Chapter 54

2.5K 46 1
                                    

Please be aware of some grammatical errors! Thank you and enjoy reading. <3

_______________________________

TYLER

Unti-unti akong lumabas sa private jet na aming sinasakiyan ni Ate Trisha at ang aking kasintahan na si Alia. Nagkakilala kami sa ibang bansa noong isang taon. She's a wonderful person.

''Welcome back to us, Dear Brother.'' nakangiting saad ni Ate Trisha. Kaya napangiti nalang ako at lumapit sa aking kasintahan at ipinulupot ko naman kaagad ang aking mga kamay sa kaniyang bewang. I smiled while staring at her.

''Umuwi na muna tayo Ate Trisha, baka pagod na si Alia.''nakangiti kong saad. Nakita ko naman ang pag irap ni ate Trisha saakin.

''Psh, ang sweet niyo nanaman na dalawa. Nakaka pang bitter na,'' tumatawang saad ni Ate Trisha. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

''Hindi pa naman ako pagod love, sanay na kaya ako sa mahaba habang biyahe. Remember, i'm a Flight Attendant and sanay ako sa mga mahaba habang biyahe sa himpapawid,'' mahinahong saad ni Alia.

Tumango nalang ako sakaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi.

''Pero umuwi na tayo, gusto ka nang makilala ni Mommy,'' nakangiti kong saad.

Tumango naman si Alia at ngumiti saakin.

SCARLET

Nagmamadali akong pumasok ng airport dahil suusunduin ko si Kuya Blue at ang kaniyang asawa na si Shara sa Airport.

Nakapasok na'ko ng airport at tiningnan ko ang paligid para naman makita ko ng mabuti si Kuya Blue.

''Bakit 'ba kasi ang traffik!'' naiinis kong saad at patuloy na hinanap si Kuya Blue, nang biglang may nakatawag ng aking pansin.

Parang unti-unti akong nanghina sa nakita ko.

''Tyler?'' mahina kong tanong at tinitigan lang ito.

Nakita ko siyang may kasamang babae at hagkan hagkan niya ito sa bewang. Si ate Trisha na nakangiti lang na nakatitig sa dalawa. 

Parang unti-unting gumunaw ang aking mundo dahil sa nakita ko. Hindi pa'rin niya 'ba kami naalala? May iba na siya.

Gulong-gulo ang aking isipan habang nakatitig lang kay Tyler na nakangiti habang hagkan nito ang bewang ng babaeng kasama niya. Napaka ganda ng babae at walang-wala ako dito dahil sobrang kinis ng balat nito. May magandang katawan 'din ang babae.

Hindi ko namalayang unti-unting bumuhos ang aking mga luha.

Bigla naman akong napaiwas ng tingin ng biglang napatingin sa aking banda si Tyler at nakita ko ang pag kunot ng mga noo nito saakin kaya naman dali dali akong umalis doon.

''Scarlet!'' napalingon naman ako sa biglang sumigaw ng aking pangalan.

Kuya Blue!

''Kuya,'' agad-agad ko namang pinunasan ang aking mga mata para hindi makita ni Kuya Blue na ako ay umiyak.

''I miss you, Kuya Blue!'' at agad ko itong niyakap para na'rin matakpan ang aking mga mata at hindi nito makita ang pag iyak ko.

''You're crying my sister, ganoon mo 'ba ako namiss,'' natatawang saad ni Kuya Blue at kumalas sa pagkakayakap saakin. Agad naman niyang pinunasan ang aking mga mata gamit ang kaniyang mga palad at nginitian ako.

''Stop crying my dear sister, Ayokong nakikita kang umiiyak. I'm here na, ok!'' nakangiti nitong saad at agad naman akong tumango at pilit na ngumiti.

Umiiyak ako dahil sa nakita kong kaganapan kanina and it breaks my heart to see the man that i love with someone else. Parang bumabalik ang dating pangyayari noon, ang kinaibahan lang ngayon ay hindi niya ako maalala.

Agad ko namang hinanap kong nasaan si Ate Shara.

Nakangiti lang itong nakatitig saamin. Kaya agad ko itong nilapitan at niyakap.

''I miss you Ate Shara, hindi parin niyo ba ako mabibigyan ng mga pamangkin,'' natatawa kong saad. Natawa nalang din ito sa sinabi ko.

''Magkakaroon ka na ng pamangkin, Scar.'' nakangiti nitong saad at hinimas ang kaniyang tiyan. Nilapitan naman ito ni Kuya Blue at hinagkan nito ang bewang ng kaniyang asawa.

''Kaya kami umuwi dito sa Pilipinas para dito ipanganak ang aking anak at para na'rin malaman nila mom ang tungkol sa aking pagbubuntis,'' nakangiting saad ni Ate Shara.

Agad ko naman itong niyakap at agad 'ring kumalas.

''I am so happy for the both of you. Finally magiging tita narin ako,'' natatawa kong saad sakanila. Tumawa nalang 'din ang mga ito.

''Kamusta naman ang mga pamangkin ko, Scarlet?'' nakangiting tanong ni Kuya Blue. 

Ngumiti nalang din ako.

''Ayos na ayos lang naman sila, ayun napaka daldal na.'' nakangiti kong saad.

''Aba, mana sa ina nilang napaka daldal,'' tumatawang saad ni Kuya Blue. Agad ko naman itong sinamaan ng tingin. Si Ate Shara ay patuloy lang na tumatawa sa mga pinagsasabi namin.

''Ay ewan ko sayo kuya Blue, halika na nga! parang hindi ka nakakaramdam ng jetlag.'' natatawa kong saad tumango naman ito at nauna na'kong naglakad at biglang naglaho kaagad ang kaninang ngiti na aking nararamdaman dahil nandoon parin ang mga ito at parang may hinihintay.

Nagpatuloy nalang aakong maglakad papalabas ng airport.

''I saw Tyler',' seryosong saad ni Kuya Blue.

Napalingon naman ako dahil sa sinabi niya.

''I saw him too,'' mahinahon kong saad. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata.

''May iba nanaman 'yang magaling mong asawa!'' galit na saad ni Kuya Blue. Agad ko naman siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang mga kamay.

''He doesn't remember me and my children, kuya Blue. Ano ang laban ko sa mahal niya ngayon samantalang isa nalang ako sa mga minahal niya sa kaniyang nakaraan na hindi niya na muling ma aalala,'' mahinahon kong saad.

Agad namang binawi ni Kuya Blue ang kaniyang kamay at tinitigan ako.

''Bakit 'ba ang dali mong sumuko, remember Scarlet may anak kayo! may responsibilidad si Tyler sayo kahit sabihin pa nating hindi ka nito naaalala!'' galit na saad ni Kuya Blue.

''Stop it Blue! calm down, kapatid mo ang kausap mo,'' pagpapahinahon naman ni Ate Shara kay Kuya Blue.

''Ako ang may desisyon na lumayo kay Tyler, kuya Blue. Kaya ako ang dapat sisihin kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako nito maalala,'' mahinahon kong saad.

Nakita ko ang pag kuyom ng kamao nito.

''Hindi 'rin naman ikaw ang may kasalanan. Isa pa sa gumagawa ng paraan para hindi ka niya maalala ay ang kaniyang magaling na kapatid. Noong nakita ko palang talaga 'yan na Trisha na 'yan alam kong walang maidudulot yan na kabutihan sayo. She's a b*tch!'' galit na saad ni kuya Blue.

Galit naman itong sinampal ni Ate Shara sa kaniyang braso.

''Your words again, Blue!'' naiinis na saad ni Ate Shara.

''Umuwi nalang muna tayo, ayokong mapagbuntungan ka ng galit ngayon Scarlet.''galit na saad ni Kuya Blue at nauna ng sumakay sa sasakyan.

''Pagpasensiyahan mon a ang Kuya mo, sobrang mahal na mahal ka lang niyan kaya ayaw niyang nakikita kang nasasaktan dahil sa lalakeng yun.'' mahinahong saad ni Ate Shara.

Tumango nalang ako at ngumiti nalang 'din ng pilit.

Napasighap ako ng malakas at pumasok nalang din sa aming sasakiyan.

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon