Chapter 41

3.5K 59 4
                                    

Scarlet

Kasalukuyan na kaming nakarating sa presinto kung nasaan si Violet.

"Do you want me to come with you?"tanong niya naman saakin.
Agad naman akong umiling iling sakaniya.
"I want to talk to her in private, Ion."nakangiti kong saad sakaniya. Tumango naman siya.

Agad naman akong pumasok sa presinto.

"Bibisitahin ko lang po sana si Violet Jung po,"nakangiti kong saad. Tumango naman ang isang police. Agad naman akong naupo sa hintayan ng mga bumibisita.
Agad ko namang nakita si violet na namumugto ang mata at gulong gulo ang buhok.

Natigilan ito ng makita ako at umupo na lamang sa aking harapan.

"Bakit ka nandito?"mahinahon niyang sabi. Ngumiti lang ako ng tipid.

"Nandito lang ako para kamustahin ka Violet,"nakangiti kong saad. Pero malakas itong tumawa at biglang naging seryoso. Bipolar?

"Do you think i'm fine? Kita mo naman na naghihirap ako rito sa presinto! Alam kong masaya kana dahil nakakulong na'ko!"galit niyang sabi. Napasmirk naman ako sa sinabi niya.

"Kasalanan mo naman lahat kaya ka nandidito! Kung hindi mo sana naisipang kidnappin ang mga anak ko 'edi sana ay kasama mo ang anak mo."seryoso kong saad. Nakita ko namang naikuyom niya ang kaniyang mga kamay.

Diba masakit Violet na malaman mo ang mga pinag gagawa mo.

"Oo, alam kong nag padalos dalos ako sa naging desisyon ko, Scarlet! Pero nagsisisi ako na ginawa ko yun!,mahina niyang saad. Napatitig naman ako sakanya dahil sa sinabi niyang iyon.

"Nagsisisi Huh?" Sarkastikong tanong.

"Oo! Hindi ka 'man maniwala pero oo, Nagsisisi ako ng sobra sa mga ginawa ko sa pamilya mo, Scarlet."mahinahon niya paring sabi.

"I envy you! Dahil na sayo parin ang puso ni Tyler! Simula nung inakala naming patay kana ay doon ko nalaman kung gaano ka kamahal ni Tyler. Binibisita niya tuwing linggo ang puntod mo at dinadalhan ka ng bulaklak. At nung ikakasal kami ay hindi man lang siya ngumiti. Seryoso lang siya all the time. Hindi niya ako tinatrato bilang asawa 'kundi isang nobody na lamang. Ang mas masakit pa ay lalo siyang naging cold saakin ng malaman naming buhay ka. Dinamay niya pati anak ko. Hindi niya na binibisita si Lisa, hindi niya na 'rin ito itinuturing na anak simula nung magpakita ka ulit. Kaya ko lang naman 'yun nagawa sa mga anak mo dahil napakaswerte mo! I envy you 'cause Tyler loves you!" malungkot niyang sabi. Hindi ako umimik at patuloy na nakinig sakanya.

"Mahal ka niya, Scarlet. Sinasabi ko 'to sayo dahil ito ang totoong nakikita ko at napagmamasdan kay Tyler. This is my simple way para makabawi sa lahat ng naging kasalanan ko,"pilit siyang ngumiti saakin at hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa mesa.

"Mahalin niyo ulit ang isa't isa. Para na'rin sa tatlo niyong anak,"nakangiti niyang saad.
Hindi parin ako umimik at patuloy lang siyang tinitigan.

"Alam kong hindi mo ako kaagad na mapapatawad pero gusto ko lang sanang humingi ng pasensya sa lahat ng nagawa ko sa pamilya niyo,"malungkot nitong saad. Hindi pa'rin ako umimik dahil sobrang nakaka speechless. May isang police naman ang lumapit kay Violet para ihatid siya  sa kaniyang selda. Tumayo siya at tumitig saakin. She smiled at me.

"I'm sorry, my sister!"nakangiti nitong sabi. At agad naman siyang sumama sa police at iniwan akong nakatunganga.
Tumayo na ako at wala sa sariling lumabas ng presinto.

Agad naman akong sinalubong ni Ion.

"Kamusta naman ang pag uusap niyo ni Violet?"seryosong tanong ni Violet.

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon