Chapter 7

51.3K 1K 17
                                    

Baby Boy

Nanghihina akong umupo sa may reception area ng camp bago inilapag ang bag ko sa may mesa.

Nasapo ko ang noo ko dahil bigla akong nahilo. Mataas ang lagnat ko kagabi, pero okay na ang pakiramdam ko kaninang umaga. Pero letseng lagnat to, bumalik na naman yata.

"Good morning Maam Vicky." Bati ko kay Maam Vicky pagkarating niya. Lumapit siya sa akin at mukhang agad na napansin ang nararamdaman ko.

"Mukhang matamlay ka Cath. Okay ka lang ba?" Aniya.

Tumango ako at pinilit na ngumiti. "Okay lang ako maam. Medyo masakit lang ang ulo. Siguro ay dahil lang sa pabago-bagong panahon. Tsaka mukhang uso ho yata ang trangkaso." Paliwanag ko.

"Sigurado ka— Oh my God!" Nagulat ako dahil sa biglaang reaksyon ni Maam Vicky. Natataranta siyang lumapit sa akin bago inaabot ang isang panyo. "May dugo ang ilong mo Cath. Here, use this to stop the blood." Aniya.

Inabot ko naman agad iyon bago tinakpan ang aking ilong. Tumingala ako para maiwasan ang pagtulo pa lalo ng dugo mula sa ilong ko.

"Kailangan kang ma-check ng doctor Cath. Com'on. Sasamahan kita." Aniya.

Hinawakan niya ang braso ko at inalalayang makatayo. Mas lumalala pa ngayon ang sakit ng ulo ko. Parang umiikot ang aking paningin. Hindi na rin naman ako tumutol pa sa suhesyon ni maam Vicky dahil iba na rin talaga ang nararamdaman ko.

"Excuse me! Nurse." Tawag ni maam Vicky nang makarating kami sa ospital. Nagdadaras naman ang mga nurse sa pag-alalay sakin.

"Pa-assist please. Emergency room." Tawag nung nurse sa kasama niya sa nurses' station.

Dinala nila ako sa may emergency room at inihiga sa kamang naroon. "Nandyan na po yung doctor. Kalma lang po." Pagpapakalma ng nurse kay maam Vicky. Mukhang kinabahan yata dahil sa pagdurugo ng ilong ko.

"What happened?"

Parang mas lalo akong nahilo pagkatapos marinig ang boses ng doctor na kapapasok lang sa pinto. Iniwas ko ang tingin ko. Nakatutok naman sa nurse ang atensyon niya.

Hindi pa agad nakasagot yung nurse. Mukhang na amaze pa ito sa mukha ng doctor nila. "A-ahm. Nagdurugo ang ilong niya kaninang dinala siya rito doc. She's experiencing dizziness too." Sagot ng nurse.

Ibinaling sakin ng doctor ang tingin niya. Nagkatitigan kami. Hindi nga ako nagkamali, dahil si boy simangot nga ang naka-duty ngayon.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "I already told you to consult a doctor. You've still waited to have bleeding." Iyon talaga ang una niyang sinabi imbes na i-check ako.

Napatingin ako kay Maam Vicky at sa dalawang babaeng nurse na narito. Mukhang hindi nila inaasahang kilala ako ni boy simangot slashed Doctor Cole. Ang awkward kaya nito. Hindi naman kami close nitong si boy simangot, sana man lang ay medyo professional siya.

"Aray." Hinawakan ko ang noo ko. Medyo kumirot uli iyon pero hindi kasing lala kanina. In-exaggerate ko lang para matauhan ang ugok na doctor na to.

Hello! Nandito ako para i-check mo. Hindi para pagalitan at sermonan.

"Ma'am. Sa labas po muna tayo." Sabi ng nurse kay Maam Vicky.

Nang makalabas na sila ay kung ano-anong mga tanong ang tinanong sakin ni Boy Simangot. Halos manawa na nga ako sa blangkong mukha nito.

Kinuhanan niya ako ng sample ng dugo ko para daw i-test. Pagkatapos nun ay inilipat ako sa isang room for confinement. Hindi ko naman maikakailang nanghihina ako kaya kailangan ko raw ma confine at hintayin yung test.

The Doctor's Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon