Chapter 4

5K 105 3
                                    

SCARLET

Inaya ako ni Amira na lumabas dahil sa sobrang pagka martyr ko daw sa asawa ko.

"Look at you Scar! You look like a mess."galit niyang sabi.
Napatingin ako sa salamin at napasimangot dahil sobrang ibang iba na ako kaysa dati.

I look like a losyang.

"Wala akong magagawa Amira! I need him." malungkot kong sabi. Umiling iling naman ito at bahagya akong tinarayan.

"You dont really need him Scar. Hindi ka ba nagsasawa sa pananakit niya sayo at panghuhusga!"galit na saad ni Amira.

Si Amira Louise Kim ang long time best friend ko. Naging mag best friend kami since elementary kaya kilalang kilala na namin ang isa't-isa.

"Kailangan kong mag tiis Amira lalo na at buntis ako!"mahina kong sabi.

Halatang nabigla ito sa sinabi ko at tinabihan ako sa upuan.

"OMG, Scar!"hindi makapaniwalang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Your going to be a mother soon." tuwang tuwa siya habang yakap yakap ako.

Napatawa narin ako at bumitaw na sa yakap.

"May balak ka bang sabihin sa walang hiya mong asawa, ang tungkol sa anak niyo?"medyo galit niyang sabi.

Tumango ako at ngumiti.

"Yes, i will let him know later, Amira! Kailangan niya ring malaman ito dahil ama siya nito." nakangiti kong saad.

Napataray nalang ito at ngumiwi.

"Psh! Para saakin hindi niya deserve na malaman ang tungkol sa anak niyo. He's not going to be a good father to your child, kindly think of it Scar! Kung ikaw nga ay ayaw niyang tanggapin bilang asawa, what about your child? Do you think he will just casually accept it and be with you. Ofcourse not! He will take away your child." Galit na sabi ni Amira. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Amira! He needs to know about this." Sabay ngiti ko sakanya.

"Basta Scarlet sinabihan na kita." Seryoso nitong saad at kumain nalang din.

After a while, ay naisipan ko na rin umuwi dahil makakasama sa kalagayan ng batang nasa sinapupunan ko.

"Venice!"napalingon ako sa tumawag saaking pangalawang pangalan.

No! Bakit pa siya nagparamdam saakin.

"N-Nico."hindi makapaniwalang sabi ko. Nanginginig ako dahil sa takot, sa takot na baka mangyari ang nakaraan.

"Long time no see, Venice!" nakangiti nitong sabi na parang walang nangyari noong kami ay nasa college pa.

"Bakit ka pa nagpakita saakin Nico! Diba matagal na kitang pinagsabihan na huwag ka ng magpalkita saakin." seryoso kong sabi. Nawala ang mga ngiti sa labi ni Nico at halatang malungkot. I don't care kung naguilty na siya sa lahat pero hindi ko parin siya mapapatawad.

"I'm so sorry, Venice." Mahina niyang bulong. Kaya nasampal ko siya dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking puso.

"Sorry? Nico naman sinira mo ang buhay ko! Sinira niyo ang buhay ko. Masaya na kami noon eh! Pero sinira niyo ni Ate Violet ang lahat."galit kong sigaw sakanya. Napayuko naman ito at hinawakan ang aking kamay pero agad ko itong inalis dahil hindi ko kayang makita siya.

"Ano, masaya na ba kayo na walang wala na kaming pahihinantungan ni Tyler! Dahil sa kasellfishan niyong dalawa nasira ako. Hindi niyo man lang naisip na nasasaktan ako!" Galit kong sigaw sakanya.

"Huwag ka nang magpakita pa saakin Nico! The two of you always remind me of the longing hatred that i felt for myself."galit kong sigaw sakaniya.

"Hindi na ako magpapakita sayo Venice, but you need to know this immedietly! Buntis si Violet at ang ama ay si Tyler. Pababayaan mo nalang bang mangyari yun Venice?" seryosong sabi ni Nico.

Natigilan ako sa narinig kong iyon.

"W-What did you say?"wala sa sarili kong tanong sakanya.

"Kaya 1 month na mawawala si Tyler dahil magbabakasyon sila ni Violet, dalawang buwan ng buntis si Violet at maselan ang kaniyang pagbubuntis." sabi naman ni Nico. Kaya unti unting nanghihina angaking katawan dahil sa nalaman ko.

Wala na talaga.

"Where do i find Violet right now?"seryoso kong sabi.

Ngumiti ito at agad na sinabi saakin ang address ng condo ni Violet.

Agad naman akong nakarating doon at hinanap ang condo unit niya at nang mahanap ko ito ay agad kung pinindot ang door bell.

Binuksan niya naman ito at natigilan sa presensya ko.

"I need to talk to you, Ate!" mahina kong sabi. Pinipigilan ko ang aking galit dahil pareho kaming buntis.

"Anong dapat nating pag usapan Venice! Pipirma kana ba sa annulment?"mataray nitong sabi kaya hindi na ako nakapag timpi at tinulak siya ng malakas.

"Ano, Ate! ansaya mo naba hah! Malalaman ko pang buntis ka at ang ama si Tyler. Hindi ka ba nahihiya Ate? Asawa ko siya at kapatid mo 'ko!"galit kong sabi at galit na hinawakan ang kaniyang palapulsuhan.

"O-ouch! Let go of me, Venice." galit na daing ni Ate Violet.

"Wala kang awa ate! Wala kang awa, Malandi ka! Asawa ko siya Ate, Asawa ko!"galit kong sigaw at tinulak siya ng malakas.

Natumba siya at natigilan ako dahil sa nangyari.

"WHAT'S GOING ON HERE!"galit na sigaw ng taong mahal ko na ngayon ay galit na galit saakin.

Nabigla ako dahil malakas niya akong itinulak kaya napatama ako sa dingding.

"O-Ouch!"malakas kong daing.
Napahawak ako sa sinapupunan ko. Naramdaman kong ok naman ako kaya agad na akong tumayo at tiningnan silang dalawa.

"Magpakasaya kayo! Hanggang sa gusto niyo, pero sa oras ng pagbabalik ko hindi na kayo magiging masaya!"galit kong saad at umiiyak na umalis sa condo ni Ate Violet.

Sumakay nako sa kotse ko at mabilis itong pinaandar habang patuloy parin ang pag iyak ko. I don't even know how to calm myself right now. I'm hurt.

Hindi ko namalayan ang pag bangga ng aking sinasakyan sa isang truck. Malakas lang na tunog ang aking narinig.
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil malakas akong napalabas saaking kotse at nauntog sa hindi ko alam na bagay at unti-unting nawalan ng malay. Pero isa parin ang nasa isip ko, ang anak ko.

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon