Chapter 1

92.6K 1.7K 257
                                    

Catherine Hernandez

"Mama!" Sigaw ko habang hinahalungkat ang mga damit ko sa cabinet.

"Catherine! Catherine!" Narinig ko ang sigaw ni mama na palapit ng palapit sa kwarto ko. Natawa ako dahil sumimangot siya. "Akala ko kung ano na ang nangyari sayo." Aniya.

"Hinahanap ko lang yung topper ko ma." Natatawa ko paring sabi. Nag-iisa kasi yun. Wala naman akong maipambili dahil lahat ng sweldo ko ay ibinibigay ko kay mama. Iyon nalang ang maitutulong ko sa kanya kaya hindi ko na ipinagdadamot.

"Plinantsa ko kanina. Nandoon sa sampayan. Nilagay ko doon para hindi makusot."

"Mhhh." Biglang kinurot ang puso ko. Lumapit ako kay mama at yumakap. Kaya mahal na mahal ko ang mama ko. Kahit na hindi marangya ang buhay namin, mayaman naman ako sa pagmamahal niya. Basta kasama ko siya, ok na ako.

"Pangako ma. Magtratrabaho ako ng mabuti para guminhawa ang buhay natin. Pangako yan ng maganda mong anak. Kaya lagi mong tatandaan."

Naramdaman ko ang paghalakhak niya. "O siya sige na. Kunin mo na yung damit mo don. Baka ma-late ka sa trabaho mo."

Ngumiti ako at tinungo ko ang sampayan. Nakasabit nga doon ang plantsado kong topper. Pagbubutihan ko talaga ang bawat trabahong ginagawa ko. Gusto kong bigyan si mama ng isang maginhawang buhay.

"Ma! Alis na po ako." Paalam ko pagkatapos pulutin ang bag ko sa kahoy na upuan.

Paglabas ko ay bumungad sa akin ang isang paupahang bahay sa bandang harap ng bahay namin. Nung may mga nangu-ngupahan dyan ay madalas silang nagpapalaba ng damit kay mama. Pero dahil wala, nakikisaka nalang ngayon si mama o di kaya ay pumapasok bilang kasambahay sa kabilang bayan.

"Mag-iingat ka Catherine! Si Andy? Kasabay mo rin ba?" Sigaw niya mula sa gripo. Natawa ako dahil kahit na ang haba ng pangalan ko, buong buo parin iyon na sinasabi ni mama.

"Opo!" Sigaw ko. Lumabas ako ng pintuan at itinapak ang sapatos ko sa lupa. Kahit ang itim kong sapatos ay nag-iisa rin. Mabuti nga at hindi pa to sumusuko. Saka nalang ako bibili pag nagugutom na ang swelas nito. Pag ngumangawa na.

"Ay oh. Ang fresh!" Salubong sa akin ni Andy na kalalabas lang din ng bahay nila.

Inayos ko ang buhok ko at nagmaganda. "Syempre naman." Biro ko.

"Baklang to! Pinuri lang, nagmaganda agad." Aniya at piningot ng kaunti ang ilang hibla ng aking buhok.

"Ouch!" Nagmamaganda ko uling daing. "Tara na nga!" Sabi ko sabay lakad sa hindi ko malaman kung sementado ba o baku-bakong daan. Paano ba naman kasi, bitak bitak na.

College palang ay magkaibigan na kami ni Andy. Parehong Business Management ang kinuha namin sa isang community college dito. Hindi namin maikakaila na wala kaming sapat na kakayahan para makapag-aral sa isang mas nakaka-angat na unibersidad dito. Gayunpaman, maganda ang naging pag-aaral namin.

"Naimbag nga bigat kenya yu Andy ken Cath!" Narinig namin ang ilang magsasaka na nadaraanan namin.

"Magandang umaga rin ho Mang Ador!" Ganting bati ko. Ngumiti ako at kumaway sa kanila. Ilokano talaga ang linggwahe namin dito, pero ang iba, gaya ko, ay nakakapagsalita naman ng tagalog. May ilang matatanda lang talaga na ilokano lamang ang paraan ng pananalita.

"Anya mit nga pintas dagitoy nga bal-balasangin." Ani Aling Ester na nadaanan namin habang nag-aani ng ilang tanim niyang gulay.

Maganda raw kami. Iyon ang sabi niya. Totoo yon. Walang halong pang-cha-charot. Hindi ko naman siya masisi.

The Doctor's Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon