Chapter 15

47.8K 1K 93
                                    

Storm

"Magandang gabi Pilipinas. Para sa latest update tungkol sa bagyong Juan. Itinaas na ng PAGASA ang storm signal number 3 sa mga lugar sa Northern Luzon. Kabilang rito ang mga probinsya ng Isabela, Cagayan..."

Kasalukuyan akong nanonood ng tv nang naagaw ng telepono ko ang aking atensyon dahil bigla iyong tumunog.

"Ma." Bungad ko. Muli kong pinakinggan yung tv.

"Inaasahang tatama ang bagyo sa Cagayan-Isabela area bukas ng madaling araw kaya pinapayuhan ang mga mamamayan na maging alerto..."

"Catherine. Ayos ka lang ba dyan?" Narinig ko ang pag-aalala sa boses ni mama.

Tumango ako. "Okay lang ako dito ma. Wag kang mag-alala."

Naghintay pa ako ng ilang segundo pero wala ng nagsalita sa kabilang linya.

Tiningnan ko ang screen ng telepono ko. Akala ko naputol na yung tawag.

"Narinig mo ba yung tungkol sa bagyo? Pasensya na anak ha. Wala ako ngayon sa tabi mo."

Napangiti ako ng malamlam. Mas nalulungkot ako sa kalagayan ni mama. Matanda na siya, hanggat maaari ay hindi naman dapat siya nag-aalala ng ganto.

"Kakauwi ko lang dyan noong nakaraang linggo, kaya hindi ako pwedeng mag-day-off uli. Kung alam ko lang na may paparating na bagyo, sana ngayon nalang ako nag day-off para mabantayan kita."

"Wag mo na akong alalahanin dito ma. Bagyo lang yan, anak niyo yata to. Walang patama yun sakin." Pinasigla ko ang boses ko. Wala din naman kasing dapat ipag-aalala si mama sa akin.

"Ikaw na bata ka talaga. Parang mas lalo akong mag-aalala ngayon. Mag-iingat ka dyan."

"Oo ma. Wag ka mo na akong masyadong isipin dito. Ayos lang ako dito sa bahay. Iniligpit ko na yung mga gamit nating pwedeng masira ng bagyo. Maagap kaya tong anak niyo." Tumawa ako.

Pero napalitan iyon ng gulat dahil sa malakas na dagundong ng kulog at kidlat.

"Catherine. Ayos ka lang?" Muli na namang namutawi ang pag-aalala sa boses ni mama.

"Ayos lang ma. Ikaw naman, masyado kang nag-aalala sakin."

"Alam kong takot ka sa malakas na kulog at kidlat." Hindi na ako nakapagsalita ng banggitin iyon ni mama. Alam kong nag-aalala siya dahil sa rasong iyon.

"Wag ka ng mag-alala ma, matutulog na rin naman ako mamaya. Hindi ko na mapapansin ang mga iyan pagkatulog ko."

Napatingin ako sa kusina nang may marinig na ingay.

"Ibababa ko na muna tong tawag ma. Mukhang mayroon akong hindi nailigpit na gamit doon sa kusina." Tumawa ako.

Nang masigurong okay na ang lahat ng gamit ng bahay ay naghanda na ako para matulog.

"Punyeta." Napamura ako dahil sa maliwanag na kidlat.  Sunod ay dumagundong ang malakas na kulog.

Itinakip ko ang unan ko sa aking tenga. Pero wala iyong nagawa para ialis ako sa aking takot.

Bumangon ako at uminom ng tubig. Napatakip na naman ako sa tenga dahil sa lakas ng kulog.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa takot. Naiiyak na rin ako.

Bata pa lamang ako ay takot na ako sa malakas na tunog ng kulog na sinasabayan ng agaran at maliwanag na kidlat.

Dahil iyon sa isang insidente ng aking buhay na hindi ko makakalimutan. Ayoko na ngang balikan ang mga ala-alang iyon pero hindi naman maalis sa aking utak.

The Doctor's Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon