[Ch.5] Kuya

9.3K 175 18
                                    

[Ch.5] Kuya

// Ayanna’s Point of View

“Aya, bilisan mo dyan, baka malate na tayo, mag-aalmusal pa,” sabi ni Kuya Paolo sa may labas ng kwarto ko.

“Sige, wait lang.” Nakakatuwa lang, ok na kasi kami ni Kuya Paolo. Yung sa beach? It will remain a secret. Hindi naman namin sinadya ‘yon eh and besides, tinulungan ko lang daw siya nun. Ayaw kasi niya roon sa babaeng lumalandi sa kanya at bigla na siyang tinawag na ‘gay’ nung mga pinsan namin, 2nd degree cousins daw namin yung kasama niya noon. That was why he kissed me, though hindi ako sang ayon sa ganoong perception, hindi naman kasi halik ang batayan ng pagiging lalaki para sa akin.

Lumabas ako ng kwarto at nagbreakfast kami kasama sina mama at papa.

Inihatid din ako ni Kuya Paolo sa building namin though hindi na sa mismong room but still, I find it thoughtful of him. Siguro nga’y may pagka pilyo at mapangtrip lang si Kuya Pao pero mabait siya, para talaga siyang kuya sa akin. Sabi nga niya ay magsabay kaming magluch mamaya tutal ay uwian na nila iyon. Buti pa sila maaga ang uwian tuwing Thursday.

Ilang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Ian. Yan kasi yung nakakainis sa kanya, pag galit siya gusto niya lagi siyang sinusuyo pero pag ako naman ang galit, galit din siya. Pero minsan naman, hindi rin naman niya ako matiis. Masyado kasing sensitive yung taong yon, oo kalalaking tao eh sensitive sa mga salitang binibitawan mo sa kanya.

Kung ayaw niya akong kausapin eh di hindi ko rin siya kakausapin. Bahala siya, wala akong ginawang masama kaya hindi ako ang dapat magreach out. At isa pa, wala naman kaming malinaw na pinag-aawayan ah. Siya lang itong may sumpong.

Ѽ

“Aya,” sa bihirang pagkakataon, narinig kong tinawag ako ng seatmate ko sa pangalan ko. Kadalasan kasi, kinakausapap niya lang ako kung tungol sa school works at wala pang name. “Uhm? Bakit?”

“Pwede bang pakibigay ‘to kay.. kay Paolo?” she handed me a small box.

“Ano ‘to, Scarlet?” tanong ko. Syempre, nakakacurious kasi. Weeks ago, nakita kong magkasama sila at nag-uusap tapos ngayon may ipabibigay siya sa pinsan ko. Ano ba talagang meron yang dalawng yan?

“Just give that to Pao, Aya. Ok? Thanks!” she said. I saw her smile. The only thing I don’t know about that smile is, was it genuine? We’ll never know.

“No prob.”

“And please, don’t open it. Just give it directly to him. Thanks, really, thank you!”

I just smiled at her. Nakakapanibago kasi, hindi ko alam kung plastic si Scarlet o sadyang judgemental lang ako. Mukha naman kasing mabait siya kaso yung mga kaibigan niya kasi.

Ѽ

“Ayanna!” sigaw ni Ella.

“Celine!” sigaw ni Liz.

“Salvatorre!” sigaw nilang dalawa. Yung totoo, ibroadcast daw ba yung pangalan ko sa quadrangle?

“Kahit kelan talaga kayo! Haha, bakit ba? Di nga ako sasabay magluch, diba?”

“Oo na, doon ka na sa Kuya Paolo mo,” pagtatampo nitong si Ella.

“Ewan ko sayo, pinsan ko pinagseselosan mo?” Natawa ako.

“Naku, Aya, kung hindi mo lang talaga  pinsan yun!”

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon