[SS.3] Jiro (Part 2)

1.2K 35 3
                                    

"Kailan mo ba siya titigilan?" tanong ko kay Paolo habang tinitignan siyang nakasalampak sa sofa ng condo niya. Nabalitaan ko kasing nilapitan niya si Aya ngayon. She might not be the one to tell me, but I knew his presence affected her. Wala siya halos imik buong araw. At habang nakatingin ako sa lalaking ito ngayon ay mas lalong kumukulo ang dugo ko. His image on his wrecked state was lambasted into my face... this was the guy she loved, the guy whom she would always choose.


"I... I... just want to be with her," he said. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinatak ko siya patayo gamit ang kwelyo niya at agad siyang sinapak sa pisngi. Napabalik siya sa pagkakasalampak sa sofa. "Nagsasabi lang ako ng totoo, gusto lang makasama siya." Pumalatak ako at umiling-iling.


"'Wag mo nang pahirapan si Aya, Paolo!" sigaw ko sa kaniya. "Kung hindi mo kayang gawin 'yon para sa kaniya ay gawin mo 'yon para sa pamilya niyo. She's your cousin! Isipin mo rin naman 'yung kalagayan niya." Pinunasan niya ang gilid ng labi niya at tumayo. Ni hindi man lang niya ako pinansin nang madaanan niya ako. Bumalik siyang may hawak na dalawang shot glass at bote ng alak.


Inilapag niya ang shot glass sa harap ko at sinalinan iyon ng alak. Sinalinan din niya ang kaniya at agad nilagok iyon. Tinapunan niya ako ng tingin sabay sabing, "She's not my cousin." Napahinto ako, at napailing na lang. That was the most absurd statement I have heard for the night. Kahit kailan yata ay hindi ko maiintindihan si Paolo. He was the type of person who was unsure of his path. Hindi niya kayang panindigan ang mga desisyon niya sa buhay, at hindi siya gumagawa ng paraan upang ayusin ang mga ito. He didn't even mind hurting the people who loved him along the way.


"She's... really not my cousin," he said again. Suminghap ako, ngunit napahinto ako nang makita ko ang seryosong ekspresiyon sa mukha niya. He looked distressed. Na parang hindi niya alam ang gagawin. Kinuha ko ang alak na nilagay niya sa harap ko at ininom iyon. Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng mainit na likido pababa sa aking lalamunan.


Umupo ako sa sofa sa gilid niya. "Ano na namang kalokohan 'to?"


Nakita kong pumikit siya nang mariin, "Hindi ako Salvatorre." Tinapunan ko siya ng tingin tska ako humagalpak ng tawa.


"Naka-ilang bote ka ba bago ako dumating?" I asked him, still couldn't able to contain my laughter.


"Nagsasabi ako ng totoo, Jiro." Naalarma ako bigla sa tono ng pananalita niya. I looked at him sharply and studied him. "No'ng gabing 'yon ko nalaman ang lahat. I was so unstable and I knew what what its aftermath would be. I pushed Aya away because I didn't want her getting involved."


Hindi ako nakapagsalita. Tinignan ko lang siyang mabuti habang rumaragasa pabalik sa akin ang mga alala mula noong gabing iyon. Tandang-tanda ko ang galit na nararamdaman ko para sa kaniya. I only witnessed a woman's pain twice in my life: one was my mother and second was Aya. Both scenarios kept haunting me. The look in their faces, the tears threatening to flow down their cheeks and their unstable hands, seeming to give them away anytime. And I hate both people who made them that way: my father and Paolo.


"Wala akong oras para makipaglokohan sa'yo tungkol sa bagay na 'yan," matigas kong sabi.


Muli siyang tumayo at umalis. Matapos ang ilang minuto ay nilapag niya ang iilang mga papel at mga litrato sa lamesita sa harap namin. "DNA test result, pictures of my real parents, my original birth certificate and my forged documents," he stated.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon