[Ch.47] Promise

1.4K 46 3
                                        

[Ch.47] Promise

// Ayanna's Point of View

I was staring at him. Ang mga mata niya ay parang nangungusap na tanggapin ko siyang muli. I wanted to move, I wanted to run away. Ngunit napako lang ang mga paa ko sa kinatatayuan ko; I didn't know what to say. Or what to do. I was just standing there, dumbfounded.

Umamba siyang lalapit sa akin ngunit umiling ako. "Wala ka nang babalikan," I finally said. Biglang nagbago ang timpla ng mukha niya at hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tignan. I shifted my gaze to the ground.

He seemed out of words, but then he said, "Bakit?" Nagtatanong ang mga mata niya, naguguluhan. Kailangan pa ba niyang itanong iyon? Napasinghap ako. Sa aming dalawa, siya dapat ang nakaalam sa sagot sa tanong na iyan. Bakit nga ba, Paolo? Bakit tayo nagkaganito? Anong nangyari?

"Is it because of him?" Nanginig ang boses niya sa tanong. I knew he was talking about Jiro, at nang dahil doon ay biglang kumulo ang dugo ko.

"Wala siyang kinalaman dito, Paolo," mariin kong sabi sa kaniya. "He's out of here!"

"Walang kinalaman, Aya? He's out of here? He's out of here?" usisa niya. "He got you away from me, Aya! Paanong wala siyang kinalaman dito?" sigaw niya, ang boses ay bigo. Sa loob ng iilang saglit ay natahimik lang siya hanggang sa nakita ko ang pagkagat niya sa kaniyang labi, nagpipigil. "Kinuha ka niya sa'kin... ikaw na siyang tanging mayro'n ako..." bulong niya habang hawak-hawak ang noo at kasabay nito ay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

I hated Paolo. Ang sama-sama ng loob ko sa kaniya nang dahil sa nagawa niya... pero kahit minsan, kahit gaano kalaki ang galit ko sa kaniya, hindi ko hiniling na magkaganito siya. I would never desire for his pain... because this was the guy I loved. The guy I cared for. Gaano man kasakit ang ginawa niya ay hindi mababago nito ang katotohanang minahal ko siya. And you don't want to see people you've loved hurting. Kaya ngayong nakikita ko siyang nagkakaganiyan ay may parte ng sarili ko ang nasasaktan, nagtatanong kung bakit. He wasn't supposed to be like this. Siya dapat iyong walang bahid ng sakit ang mukha. I could take seeing him grinning while I was in pain... but this? I don't know.

"Ayaw kong makita kang ganito," sabi ko, kinukubli ang ano man emosiyon ang nasa dibdib ko. "Stop these acts. I need to go." Nagbadya na akong aalis ngunit hinigit niya ang pulso ko.

"Going where? Going back to him?" Ang tono niya tila nanunumbat. Like I was caught cheating, like I was doing something illegal. "Bakit siya ano mang oras ay pwede kang balikan? Ano mang oras pwede kang makasama?" He let out a mocking laugh. "Oo nga pala, nakuha ka na niya sa aki--"

I slapped him even before he could finish his sentence. He had to wake up. This hopeless, badass guy needs to wake up.

"Wow, thanks, that served as a breather. Mas masarap pa rin pala ang physical pain." Hinaplos niya ang pinsgi niya kung saan ko siya sinampal. "That pain was almost extinct in my system... so thanks." At ano na siya ngayon, masokista? Was he kidding me?

"Una, wala kang karapatang sabihin 'yan na parang sobrang sakit ang dinanas mo dahil wala 'yan sa kalingkingan ng ginawa mo sa akin," sabi ko. Halos mabasag ang noses ko. "Pangalawa, 'wag na 'wag mong isinasali si Jiro rito."

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon