis palang mukhang mayaman na. Paano kaya to napadpad dito?
"What's your name baby boy?"
Tumaas ang kilay niya. "Who are you calling baby boy? My dad told me that I am already a grown up man. I am not a baby anymore." Aniya.
Nahulog ang panga ko. Walangya! Baka anak to ni Montellor?
Napigil ko ang iniisip ko. Eh sa pagkakaalam ko single naman ang ungas.
"Ok, ok. What's your name grown-up man?"
"I am Brent." Aniya. Grown up man daw ang bata pero pati pisngi kumakain ng chocolate.
Pinapanood ko lang siya nang bigla niya akong tingnan. "You want?" Aniya.
Muli ko na namang nailing ang ulo ko. Bakit ba si Montellor ang naiisip ko?
"Hindi, busog pa ako. Ubusin mo na yang kinakain mo." Sagot ko.
Nagkibit-balikat siya at nilingon ang loob ng bahay namin. Para siyang matandang maliit na nakaupo sa kahoy na upuan.
"You're house is small. Dito ka nakatira?" Tanong niya.
Aba. Dahan-dahan lang sa pananalita bata, baka di ko matantsa ang pasensya ko at masapak kita ng wala sa oras.
Ngumiti nalang ako ng pilit. "Oo eh. Maliit lang." Tiningnan ko rin ang bahay namin. "Pero alam mo, kahit maliit ang bahay namin, masaya ako dito. Dito ako lumaki at nagkamalay. Tsaka kasama ko ang parents ko dito, kaya kahit na masikip, masaya naman."
"So where are your mom and dad?"
Malamlam akong napangiti. "Wala na ang papa ko. Nasa heaven na siya. Ang mama ko naman, nagtratrabaho, kaya wala dito sa bahay. Kaya ikaw Brent, love your parents hanggang kasama mo parin sila."
Lumapit siya sa akin. Nagulat ako ng hawakan ng maliit na kamay niya ang pisngi ko. "You know what ate ganda, I like you already. Can I court you?"
BINABASA MO ANG
The Doctor's Love (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Si Calvin Cole Montellor. Isang doctor, raised-in-the-city type of guy, gwapo, matipuno, inglisero pero sopistikado at suplado. After acquiring his MD, he needs to have his post-graduate internship in a far and remote commu...