[Ch.3] Just One Smile

10.8K 206 28
                                        

[Ch.3]: JUST ONE SMILE

// Ayanna’s Point of View

Hindi ko alam kung ano ang gagawin: kung mag-eexplain ba ako o kung itutulak ko si Kuya Paolo palayo o kung ano pa man. Gusto kong sabihin kay mama yung totoo pero nag-aalangan ako dahil ayaw ko namang malaman niya yung nangyari sa beach.


“Aya? Pa-paolo?!” gulat na gulat na sabi ni mama.
“Ah, ayan, ayos na,” nanlaki yung mga mata ko nang magsalita si Kuya Paolo at tska dumistansya ngunit sa akin pa rin nakatingin. He seemed to be looking at my neck.

“Ay, tita. Nandyan po pala kayo.” Seriously, paano niya nakakayang umarte ng ganyan sa harap ng mama ko? Pero pag nakatalikod naman si mama eh kung anu-ano ang ginagawa niya.


"Anong ginagawa niyo?” parang wala sa sariling tanong ni mama. Hindi. Hindi niya pwedeng malaman yung totoo, lalo na ‘yung nangyari sa Bolinao.. Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa kanila ni papa kung malaman nila iyon? At sa parents ni Kuya Paolo? At sa lahat ng Salvatorre?


“Eto po kasing si Aya, nagpatulong ikabit yung necklace niya, hindi ko pa po pala kasi naibabalik.” Bigla namang nagflashback sa utak ko iyong nangyari kahapon. Oo nga pala’t hindi pa niya naibabalik yon pero... Kinapa ko iyong leeg ko. And to my surprise, I was already wearing my necklace, that necklace I lost at the beach. So that was his intention with that drama a while ago? Iyon lang pala? Nag-acting pa. Loko talaga.

“Ah, ganun ba? Pinahihirapan niyo kasi yang mga sarili ninyo! Tumalikod ka kasi Aya para maisuot agad. Sige, ‘eto na yung mga natirang gamit mo sa baba, Paolo,” sabi ni mama na natatawa-tawa pa at tska inilapag yung mga gamit sa kama.

“Thank you po, Tita.”


“Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo ah? Ay, ang bilis pa lang naayos nitong kwarto mo, mukhang nagkakasundo talaga kayo nitong anak ko.” Halos masukasuka ako sa mga pinagsasabi ni mama, ano raw? Nagkakasundo? Nako, Ma, kung alam mo lang.

“Oo nga po eh. Sige po, salamat!” lumabas na si mama. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto noong isinara ni mama ang pinto. Hindi ko alam kung anong kalokohan ang iniisip nitong pinsan ko. Sa lahat naman ng pagtitripan eh ako pa ang naisipan.          .

Umupo ako roon sa dulo ng kama at iniayos yung mga gamit na dinala ni mama at bigla namang tumabi itong pinsan kong ubod ng bait. Ka-suka lang.


“Ahahahahaha!” hindi ko alam kung anong klaseng sakit sa utak mayroon ang Paolo na ito at tumawa siya ng malakas. “Haha! Ay nako, Aya! Kung nakita mo lang yung mukha mo kanina! Ahaha.”

“Tss! Eh ikaw po kasi kung ano anong ginagawa mong kalokohan! Dyusmiyo. Tigilan mo nga ako.”

“Tss, if I know, gusto mong sabunutan yung mama mo kasi hindi natuloy!” Instant reaction ko? Ayun, binatukan ko nga ng pagkalakas-lakas.

“Aray! Grabe. Battered husband ak – ARAY!!” Battered husband? Ano ‘to, sira ulo talaga!

“Hihirit ka pa eh! Kapal ng mukha mo. As if namang gusto kita. Pinsan, yuck!”


“Nahiya naman ako sayo. Long hair? Not my type. I fould short-hair women sexier,” sabi niya habang hinahawakan yung buhok ko.“Malaman? Not my type. I prefer 36-24-36 vital stats,” tumayo siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

He's My Cousin!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon