[Ch.1] Reunion

18K 281 60
                                    


[Ch.1] Reunion

// Ayanna's Point of View

 

“Mahal kaya kita, ganito kita kamahaaaaal,” sabi ko habang minuestra ko pa gamit ang dalawa kong mga kamay,“ako nga ata ang hindi mo love.”

“Nah! I may not be able to quantify how much I love you pero ito ang tatandaan mo, Aya, I don’t care what other people will say about us, as long as you are here by my side, kakayanin ko.”

“Ayieee. I love you, kuya!”

“Tsk, kuya na naman? Pasalamat ka mahal kita at pagbibigyan ko yang pagtawag mo sa akin ng kuya.” Then a quick but sweet kiss shared between the two of us.

 

Ѽ

Everyone of us knows how to love, but only few of us experience the most glorious feelings-- to love and be loved. Ako? I definitely know how to love. Kaso sa maling tao nga lang-- sa taong kahit kailan ay hindi ko maaarok, sa taong kahit mahalin ko o mahalin man ako ay kailan ma’y hindi maaring maging akin.

Alam ko, mali ito-- sa batas man ng tao o sa batas ng Diyos. Pero anong magagawa ko? Siya ang nagpapasaya sa akin. Pigilan ko man ay hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.

Ordinaryo lang naman ang turingan natin dati ah? Magpinsan. Magpinsan lang.

Never did I know that you, my cousin, would capture my heart.

 

Ѽ

 

“Aya, doon ka muna sa room natin, bantayan mo yung mga gamit doon,” utos sa akin ni mama. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sumama sa kanila dahil sa family reunion na ‘to. Bakit kailangan pa sa kasi na sa resort? Hindi tuloy ako nakasama kay Liz sa mall ngayon.

Tulad ng sinabi ni mama ay pumunta na ako sa room namin. This resort that they have rented was commendable and relaxing. Beach and pool plus the spa. Comfortable room with two twin-size bed for me and my parents, a cable television and food-and-drinks-filled refrigerator. It could just have been better if I was with my friends and not with this people I don’t know. Actually, they are my relatives, malayong kamag-anak na. That’s why I don’t know them that much, some of them live far from Manila where we do.

Nagpabaling-baling ako ng pwesto, wala naman kasi akong maisipan na pagka-abalahan. Yung wifi naman eh hanggang sa resort restaurant lang kaya hindi ko magamit yung laptop ko. Nakaiinis! Ayoko naman kasi talagang sumama sa kanila. Kung hindi nga lang talaga ako pinilit ni papa, hindi talaga ako sasama. Ayoko namang pumunta sa resort spa, ang loner ko naman kung magpapa-spa ako mag-isa. Hindi ko naman kasi kaclose yung mga pinsan ko, well aside from...

Napabangon ako sa kinahihigaan ko nang bumukas ang pinto, “Oh Aya, bakit nag-iisa ka lang dito?” Si Ate Sky, siya lang ang pinsan kong masasabi kong malapit sa akin.

I hugged her, “sabi kasi ni mama bantayan ko yung mga gamit dito.”

“Ah. Naku naman, hotel room ito, hindi naman uso magnanakaw rito! Di mo naman ako namiss nyan?” sabi niya nang mapansin niyang ang higpit ng pagkaka-akap ko sa kanya.

“Tsk! Hahaha, lokaret ka talaga Ate!” That’s how I treat her, para ko na talaga siyang ate, only-child lang kasi ako kaya siya na ‘yung parang tumatayong nakatatanda kong kapatid.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon