Pasabog
Nagising ako dahil sa pagtama ng maliwanag na sikat ng araw sa aking mukha.
Iminulat ko ang mga mata ko pero agad ring napapikit dahil sa biglang pagsakit ng sintido ko. Napahawak ako sa noo ko kasabay ng pagbukas ng pinto.
Inuluwa nun si Andy na nakapangbahay lang.
"Anong oras na Andy?" Tanong ko.
"Alas-dose ng tanghali."
Tumango ako, hindi na ako nagulat pa dahil maiinit at mataas na ang araw sa labas.
Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi. Kumirot ang puso ko sa mga ala-ala sa isip ko. Hindi, hindi lang kirot ang naramdaman ko. Sakit, sakit na sumasagad hanggang sa kailaliman ng puso ko.
Pagkatapos ng hiwalayan naming dalawa ni– ni Cole, ay wala ako sa sariling nagpunta rito sa bahay nila Andy. At gaya ng inaasahan, binato niya ako ng maraming tanong. Pero ni isa doon ay wala akong sinagot. Iniwasan ko ang lahat, ang gusto ko na lamang ay matulog at kalimutan ang lahat ng sakit at agam-agam na umiikot sa buong katawan ko. Kahit alam kong sa paggising ko ay manunumbalik ang lahat ng iyon.
Nagulat nga ako dahil wala man lang lumabas ng luha mula sa mga mata ko. Siguro ay naubos na lahat nitong mga nakaraang araw. Bakit ba biglang naging komplikado ang buhay ko?
"Siguro naman ok ka na para sagutin ang mga tanong ko?"
Napaangat ako ng tingin at inayos ang upo. Nakalimutan kong nariyan pala si Andy.
"Cath." Tawag uli nito sabay upo sa kama. "Ano bang nagyari?"
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Mukhang hindi ko nga maiiwasan ang lahat ng tanong ni Andy.
"Hiwalay na kami ni Cole." Halos ibulong ko na lamang ang pangalan niya. Bumara ang hangin sa lalamunan ko at tumulo ang ilang patak ng luha sa aking pisngi.
Pinunasan ko iyon, sa pag-asang hindi na tutuloy pa. Pero mas lalo lamang bumuhos ang laksa-laksang luha. Parang mga kadena iyon na hinihila ang isa't isa.
Umusog si Andy palapit sa akin at kinulong ako sa yakap. Para akong batang yumakap sa kanya, sunod-sunod ang naging paghikbi ko dahil naalala ko ang panatag na pakiramdam tuwing niyayakap ako ni mama.
Nang kumalma ako ng kaunti ay niluwagan ni Andy ang yakap sa akin at tiningnan ako.
"Parang ang bilis naman yata? Bakit? Paano? B-bakit kayo naghiwalay?"
Bakit nga ba? Ngumiti ako ng mapait. "Kasi hindi ako nararapat para sa kanya. Kasi hinihila ko siya pababa sa lebel ko."
Kumunot ang noo nito. Senyales na magulo parin para sa kanya ang dagsa ng mga pangyayari.
Huminga ako ng malalim. "Hindi na nakakabuti para sa aming dalawa ang relasyon namin ... lalo na sa kanya." Binanggit ko isa-isa kay Andy ang lahat ng nalaman ko, ang hindi pagpapasok ni Cole sa internship niya, ang hindi niya pagdalaw sa daddy niya na akala ko ay wala siyang pakialam, ang hindi pag-alalay sa nangyayari sa kumpanya nila ngayon. Lahat ng iyon, ay tingin kong ako ang dahilan.
Nakita ko ang pagbukas ng labi niya at ang pagtikom muli nito. Inabot ng ilang segundo baka ito nagsalita uli.
"Sigurado ka bang totoo ang sinasabi ng mommy ni ... ni Cole? Paano kapag ginagawa niya lang iyon para paghiwalayin kayong dalawa?"
Tumango ako. "Sigurado akong totoo iyon Andy. Narinig ko rin si Stacy noong tumawag ito. Ang sabi niya ay lumalala daw ang kondisyon ng daddy nila."
BINABASA MO ANG
The Doctor's Love (Complete)
RomansaMontellor Cousins Series Si Calvin Cole Montellor. Isang doctor, raised-in-the-city type of guy, gwapo, matipuno, inglisero pero sopistikado at suplado. After acquiring his MD, he needs to have his post-graduate internship in a far and remote commu...