[Ch.4] Friends
// Ayanna’s Point of View
“Ayanna.”
“Kuya Pa-paolo, anong gi-ginagawa mo rito?” lakas loob kong tinanong kahit wala halos boses ang lumalabas sa bibig ko. Ipinatong ko yung mga dala-dala kong libro at hinarap pa rin siya. Pagkabigkas ko ng mga salitang iyon ay biglang lumayo si Kuya Paolo, nag-iba ang kanyang aura at biglang ngumiti. Parang in a snap, he changed into the Paolo I used to see and talk to. Hindi ko talaga maintindihan ang pinsan kong ito, natakot talaga ako sa kanya kanina, para kasing gusto niyang maghamon ng away o manlapa ng tao.
“Hehe. Uy, Aya! Naiwan mo kasi ‘tong ID mo.” Parang gusto ko siyang sapukin ng mga oras na umaarte siya ng ganyan. Pinakaba niya ako, may ganun-ganon pa tapos ID ko lang pala? Trip na naman niya ako.
“Sino siya?” Muntik ko nang malimutan na kasama ko nga pala si Ian. Woah, akala ko talaga kung anong gagawin ni Kuya Pao kanina buti na lang at ka-abnormalan lang pala niya iyon.
“Thanks,” sabi ko sabay kuha at suot nung ID ko, “Ian, pinsan ko nga pala si Kuya Paolo. Kuya, si Ian, kaibigan ko.” I wasn’t sure pero parang nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha ni Ian nung ipinakilala ko siya kay Kuya Paolo. Was it because I used the word ‘kaibigan’? Eh kaibigan ko naman talaga siya eh.
“Ah, kaibigan pala,” eto na naman yung nakalolokong tono ni Kuya Paolo na parang nang-aasar.
“S-sige, una na ako,!” pagpapa-alam ni Ian at umalis na rin agad. Naku, mukhang nabad trip ata. Eh kasi naman ‘tong si Kuya Paolo eh mapang-asar din pero wala naman siyang sinabing masama, diba? He just emphasized the word ‘kaibigan’ pero alam ko namang alam niya kung ano si Ian sa akin ng dahil sa naabutan niya kanina.
“Tsk! Anong klaseng boyfriend naman yun, bastos! Hindi ka man lang hinatid sa room mo,” nagulat ako nang akbayan ako ni Kuya Paolo. Hindi kasi ako sanay ng inaakbayan ako, lalo na kung lalaki.
“Hindi ko boyfriend yun noh!” sabay alis ng pagkaka-akbay niya.
“Tsk, utot mo, Aya!”
“Hala, ayaw maniwala! Tanong mo pa kay Ella eh.”
“Ayoko nga, ang swerte naman niya kung kakausapin ko siya.” Grr! Kapal ng mukha!
“Wow naman. Edi wag kang maniwala, pake ko!”
“Ang saya sa Bolinao noh? Malambot yu—“ hindi ko na hinayaang tapusin niya yung sinasabi niya dahil tinakpan ko na yung bibig niya. Naku naman kasi, bakit ba siya ganyan?!
“Hindi ko nga boyfriend yon but he’s special to me,” buong-loob kong sinabi yun, yun naman kasi talaga ang totoo. Ian may not be my boyfriend for now but he occupies a big part of my heart.
“Yun oh, may pag-asa pa pala ako,” he said, with matching snap pa.
“Ewan ko sayo, Kuya. Para kang sira. Ang immoral mo pati pinsan mo ginaganyan mo.”
“Hahaha. As if. As I’ve told you yesterday. Long hair? Not my ty—“
“Oo na, oo na! Wag mo na ulitin, lalaitin mo lang ako eh. Sige na, ako na trip mo. Ako na. ‘Ge, punta na ako sa room.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at agad ko nang tinahak ang daan papunta sa classroom ko.
“Uy oh. Tingnan niyo yung kasama niya oh.”
“Shet! Laglag panty!”
BINABASA MO ANG
He's My Cousin!
RomanceAya Salvatorre suddenly woke up one morning realizing that she has fell in love with her own cousin, Paolo. What happens when Paolo and Aya's feelings were mutual? Will they indulge themselves into this forbidden love?