Chapter 8

51K 1K 22
                                    

Caught In The Act?

Nakatulala lang ako sa kawalan nang biglang makuha ang atensyon ko sa pagbukas ng pinto.

Tumingin ako roon. Napaikot ako ng mata nang makita kung sino ang pumasok.

"How are you feeling now?" Agad na tanong niya at tumayo sa gilid ng kama ko. May nirerecord na naman siya sa folder na hawak niya. Hanggang ngayon di ko maintindihan kung ano ba talaga ang problema ng lalaking to. Laging buryong.

"Hey. Are you listening?" Aniya.

"Ok na ako. Medyo maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na rin ako nanghihina." Ngumiti ako. Para man lang mahawa ang lalaking to ng good vibes.

"Very well." Aniya sabay sulyap sakin. "Why are you suddenly smiling? Anong nakakatawa?" Pagsusungit na naman niya.

"Alam mo ikaw, kahit yata iharap ka sa leon, wala ka paring magiging reaksiyon? Ipinanganak ka bang robot?" Pang-aasar ko.

"Kaysa naman papuntahin ko yung kaibigan ko doon sa office tapos uutusan na siya muna ang magbantay sa kaibigan." Aniya sa tuloy-tuloy na tagalog.

Bigla akong napamulagat pagkatapos iyong marinig. Walangya talaga yung Andy na yun. Akala ko hindi niya tototohanin yung sinabi niya.

"Hoy boy simangot! Hindi ko siya inutusan ha! Malay ko ba na sobra pala ang pagkaloka-loka ng babaeng yun. Tsaka bakit ko naman gagawin yun aber?" Depensa ko.

"Boy Simangot is not my name." Ngumisi siya sabay tingin doon sa dextrose na nakasabit sa gilid ng kama ko.

"Hoy!" Sigaw ko. "Bat ka ngumingisi? Totoo ang sinasabi ko!"

Tumingin siya sakin habang nakaplaster parin ang mapanlokong ngisi sa labi. "Fine. Why are you suddenly got defensive?"

Inirapan ko siya. "Eh sa itsura mo, halatang hindi ka naniniwala sakin. For your information, kahit na wala akong kasama rito, kaya ko ang sarili ko. Isa pa, hindi ko gugustuhing makasama ka ng matagal dito. Mabubulok lang laway ko sayo." Mahaba kong sabi bago pinagkrus ang mga kamay.

Inayos niya ang lab gown niya bago inilagay sa bulsa ang kamay nito. Halos matunaw naman ako dahil sa nanunusok niyang tingin. "You know what, I noticed that every time you feel nervous, you keep on blabbing randomly."

Umuusok ang ilong kong nilabanan ang mga tingin niya. "Hoy! Bat naman ako kakabahan? Sino ka ba sa tingin mo ha?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Kung hindi ako nagkakamali, you always disturb me in my place. Sinubukan mo pa nga akong hipuan hindi ba? Tapos inutusan mo pa yung kaibigan mo na bantayan kita dito. Don't worry, sanay na ako sa mga babaeng parating nagpapakita ng motibo sakin."

Uminit ang ulo ko pagkatapos marinig ang mga sinabi niya. All this time? Iyon pala ang iniisip niya sakin?

"Gago ka ba o gago ka talaga?! Hindi ako nagpapakita ng motibo sayo! Anong akala mo sakin? Malanding babae? Neknek mo! Tsaka hindi mo ako madadaan dyan sa itsura mo! Mapapakain ba ako niyan? Hindi di ba? Alis nga!"

Dahil yata sa inis ko ay inihampas ko ang kamay ko sa kanya. Tinodo ko na ang pagkakabwelo para feel na feel. Pero dahil sa katangahan ay hindi ko napansin na nasa pinakagilid pala ako ng kama. Ang ending ...

"AAAHHH!" Pumikit ako at hinintay na tumama na lamang ang mukha ko sa matigas na sahig.

Nakapikit parin ako nang biglang tumama ang mukha ko. Shet. Pinakiramdaman ko kung masakit iyon pero parang hindi naman. Feeling ko, hindi sahig ang binagsakan ko.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Halos mamulagat ako dahil mga mata ni boy simangot ang sumalubong sakin.

Dahan-dahan kong ikinalat ang paningin ko. Hawak niya ang kamay ko na manghahampas sana sa kanya kanina. Nakapatong ako sa kanya habang ang isang kamay ko ay nasa dibdib niya.

The Doctor's Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon