Corny update ahead.
HMC's up to Ch.65 kbyez.
[Ch.53] Losing You
//Ayanna's Point of View
Pinagmasdan ko lang si Jiro habang ginagamot niya ang sugat ko matapos niyang linisin ang mga bubog ng nabasag na vase. Hindi siya umiimik. I wonder what was running inside his head.
He hasn’t uttered any word since Ian left. Ni hindi nga niya ako tinatapunan ng tingin. Galit ba siya? Would he turn his back on me, too? Hindi ko na alam kung kakayanin ko. I was on the verge of losing everything, and I couldn't do something about it.
"Akala ko ba galit ka sa kaniya?" pagbasag niya sa katahimikan. His voice was so monotonous, so different from his usual self, making it difficult to know or at least have a clue on how he was feeling. Galit ba siya? Was he disappointed in me? I didn't know, and I was afraid to know. Tumayo siya sa harap ko.
"Why were you with him? Nagkabalikan na ba kayo?" usisa niya. "Akala ko ba galit ka sa kaniya?" he asked incredulously.
"Sinaktan ka niya at lahat-lahat pero patatawarin mo lang siya nang gano'n-gano'n lang? Aya... he hurt you!" Palipat-lipat ang tingin niya. He'd try to look at me, but he'd end up unstable and just look away. "Have you two gotten back together?" tanong niyang muli. Napatingin ako sa mata niya. Kahit pilit niyang itinatago ang emosiyon niya ay nakikita ko pa rin ang mga iyon. His expressive eyes. My window towards him.
"No." Iyon lang ang sagot ko sa kaniya. I didn't have much to say about that.
From the anticipating frightened look he had in his eyes, it turned into a ball of anger. Hinigit niya ang kamay ko. He held me tightly it hurts. "Then why were you with him? What did he tell you? Akala ko ba ayaw mo na sa kaniya? Akala ko ba galit ka sa kaniya?" He was shouting at me. Napakagat ako sa labi ko upang pigilan ang sarili ko. It was killing me seeing Jiro like this. He had been taking care of me for years... at ito ang iginanti ko sa kaniya. He had all the rights to get mad at me.
But I couldn't take it anymore.
"Hindi ako galit sa kaniya," I finally said. Tumayo ako sa harap niya. "Hindi ko kayang magalit sa kaniya, pero pinilit kong paniwalain ang sarili ko dahil mas madaling magpanggap na galit ako kaysa aminin ko sa sarili ko na miss na miss ko siya." Tears started blurring my vision. "Mas madaling itaboy siya no'ng lumapit siya sa akin kaysa aminin kong siya pa rin. Mas madaling magpanggap na ayaw ko na no'ng sinabi niyang babalik siya sa akin, kaysa aminin kong naghihintay pa rin ako. Mas madaling magpanggap na hindi ko siya pinakikinggan kaysa sa aminin kong pinakikinggan ko ang mga pangako niya... na naghihintay pa rin akong tuparin niya ang mga iyon." Tulo na nang tulo ang mga luha ko ngunit wala akong paki-alam.
"Kasi ang sakit sa pakiramdam, ang sakit dito," tinuro ko ang dibdib ko. "Sinaktan na ako't lahat-lahat, siya pa rin. Talong-talo ako. Dehadong-dehado. Kasi siya pa rin. Siya pa rin. Paolo pa rin." Jiro was just looking at me, his eyes round, dumbfounded. I just needed an outlet. 'Pag hindi ko pa inilabas ito ngayon ay baka hindi ko na kayanin pa.
"I was never mad at him. Kahit noong iniwan niya ako ay sarili ko pa rin ang sinisi ko. Saan ako nagkulang? Anong nagawa ko? I could never put the blame on him." I was shaking my head. "It was easier to pretend I was mad at him, Jiro. Mas madaling magpanggap na galit ako sa kaniya kaysa aminin sa sarili ko na hanggang ngayon... hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik siya. Na babalikan niya talaga ako. Na totoo lahat ng pangako niya. Na ako pa rin. Na babalik siya."
BINABASA MO ANG
He's My Cousin!
Storie d'amoreAya Salvatorre suddenly woke up one morning realizing that she has fell in love with her own cousin, Paolo. What happens when Paolo and Aya's feelings were mutual? Will they indulge themselves into this forbidden love?