End

3.9K 40 1
                                    

Please be aware of some grammatical errors. Thank you and happy reading everyone! <3

_______________________________

Talia

Kasama ko ang aking anak na namimili ng pagkain sa palengke.  Pauwi na kami sa bahay ng aming amo na si Mrs. Soo.
Dito kami nakatira ng aking anak. Nang bigla kaming matigilan dahil sa iyak ng isang sanggol.

"Nay, May sanggol po!" Sabay turo niya naman sa sanggol na nakalagay sa isang basket at nababalot ng kulay Scarlet na Tela.

Agad ko itong nilapitan at tiningnan.

"Aba! Sino ang walang awang nag iwan ng sanggol na ito dito," nag aalala kong saad at agad ko itong kinarga.

Napangiti ako dahil sobrang ganda ng baby at mapaghahalataan na galing ito sa mayaman na pamilya.

"Sino po kaya ang nag iwan ng sanggol na iyan, Nay! Nakakaawa naman po," mahinahong saad ni Tan-Tan.

Agad naman akong napatingin sa paligid at wala akong makitang kahit na sinong tao.

Pinagmasdan ko ang bata.

"Sh! Tahan na Baby!" Nakangiti kong saad. Agad naman itong tumahan kaya napangiti ako sa tinuran ng baby.

Nakangiti na ito at pilit na hinahagkan ang aking mga mukha.

Bigla akong may nakitang isang Kwintas na may naka lagay na pangalan.

"Trixie Riesha!" Agad ko namang sabi.

"Ang ganda naman po Nay ng kaniyang pangalan. Bagay po sa kaniya na mukhang anghel," nakangiting sabi ni Tan-Tan.
Napatango naman ako sa sinabi ng aking anak.

"Tama ka Tan-Tan! Bagay na bagay sa katulad niya," nakangiti kong saad at patuloy na tinitigan ang bata.

Gusto kong alagaan siya.

"Simula ngayong araw Tan-Tan magiging kapatid mo na siya at siya ay si Trixie Riesha De Vera!" Nakangiti kong saad. Agad namang napatango ang aking anak.

"Hi baby sister, Esha!" Nakabgiting banggit ni Tan-Tan at hinalikan ang noo ng kaniyang kapatid.

Aalagaan kita Esha na parang tunay kong anak. Alam kong masamang mang angkin ng bagay na hindi naman saakin pero nafefeel ko na kailangan ko siyang alagaan. Wala 'man akong sariling bahay pero kakayanin kong pag aralin at palakihin ang batang ito. Ituturing ko siya na parang galing saakin.

Kung sino man ang kaniyang mga magulang ibabalik ko siya sainyo kapag kusa na kayong lumapit saakin at pinatunayan niyong kayo talaga ang tunay niyang mga magulang.

Pero sa ngayon ako na muna ang mag aalaga sa batang ito.


________________________________

So ayun tapos na! Thank you sa patuloy na nagbabasa ng Vengeance. Shems, kinikilig talaga ako sa mga nagcocomment. Ewan ko 'ba! Basta i love you all!

May book 2 'ba?

Hindi siya literall na book 2 dahil iikot lang ang istorya kay Trixie. Basta doon mangyayari ang mga patungkol sa buhay niya.

Anong name?

Spaces between us po ang title ng story ni Trixie.

Kailan ko 'ba ipupublish dito sa watty?

I don't know pero may existing chapters na siya at kailangan nalang irevise. Busy pa kasi ako kaka panood ng anime hindi kona maisingit sa schedule ko HAHAHAHA agik si author sa anime. Basta soon!

Baka kasi tapusin ko na muna 'yung Back For You. May mga chapters na siya sa laptop pero hindi ko muna ipinapublish sa watty dahil tinatamad ako. Balak ko munang tapusin lahat ng chapters. Basta see you in my next story, dear readers! God bless and i love y'all.

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon