Chapter 20

50K 983 50
                                    

My Weary Piglet

"What happened Ate Cath? Bakit ang pula ng mukha mo?" Tanong ni Fiona pagbalik ko sa kusina.

Hindi ako sumagot. Umupo ako doon sa upuan ko kanina at inubos ang isang baso ng tubig.

Hindi ako makahinga. Walangyang Cole yan!

"Hey Cole!  Alam mo ba ang nangyari dito kay Ate Cath? She seems uncomfortable." Ani Stacy. Pansin kong minsan ay hindi nga niya kinu-kuya ang kapatid niya.

Lumingon ako kay Cole. Hindi ko alam na sumunod din siya sakin.

"I don't know. Maybe something happened." Ngumisi siya. Walangya ka. Ikaw nga may kasalanan eh.

Nagkatinginan sina Stacy at Fiona. "Wait. Diba nag-cr ka Ate Cath? What about you big bro, san ka galing?"

Tumaas ang kilay ng ungas. "It's not what you think." Tumalikod na siya at mukhang babalik na doon sa mga pinsan niyang lalaki.

"Ano nga Ate Cath? What did you do ba talaga?" Hanggang pagsakay namin ng private chopper ay kinukulit parin ako nina Stacy at Fiona.

Naagaw ng pagtatanong nila ang atensyon ng magpipinsan.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Kit. Bukod sa mukhang babaero, mukhang tsismoso din ito.

"Ganto kasi yun..." nasapo ko ang noo ko dahil inumpisahan na nga ng dalawa ang pagk-kwento. Ito namang lalaki sa tabi ko, hindi man lang niya pigilan. Hindi naman ako makaangal kasi nahihiya ako. Ngayon ko nga lang sila nakasama ng ganto katagal e.

"Nagpaalam kasi si Ate Cath na mag cr. Tapos nung bumalik siya, ang pula ng mukha niya. And ask who's following her when she got back." Tumatawa sina Fiona at Stacy ng tumingin sa aming dalawa ni Cole.

"Kayo ah. Anong ginawa niyo." Tukso ni Kit.

"Did you dot it?" Tawa rin ni Saint.

Nalingon ko si Cole nang batuhin niya ng empty bottled water ang dalawa. "Assholes! I don't make out in cr. Besides, we're not the same when it comes to women. I don't fuck, leave, and forget."

Nahulog ang panga ko sa sinabi ni Cole. Minsan hindi rin maganda ang pagiging prangka nito. May mga pagkakataon na gusto mo siyang magsalita pero pag nagsalita na, gusto mo naman siyang patigilin.

Hindi ko nga alam kung bakit natatagalan ko pang kasama ang lalaking to.

Tinawanan na lamang nila Stacy, Fiona, Saint at Kit ang kasungitan ng menopausal nilang pinsan.

Naagaw ang atensyon naming lahat dahil biglang nagsalita ang magmamaneho ng chopper nila.

Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito. Nagulat na lamang ako dahil may isinuot si Cole na kung anong bagay sa tenga ko.

"Put your earplugs blushing woman." Aniya at inayos muli iyon.

Pinalo ko ng very very slight ang braso niya. Inismiran lang niya ako.

Pero ang pagpalo sa braso niya ay napalitan ng pagkapit pagkatapos kong makaramdam ng kaba sa unti-unting pagtaas ng sinasakyan namin. Humigpit pang lalo ang ang kapit ko sa braso niya.

Nalingon ko ang mukha niya nang mapansin ang maliwanag na pagngiti nito. Iniyakap niya ang kanyang kamay sa aking likod at inihilig ang katawan ko palapit sa kanya.

Hindi ako nakatutol sa dahil trinaydor na naman sistema ng aking  katawan.

Nagtipa siya sa kanyang telepono at ipinakita iyon sa akin.

The Doctor's Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon