[Ch.18] One month.

5.4K 88 23
                                    

Warning: Lame update ahead. (babawi na lang sa susunod.) 


[Ch.18] One month.

// Ayanna's Point of View

"Tell me, Villafuerte, what really did bring you here?" tanong ni kuya kay Knave. Nanlilisik ang mga mata ni kuya. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit binitawan niya ito. Knave's eyes were just looking at him, emotionless at times but with humiliation. "Vacation?" Knave simpered.

Kuya shrugged his shoulders and stepped nearer to Knave, "what really did bring you here?" ulit niya ng may mas malakas na boses. Bihira lang magkaganito si kuya at ayokong nakikita siyang ganito. Hindi kasi ito yung Kuya Paolo ko na sweet, yung palangiti, yung may mala-anghel na mukha. Nakakatakot siya magalit.

"To see how love conquers all," Knave roared into laughter. He's really weird. "Ano bang problema mo, Salvatorre? Wala naman akong ginagawang masama," mala painosente nitong sagot kay kuya. I wonder how Knave could just simply stay his coolness despite of the tension they had between the two of them. He was just so cool and yeah, weird.

Eto rin kasi yung mali kay kuya, minsan masyado siyang impulsive. Yung bigla na lang nagagalit dahil sa simpleng mga bagay, minsan nga hindi ko alam kung bakit talaga siya nagagalit o sadyang bipolar lang siya.  Iniiwasan ko na nga na gumawa ng mga bagay na ikinagagalit niya eh dahil ayaw kong nakikita siyang ganyan. Hindi na ako nangungulit pag alam kong tama na, ayoko kasing makita yung bahagi niya na hindi ko kinakaya pag nakikita ko. Yung personality niya na masyadong protective, yung minsan wala na sa lugar. Pero eto na naman, nakita ko na naming muli yung bahagi niyang iyon… ng dahil kay Knave.

“I know you so well and you love playing games. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa iyo, wag kang magkakamaling gumawa ng bagay na alam mong hindi mo dapat gawin,” matapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya ang galanggalangan ko.

“Oui, Monsieur! Ne vous inquiétez pas, je vais prendre soin d'elle.”

Hindi ko alam kung nakaiintindi ba ng French si kuya pero nakita kong tumango siya kay Knave at hinatak ako  palabas ng kwarto ko.

“Sortez,” Kuya Paolo said as we got out of the room.

“Kuya, marunong ka mag-French?” I asked in amazement.

“Not fluent,” yumuko na lamang siya at hinigpitan ang hawak sa wrist ko.

Dinala niya ako sa study room. “Hindi dapat ako umarte ng ganun. It’s your birthday today and I ruined it, I’m sorry, princess.” Nakayuko pa rin siya kaya iniagat ko ang ulo niya. “Ano ka ba, kuya? You made my birthday the best one. Wag ka nangang magdrama riyan! Di bagay,” I laughed. Ito na kasi siguro ang pinakamasayang kong kaararawan, yung moment naming kanina sa fine dining cruise ship, kahit sandali lang iyon, masayang magasaya ako dahil nangyari iyon.

“Are you sure?”

“Oo naman! Eto talagang kuya ko oh!” mahina ko siyang tinapik sa kanan niyang balikat.

“Ok, princess, turn that off and go to your room, ok? Sa baba ako matutulog eh.” Dahil nga si Knave na ang magookupa ng kwarto niya, kinailangan pa tuloy ni kuya matulog sa baba.

“Ok, good night, kuya.”

“Good night.” He kissed me on my forehead.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon