Ipagpaumanhin ang ka-corny-han.
[Ch.36] Chained Hearts
// Ayanna's Point of View
Two weeks passed by briskly and we were now down to our last day. Sa three-week stay namin ay marami kaming nagawa ni Paolo—mga bagay na alam kong hindi namin magagawa sa Maynila: simpleng paghahawak ng kamay, magyakap kahit kailan namin gusto at sabihin ang gusto naming sabihin. For three weeks, I loved with no boundaries.
For three weeks, he was solely mine and I was his. No rules, no judgment. Just our plain fantasy with a faint hope. Nakaw na sandali, sa madaling salita.
“Good morning.” Binaling ko ‘yung katawan ko sa kabilang side para makita ang mukha ng lalaking kabisadong-kabisado ko na ang boses. Si Kuya.
“Morning,” pupungas-pungas kong bati sa kanya. Kinusot ko pa ang mga mata ko. Umupo siya sa edge ng kama na hinihigaan ko and eventually, humiga na rin siya. Hinatak niya nang bahagya ‘yung kumot ko at naki-kumot na rin doon. Bakit bigla atang uminit sa kwarto? Nakatodo naman ang aircon, ah?
Sinulyapan ko ‘yung orasan sa may ‘di kalayuan. Ilang minuto na lang ay oras na para sa almusal. “Paolo… Baka hanapin na tayo sa baba,” untag ko sa kanya.
“Hmm.” Bigla niya akong niyakap at inilapit pa sa kanya. Nakasubsob na tuloy ako sa may dibdib niya. He was sniffing my hair. Sheez, bigla talagang uminit! Ramdam na ramdam ko ‘yung pag-akyat ng init mula sa leeg ko hanggang sa pisngi ko! Ano bang nangyayari sa akin?
“Can we go back to page 1 and start these all over again?” bulong niya sa akin. Naka-ubob pa rin ‘yung mukha niya sa may ulunan ko. He chuckled. Para bang natawa siya sa mismo niyang sinabi.
“Paolo,” I whispered his name. He took a deep breath at bigla siyang bumalikwas at umupo.
Umiling-iling siya at matawa-tawa. “Tara na nga sa baba at mag-almusal.”
Hawak-kamay kaming bumaba ng hagdan at sabay na pumunta sa hapag-kainan. Doon ay naabutan namin sila na papa-umpisa pa lang sa pagkain. Hinihintay yata kami. Si Leslie naman ay hindi maipinta ‘yung mukha. Binubulungan na nga siya ni Ate Leona na umayos siya.
“Eh bakit kasi hindi pwede na next week na lang sila umalis? Next week pa naman start ng classes niyo ah!” baling naman niya kay Jiro na biglang napatingin. Hindi yata niya alam na siya ‘yung dahilan nang pagmamaktol ni Leslie.
“Ano namang kinalaman ko r’yan, Les?” he whined. “Babalik naman ako rito next year!” So si Jiro na naman talaga pala ang minamaktol niya?
“Next year, Jiro? Ang tagal pa no’n!” sabi ni Leslie, medyo tumataas na ang boses niya.
“Tumigil nga kayo, para kayong magjowang nag-aaway!” suway ni Ate Leona sa kanila. Umiiling-iling na lang sina Lola at Mang Roger. Kasabay kasi naming aalis si Jiro bukas ng umaga. Ihahatid daw kami ni Mang Roger sa terminal ng bus papuntang Maynila.
BINABASA MO ANG
He's My Cousin!
RomanceAya Salvatorre suddenly woke up one morning realizing that she has fell in love with her own cousin, Paolo. What happens when Paolo and Aya's feelings were mutual? Will they indulge themselves into this forbidden love?