[Ch.46] Come Back Home

1.5K 43 8
                                    

[Ch.46] Come Back Home

// Ayanna's Point of View

Akala ko noon 'pag dumating ang araw na ito ay agad lilipad ang palad ko sa mukha niya upang sampalin siya o 'di kaya naman ay bigla ko na lang mararamdaman ang sobrang sakit sa dibdib ko. Iyon bang tipong hindi ako makakahinga o makatatayo sa sobrang sakit na iniinda. Akala ko aagos na parang tubig pabalik lahat ng mga alaala naming dalawa. 'Yung masaya at 'yung... mga kasingungalingan niya.

Mali pala ako. I was just standing there, looking at him. Isa lang ang naramdaman ko. Hindi pagmamahal. Hindi pangungulila. Hindi sakit. Galit. Galit lang. Just pure wrath.

"Hi, Kuya," bati ko sa kaniya, my jaw clenched as I fight the urge to tell him how much I hated him. I tried concocting a smile. "Wanna dance?"

Kumunot ang noo niya. "I told you I'm watching you," matigas niyang sabi.

Hindi ito ang una naming pagkikita matapos ang gabing iyon dalawang taon na ang nakakalipas. For the past years, I had to share dinner with him from time to time; I had to endure his presence in our residence for a couple of hours. We stopped talking. Nag-uusap kami, yeah, sure, ”pagkipasa 'yung kanin," "tawag ka ng mama mo sa baba," "punta ka raw rito sabi ni mama," "dinner's ready." Those weren't conversations, really. Sa loob ng dalawang taon ay gano'n lang kami— parang walang pinagsamahan, parang walang nangyari. Kaya ngayon, I don't understand why he seemed to care what I'm doing right now. Ngayon lang ulit niya ako nilapitan at kinausap nang ganito.

Two years ago, I told mama he left me at the party. At a bar. Nagalit din si mama dahil hindi nga iyon ang paalam namin no'n ngunit matapos lang ang ilang araw ay naging ayos na rin silang dalawa. Sabi pa nga nina mama at papa ay ang liit na bagay lang daw no'n para i-shut out ko siya ng gano'n. They didn't know the truth. At ang sakit sa loob sa tuwing sinasabi nilang "maliit na bagay lang iyon" ay wala akong choice kung hindi manahimik. Oo. Tama. Maliit na bagay lang iyon. Simula no'n, hindi na rin naman nila inusisa 'yung naging "away" naming dalawa. Hinayaan na lang nila dahil sabi ni papa ay kusa lang din naman kaming magbabati. Sounds so easy, pa.

Ginala kong muli ang mata ko sa kaniya. Pumayat siya ngunit mas naging toned ang balikat at mga braso niya at mas naging prominente ang panga niya. Naka printed bloody red t-shirt siya at denim jeans.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So what if you're watching me? Enjoying the show, then?" sabi ko at nagpatuloy sa pagsasayaw. 

Pinanliitan niya ako ng mata. Bakit ba nandito 'to? Niyukom ko ang kamao ko upang pigilan ang sarili ko. Sumali ako sa pagsasayaw nina Patricia at Johnny. I laughed as a swayed my hips with theirs.

Sumaglit ako ng tingin sa kaniya at nakita ko ang paglaki ng mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang problema niya. Oo, kinausap niya ako noon or at least he tried to talk to me, but he never bug me. He  didn't try intruding or anything of that sort. Ngayon lang. Which was pretty bizarre.

"Aya," he said. Hinawakan niya ang braso ko at awtomatiko akong pumiglas mula sa hawak niya. Ilang buwan na ang nakalipas at ano, ngayon lang siya lumapit? Ngayon lang. After what he'd done. Masyado akong nasaktan sa ginawa niya para hindi ako matauhan. I've learned my lesson because I had to. "Talk to me, Aya... Aya, please."

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon