[Ch.50] Taking Sides
// Ayanna's Point of View
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. I couldn't sleep. Sa tuwing malapit na akong makatulog ay naaalala ko na naman 'yung pagkatalo ko. Bumigay na naman ako. Sinabunutan ko ang sarili ko. Ano ba kasing naisip ko at pumayag ako? It was like we're already making up. Hindi man gano'n iyon pero gano'n pa rin sa pakiramdam. Stupid. I'm so stupid!
I sigh, giving in, "What do you want me to do?"
Napahinto siya, hindi makapaniwala sa narinig. Hinawakan niya ang kamay kong sapo-sapo ang pisngi niya. "No, we're not getting back together, pinangungunahan na kita," paglilinaw ko sa kaniya. "Mali 'yon. Maling-mali. But what could I do for you? What could I do to ease the pain?" I just couldn't take it anymore.
"I know that's wrong for cousins... and I wouldn't, not again, let everything that had happened in the past to reiterate." Kumunot ang noo ko pero ngumiti siya. "I-I told you I w-wouldn't be asking for too much, right?" Hinaplos niya nang marahan ang aking pisngi. "Stay. Don't ran away from me. That's all that I'd be asking, Aya." Garalgal ngunit malalim ang boses niya.
"That's it?" I asked, still drowned in his eyes, piercing me, penetrating my being. Gusto ko mang iiwas ang tingin ko sa mga mata niya ay hindi ko magawa; na para bang sa loob nang iisang saglit ay nagkaroon ng sariling isip ang aking mga mata.
"That's it... for now."
Pinukpok ko ang ulo gamit ang unan ko.Ano bang pumasok sa kukote ko at kinausap ko siya nang gano'n no'ng gabing iyon? Hindi ba't puro iwas nga dapat ang ginagawa ko sa kaniya? Stupid! You're so stupid, Aya.
Bumaling na naman ako sa kabila ng kama ko nang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon mula sa lamesita sa gilid ng kama ko nang hindi tumatayo.
Jiro: Good evening :) You home? See you tomorrow.
Lalo akong nanlumo. Kararating lang namin mula Batangas at bukas naman ay enrollment. Paano ko sasabihin kay Jiro ang katangahang ginawa ko? Could I even tell him that? He had to know. He ought to know. Sa loob ng dalawang taon ay siya ang tumulong sa akin upang makayanan ko ang lahat ng nangyari. Mas lalo akong napasabunot sa ulo ko.
Hindi na ako nagreply kay Jiro at tinakpan na lang ng unan ang mukha ko.
"You don't know how happy I am right now," sabi niya habang nasa dalampasigan kaming dalawa, huling araw namin sa Batangas.
"It's just like... we're normal cousins," I told him as I was throwing a rock towards the water.
"Having you as my cousin is still a lot better than nothing at all." He cocked his head towards my side. "Just hold on a little longer, Aya."
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin no'n, dahil isa lang ang alam ko, hindi naman ako bumitaw. Nahulog ako dahil nawalan ako ng kakapitan. It was because he gave me up. Kahit anong gawin ko ay hindi ko iyon makalimutan. I've seen him cry; I've seen him beg... but it didn't change what I've felt in the past and the past per se. He had imprinted a scar and it's a permanent mark.
Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil sabay-sabay kaming mage-enroll. 'Yung pre-registration ay tapos na at si Pat ang nagfinalize no'ng akin dahil nga nasa Batangas ako nang magclose ang pre-reg. May isang klase nga raw na magkakaklase kaming lahat. We decided to take Rizal 1, The Life and Works of Jose Rizal, together. Iyon na lang kasi ang subject na kailangan naming i-take lahat dahil halos puro majors na kami. At sa majors namin ay naka-partial block naman kami.
BINABASA MO ANG
He's My Cousin!
RomanceAya Salvatorre suddenly woke up one morning realizing that she has fell in love with her own cousin, Paolo. What happens when Paolo and Aya's feelings were mutual? Will they indulge themselves into this forbidden love?