Chapter 53

2.5K 42 1
                                    

AFTER 2 YEARS

SCARLET

It's been 2 years since i made that decision and until now nagsisisi ako sa naging desisyon ko. Hindi ko na muling nakausap si ate Trisha. I called her for about 200 times but she's not answering it. At tinotohanan niya talaga ang kaniyang sinabi na hindi ko na makikitang muli si Tyler and now i'm dying to see him. Hinahanap hanap na siya ng kaniyang mga anak athanggang ngayon wala pa'rin akong maisagot sa kanila kung bakit hindi nila nakakausap ang kanilang ama. Minsan 'nga ay natanong ni Grey saakin kung patay na daw ba ang kanilang ama dahil naalala daw nila na may sakit ito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil sobra ng lawak na ng pag iisip nila.

''Wala ka pa'rin bang balita tungkol kay Mr. Sy?'' agad kong bungad saaking investigator. Umiling-iling naman ito saakin.

''Wala po talaga akong makuhang balita tungkol sakaniya. Talagang magaling ang nagtago ng kaniyang pagkatao dahil hindi man lang mahanap kung nasaan ang mga ito. Lahat ng mga Sy ay hindi parin malaman kung nasaan,'' mahinahon na saad ng aking investigator.

Napatango nalang ako at binigyan siya ng kaniyang sweldo.

''Maraming salamat nalang. Ipagpatuloy mo lang po ang pagkalap ng mga ideya o balita patungkol sa mga Sy,"mahinahon kong saad.

Tumango nalang din ito at naglakad na papalabas ng aking opisina.

''I already told you Scar, stop searching for the Sy family cause they are now hiding. Ano 'ba naman 'yan Scar mag move on ka na sa asawa mo dahil hinding hindi na 'yon babalik. Edi sana kung naalala ka na 'non edi bumalik na 'yon sainyo. Maybe gumawa talaga ng paraan ang kapatid niya para hindi ka nito maalala. Psh, noong una ko palang makilala 'yang kapatid na 'yan ni Tyler mukhang sobrang sama na,'' mataray na saad ni Ion.

Napasinghap nalang din ako at tumitig kay Ion.

''Do you think it's time for me to move on and stop searching for him?'' nagtataka kong tanong.

Tumango naman ito saakin.

''Tama na siguro ang pag papakatanga mo ulit sa asawa mong 'yan. Just focus on your children,'' mahinahong saad ni Ion.

Tumango na lang din ako at ngumiti.

''You're right'' nakangiti kong saad. Ngumiti nalang din ito saakin at niyakap ako.

''You know that you deserve someone better,'' nakangiting saad ni Ion. I just nodded at her and smiled.

''Good morning ladies,'' natigilan ako sa biglang pag sulpot ng isang boses.

''Oh! so your back again, Miel.'' nakangiting saad ni Ion.

Tumango naman si Miel at inabot ang isang bulaklak kay Ion.

At lumapit naman ito saakin para ibigay 'rin ang isang bulaklak.

''This is for you,'' nakangiti nitong saad saakin.

''Nagiging malandi ka nanaman Miel!'' tumatawang saad ni Ion. Sinamaan naman siya ng tingin ni Miel at tumitig itong muli saakin.

''So how's your life here?'' tanong naman ni Miel.

Nag smile nalang ako sakaniya.

''Ayos naman din, nakakastress lang ang trabaho pero nawawala 'rin dahil sa mga anak ko. Ikaw kamusta may natitipuhan kana ba dito sa Pinas?'' nagtataka kong tanong. Ngumiti ito at tumango.

''Meron na 'rin, totally nasa probinsya siya ngayon and balak kong bisitahin siya doon but inuna ko kayong bisitahin dahil mga kaibigan ko rin naman kayo.'' nakangiting saad ni Miel.

Halatang natigilan si Ion sa narinig niya.

''Woah! may mahal ka na palang iba. Omo who's this unlucky girl?'' naeexcite na tanong ni Ion.

''She's Cayla and i met her in Korea,'' nakangiti niyang saad.

Napangiti naman ako dahil finally may nagustuhan na'rin siyang iba bukod saakin.

''I am so happy for you Miel, i hope that i can meet her so that we can be friends,'' nakangiti kong saad. Ngumiti nalang din si Miel at tumango.

''Soon. Ngayon kasi ang flight ko patungo sakanilang probinsya. Gusto ko na'ring makilala ng kaniyang pamilya para naman soon ay papayagan na nila akong pakasalan ang kanilang nag iisang dalaga,'' nakangiting saad ni Miel.

Tumango nalang 'din ako at nag paalam na sakaniya.

Napatingin naman ako kay Ion na ngayon ay titig na titig saakin.

''Sayang mas bagay pa naman kayo ni Miel,'' nanghihinayang nitong saad natawa nalang ako dahil sa sinabi niya.

''Hindi talaga kami bagay ni Miel, mas mabuti ng nainlove na siya sa isang babae na alam kong bibigyan siyang pansin at halaga,'' nakangiti kong saad. Tinarayan nalang ako ni Ion.

''Blah! blah! basta para saakin bagay kayo ni Miel. Kung sino man yung Cayla na 'yun. Napaka swerte niya sa kaibigan natin dahil sobra kung magmahal ang isang 'yun,'' nakangiting saad ni Ion.

Napailing iling nalang ako sa tinuran ng isang 'to.

''Btw, do you want to go on a bar with me. It's been a while since you go to the bar,''nakangiti nitong saad.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Oo nga matagal na simula ng magpunta ako sa Bar simula noong pagbabalik ko rito sa Pilipinas. Hindi na muli akong nakapasok sa Bar.

So why not? sumama naman ko kay Ion.

''Ok sige, matagal na naman na akong hindi nakakapasok sa isang bar,'' nakangiti kong saad.

Tumawa naman ito.

''Syempre you are a mom now kaya nababaling ang atensyon mo sa mga anak mong lumalaki na,''mahinahong saad ni Ion.

Napasinghap naman ako dahil ang dali-dali ng panahon, ngayon ay lumalaki na sila at may malay na sila sa mundo.

''Ang hirap naman tanggapin na lumalaki na sila at soon ay maghahanap a sila ng asawa at iiwan na ako ng mga ito.'' malungkot kong saad. Nakarinig naman ako ng malakas na tawa kaya tinitigan ko si Ion at tinaasan ng isang kilay.

''Why are you laughing?'' mataray kong tanong sakaniya.

''Napaka advance mo naman kasi mag isip! Remember six years old palang naman ang tatlo mong anak at matagal pa ang pag aasawa thingy na 'yan. Aba! ikaw lang talaga 'yung kilala kong sobrang advance mag isip. Biruin mo yan pag aasawa kaagad ng mga anak mo ang iyong naiisip, idol na talaga kita Scarlet,'' natatawa nitong saad. Agad ko naman siyang binatukan at sinamaan ng tingin.

''Ikaw magbabayad ng pang bar natin mamaya,'' mataray kong saad. Natigilan naman ito sa sinabi ko at agad akong nilapitan.

''Nag jojoke lang naman ako Scar. ang mahal kaya ng bayad sa bar,'' nagmamakaawa nitong saad.

Tumawa naman 'din ako at inakbayan ang aking kaibigang may topak 'rin.

Moving on is the best way for me to forget him. Kung nasaan man siya ngayon sana masaya na siya at sana naaalala niya pa'rin kami ng kaniyang mga anak.

I'll always love you, Mr. Sy.

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon