Boy Simangot
"Psh!" Palatak ko habang sumisilip sa harapang bintana ng bahay namin. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa itaas ng pintuan. Alas-singko na ng hapon. Halos isang oras na rin akong nakaupo dito at inaabangan na lumabas man lang yung lalaki na nangungupahan dyan sa tapat.
Ewan ko ba sa sarili ko. Minsan gusto ko na ring tuktukan o iuntog ang ulo ko eh. Ewan ko ba kung bakit kating-kati akong malaman kung sino mang nilalang ang nandyan. Ewan ko rin kung bakit parang ang lakas ng dating sakin nung lalaki kahit na hindi ko naaninag ang mukha niya nun. Basta! Kung mayroong Weirdest Human in the World Award, baka sakin na ibinigay yun. Hall of fame pa.
Hindi na ako nakatiis kaya lumabas na ako. Pero pagdating ko sa labas ay bigla namang napaatras ang paa ko. Awkward.
Pinilit kong sipatin ang bintana nung bahay pero hindi ko makita ang loob. Nabatukan ko ng wala sa oras ang sarili ko. Shunga Cath! Alangan namang maglagay ng transparent na bintana yung nagpagawa ng bahay hindi ba?
Kinuha ko yung walis ting-ting at pakunwari akong nagwawalis habang pasimpleng sinisipat kung may taong lalabas dyan sa katapat na bahay.
"Hoy babae! Anong ginagawa mo?" Nabaling ang atensyon ko kay Andy na ngayon ay naglalakad papunta sa direksyon ko.
"Nagwawalis." Sagot ko. Pero nanatili ang tingin ko doon sa pintuan nung paupahan.
"Hindi ko alam kung shunga ka ba o nasiraan na ng bait. Puro naman maliliit na bato yang winawalis mo te. Kalat na rin ba ang mga bato sayo ngayon?" Ani Andy.
Binalingan ko nga iyon at nakita ko ang isang umpok ng maliliit na bato sa winawalisan ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano.
"Pakalat-kalat din kasi tong mga batong to. Natitisod na ako minsan." Palusot ko pero mukhang hindi iyon kinagat ni Andy.
"Baliw ka na nga." Aniya.
Gusto ko siyang batukan pero busy ako sa pagmamatyag doon sa bahay. "Saan ka ba pupunta?" Tanong ko nalang.
"Dun sa tindahan nila Isko. Magpapaload lang." Sagot niya.
"Ah." Yun na lamang ang nasabi ko dahil biglang may dumaan sa bintana. Anobayan! Pa mysterious tong kapitbahay na to ha!
"Pansin kong kanina ka pa nakatingin dyan sa bahay dyan sa tapat. Anong meron?" Tanong ni Andy.
"Wag kang maingay. May bagong lipat dyan. Gusto ko lang makita." Sabi ko habang ang tingin ay nanatiling nandoon.
"My gosh Cath! Manyak ka. Binobosohan mo talaga yung nakatira dyan?"
Tumingin ako kay Andy na may masamang tingin. Advance kung mag-isip ang gaga. "Hoy! Hindi ko siya binobosohan ha! Pa mysterious kasi eh. Sa tuwing nandito ako sa bahay, hindi ko man lang siya makita. Iniiwasan yata ang ganda ko."
Ngayon ay si Andy naman ang may masamang tingin sakin. "Waw naman te. Over confident ka. Bahala ka na dyan!" Sagot niya at naglakad na. Siguro ay nagsawa ng makipag-usap sakin.
"AHHHHH!" Sigaw ko nang may ma-isip bigla. Nakatanggap pa ako ng palo kay Andy na nagmamadaling lumapit sa akin dahil sa pag-sigaw ko.
"Hoy! Bakla ka! Tinatakot mo ako." Palatak niya. Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako doon sa bahay habang may matalas na tingin.
BINABASA MO ANG
The Doctor's Love (Complete)
RomantikMontellor Cousins Series Si Calvin Cole Montellor. Isang doctor, raised-in-the-city type of guy, gwapo, matipuno, inglisero pero sopistikado at suplado. After acquiring his MD, he needs to have his post-graduate internship in a far and remote commu...