Chapter 12

49.9K 1.1K 188
                                    

My Legs Almost Got A Burn

"Sandaleeee!" Sigaw ko mula sa banyo dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan.

Pagkatapos magbanlaw ay ipinulupot ko ang twalya sa katawan ko. Ganon din ang ginawa ko sa aking buhok.

Naiinis akong naglakad papunta sa may pintuan. Siguro ay sina Andy na to. Fiesta ngayon ng San Viscara at nagyaya silang pumunta sa centro.

"Bat ba di kayo makahinta—" Napatakip ako sa dibdib pagkatapos marealize na hindi sila Andy ang nasa pintuan. Si boy simangot.

Napa-iwas siya ng tingin at mukhang nagmumura sa di ko malamang dahilan. "Tangna." Narinig kong sabi nito.

Gusto ko man siyang sabunutan, tadyakan at palu-paluin, nagdadaras na akong nagpunta sa kwarto para magbihis. Halos di na ako makapili ng susuotin dahil sa sobrang kaba. Hindi pa naman kaluluwa ang nakita niya sakin pero iba parin ang epekto sakin na makita niyang nakatapis lang ng twalya.

Nakadekwatro na siya roon sa upuan pagkalabas ko ng kwarto.

"Where are you going?" Tanong niya. Siguro ay napansin na nakapang gayak ako.

Tumaas ang kilay ko. "Ano bang pake mo?"

Umupo ako sa tapat niya at naghalukipkip.

"Sinong nagsabi sayong pwede kang pumasok dito? Ni hindi ka man lang nagpaalam sakin?"

"No need." Sagot niya. Aba?

"Anong no need? Eh kung pagtatadyakan kita palabas ngayon dito?" Tinaliman ko siya ng tingin.

Gaya ng dati ay walang ekspresyon ang mukha niya. Yun ang nakaka bwiset e. Yung pigil na pigil ka na pero siya chill-chill lang.

"Am I not allowed to visit my girlfriend?" Atas niya.

Naubo ako. "So pinapanindigan mo talagang mag jowa tayo?" Hindi ko na napigilan ang matawa.

Walang gana siyang tumango. Hindi man lang niya alintana ang pang-iinsulto ko.

"Ni hindi ka man lang nanligaw, tapos girlfriend na agad?"

Nagpahalumbaba siya at nagpa-cute. Ngayon ay ako naman ang napapamura sa utak ko. Ang gwapo.

"So do you want me to court you?" Walang kagatol-gatol na tanong niya.

Sa pangalawang pagkakataon ay naubo ako. Bat ba parang ang dali lang sa kanya ng lahat? Parang isang sandal lang sa upuan ay solve na ang mga problema nito. Kung magtanong siya ay parang nagtatanong lang kung gusto ko bang kumain o hindi. Kung orange o apples. Kung mocha ba o chocolate.

"Ligawan ang pinag-uusapan dito! Seryosong bagay to para sakin! Kung nasanay ka sa mga babaeng easy to get sa lugar niyo, pwes ibahin mo ako." Inismiran ko siya.

Napasandal ako sa upuan dahil bigla niyang inilapit ang mukha niya sakin. "Sino bang nagsabing hindi ako seryoso?" Bulong nito.

Bigla akong hindi nakapagsalita. Bigla ring nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ramdam ko ang kaseryosohan doon. Parang yung sinabi niya ay yun talaga ang nararamdaman niya.

"Wag mo nga akong pinagtritripan! Marami akong pinagkakaabalahan sa buhay." Pinilit kong pabagsakin ang ano mang namumuo sa aking dibdib.

Bumalik sa dati ang ekspresyon niya. Nakahinga ako ng maluwag.

"Ganto ka ba magbayad ng utang na loob? You owe me one thing, remember?" Binigyan niya ako ng mapanlokong ngisi.

"Ay waw! Thank you ha! Di ko akalain na ganto ka pala maningil sa mga nagagawan mo ng kabutihan." Umikot ang mata ko. "Ano ba kasing gusto mo?"

The Doctor's Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon