Hanggang Dito Nalang
"Catherine! Anak!"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni mama. Tumakbo ako mula sa poso at sinalubong si mama. Iniyakap ko ang maliliit kong braso sa bewang nito.
"Catherine. Naglaro ka na naman sa poso, ikaw talaga, mamaya magkasakit ka niyan."
Ngumiti ako at nagpa-cute dito. Alam kong hindi ako papagalitan ni mama kapag ganito ang itsura ko.
Bumuntong-hininga siya. Lumawak ang ngiti sa labi ko. Sabi na nga ba.
"Osiya, eto may binili ako para sa'yo." Nakangiti nitong iniabot sa akin ang isang supot malabo.
Lumawak ang mata ko nang makita ko ang makulay na lalagyan nito. Isang karton ng makukulay na krayola.
"Thank you mama!" Tumalon-talon ako at yumakap muli sa bewang nito.
"Magluluto lang ako ng pananghalian natin. Subukan mo na yang binili kong pangkulay."
Ngumiti ako at tumatalon-talon papunta sa upuan. Inilabas ko ang notebook ko at nag-umpisa nang gumuhit.
Pagkatapos ay kinulayan ko naman ito. Tuwang-tuwa ako nang nagmistulang totoo ang damit na ginuhit ko dahil sa maliwanag na kulay mula sa mga krayolang ibinigay ni mama.
Kumislap ang mata ko nang matapos iyon. Agad akong nagpunta sa kusina at ipinakita iyon kay mama.
"Mama! Tingnan mo yung iginuhit ko."
Umukit ang totoong ngiti sa mukha ni mama. "Wow! Ang ganda naman nito Catherine. Para kanino itong damit na iginuhit mo?"
"Para sayo mama. Gusto kong isuot mo ito pag ikakasal na ako."
Tumawa siya at hinaplos ang pisngi ko. "Matagal pa iyon Catherine. Bata ka pa, dapat i-enjoy mo muna ang kabataan mo."
Ngumuso ako. "Pero isusuot mo ito mama kapag dumating na yung panahon na yun?"
"Oo naman."
Lumawak ang ngiti ko nang makita ang totoong ngiti na iginagawad ni mama sa akin. Para siyang anghel.
Bumaba ang tingin ko sa drawing ko at muling bumalik kay mama.
Pero laking pagtataka ko nang wala na ito sa harap ko.
"Ma." Tawag ko. Ngunit sa aking dismaya ay walang sumasagot.
Nawala na ang ngiti ko. Sumisikip na ang dibdib ko sa kaba. Umiinit na rin ang likod ng aking mata.
"Mama..." umikot ang tingin ko sa bahay namin pero wala na akong kasama.
Dumilim ang paligid at parang nag-iisa ako sa kawalan.
"Ma..."
•
"I'm not a child anymore mom. Why can't you just fuckin' let me with my own decisions?!"
"Don't you dare curse and raise your tone at me, Cole... I can't believe you really bring that girl here! I asked my investigator to do a background check on her, at sinasabi ko na, walang maidudulot na mabuti ang pamilya niya sayo!"
I ask my investigator to do a background check on her... walang maidudulot na mabuti ang pamilya niya sayo.
I ask my investigator to do a back ground check on her... walang maidudulot na mabuti ang pamilya niya sayo.
BINABASA MO ANG
The Doctor's Love (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Si Calvin Cole Montellor. Isang doctor, raised-in-the-city type of guy, gwapo, matipuno, inglisero pero sopistikado at suplado. After acquiring his MD, he needs to have his post-graduate internship in a far and remote commu...